It's already nightfall nang makarating ako sa Casa. Akala ko nga hindi na ako titigilan ni Zeno. Ghad!
Hindi na din ako nag-dala pa ng driver since safe naman ang pupuntahan ko and may mga guards din don.
Ang nakasimagot na si Sera ang naabutan ko.
"Dapat she understands me in this situation." She whined.
Well, she's pretty much caught in the cross-fire.
Savannah shut us out. I tried to contact her but her phone is off. I want to go to the mansion and console her.
"Intindihin mo na lang din, Sera. If you're in her situation, for sure ganoon din mararamdaman mo." I said to ease her anxiety. She looks like she hasn't slept for days.
"Or maybe worse..." Dagdag pa ni Penelope.
Nagtawanan kaming dalawa. Lalo tuloy nag-pout si Sera.
We then shifted our topic about my last lovelife. I told them everything that they need to know.
"He sounds really good in bed.." Sera said.
I rolled my eyes and poked her forehead. "Ano ka ba. Penelope is here. She's too innocent for that."
Bata pa naman kasi 'tong si Penelope. Hindi namin siya sinasama sa bar. She really looks young naman kasi. Ganoon din si Henriette.
"As if! If I know, may boyfriend na din yan! My maid saw her with some super hot guy. Sabi pa ni Pamela, the guy looks older parang college student!" Sera divulged. This time, siya naman ang nang-asar kay Penelope.
Penelope's cheeks immediately turned crimson red. She's too transparent.
"H-Hindi ah. Must be one of my stalkers." She reasoned out.
"Hmmm..." Sera and I both reacted. Pinagtaasan namin siya ng kilay.
Pinipilit namin siyang umamin but she kept her mouth shut. Ganumpaman, nakikita namin ang madalas na pagtingin niya sa phone as if she's waiting for a text or call. Sus!
Marami pa kaming napag-usapan. Bago kami matulog, hiningi ko ang number ni Siege.
Nang kinabukasan ding iyon ay umalis ako para pumunta ng Blue Plate. But I left, may napag-usapan pa kaming iba...
"I haven't heard that company before... Who's the owner?" Penelope asked.
"Dreymont Coronel." I answered. Sa pagkakatanda ko kasi, sa kanya nakapangalan iyon.
I discussed about the company's background to them. Humingi na din ako ng tulong sa iba ko pang mga friends. Ang sabi naman nila ay gagawin nila ang lahat para makatulong.
I just hope that they'll be able to help him.
"He seems special to you. Diba may Zeno Montenegro ka na? Sino naman 'to?"
Yes he's special to me. As a friend. Ito lang ang naiisip ko to compensate for all the things I did to him.
"I consider him as one of my closest friends." Sagot ko na lang.
"Okay...We'll see what we can do."
After non ay umalis na ako. I texted Savvy's boyfriend to meet with me. Pumayag naman siya.
I told him about my sister's past. I'm glad na naintihan niya iyon. Masaya din ako dahil hindi nagkamali si daddy and tita Marinela on choosing Siege as her fiancée.
At some point, naiinggit ako. My little sister has no problem with Siege side. Boto ang mga ito sa kanya. Ganoon din sa side ni Savannah.
I was like that when Denver's my fiancèe. Not much really pala since my step sister wants him for her.
Bago ako umuwi, dadaan muna din ako sa studio to talk with Rina and to Devionne na din. I haven't seen them for ages.
Nang makarating ako doon ay nagkakagulo ang lahat.
"Dahil lang doon ipu-pull out na nila?!" Narinig kong sigaw ni Devionne.
Agad akong kinabahan. I haven't seen him this mad. Pati ang mga model ay halatang tuliro din.
"Speaking of the devil! Anong ginagawa mo dito bitch!? Ang kati mo noh. For sure matinding paglandi ang ginawa mo kay Zeno!" Si Celine iyon. Siya agad ang unang nakakita sa akin.
Amba niya akong sasampalin nang mahagip ko ang kamay niya. "Baka mag-asal demonyo talaga ako kapag hindi ka tumigil."
Agad naman siyang naalarma sa sinabi ko. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad para lapitan si Devionne.
"Tanya! Anong ginagawa mo rito!?" Nanlalake ang mga mata niya sabay hila sa akin papunta sa opisina niya.
"What's happening, Dev?" Nag-aalalang tanong ko.
Napasapo siya sa ulo. Ikinuwento niya ang nangyare sa akin noong wala ako.
"Ngayon nagpapa-petition sila na i-pull-out ka from modelling. Yung mga endorsement mo umayaw na din. Si Ara muna ang inilagay ko as replacement. Gosh! Hindi ko na alam Tanya. Kanina lang binalita sa TV ang pag-visit ni Laurice sa psychiatrist dahil nade-depressed daw. Everyone is blaming you. Ang dami na ngang hate comments and death threats ang nari-receive ni Rina. Jusko!"
Napatakip ako ng bibig. Ghad! Ganoon na agad kalala ang sitwasyon?
"Zeno is coming here from time to time to deal with the issue but that's not the problem here. Kahapon ay dumating din si Marinela Dondiego. Hay naku! This is getting out of hand! Ano ba 'tong pinasok mo."
Si Tita Marinela!? Shit! Ang lala na talaga nito.
"I hate to say this Tanya pero sa tingin ko mas mainam kung magpakalayo-layo ka muna."
Yun na lang ba talaga ang last option?
Umalis ako ng studio na bagsak ang balikat. Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa sobrang stress.
Nagulat ako nang may biglang huminto na sasakyan sa harapan ko. Iniluwa noon si Tita Marinela.
"Get inside the car. We need to talk." Her face is emotionless just like my sister.
Buong biyahe ay pareho kaming tahimik. This is the first time na makakausap ko siya na kami lang dalawa.
"Matagal ko na 'tong napapansin but I chose to turn a blind eye because you're very close with Savannah and Arnulfo." Panimula niya nang tumigal kami sa lugar na hindi ganoong tinatao.
"But this is too much, Tanya. You're dragging our family down. Del Valles and Dondiegos are good friends. Hindi ako papayag na isang hamak na anak sa labas lamang ang sisira sa relasyon na iyon."
I couldn't but cry at that moment. That's the most hurtful words I received from someone I considered as my second guardian next to my biological parents.
I practice myself to not show emotion at times like this. But this hit different.
Hindi ko alintana ang paggusot ng damit ko dahil matinding pagkapit doon.
"Go back to States. Kung namomroblema sa pag-apply para magkaroon ng permanent citizenship doon, tutulungan kita. Just please......leave us alone...."
Hence, this is what I get for not thinking before I act. Hindi ko magawang magalit. Tama naman siya.
Ghad! I haven't been this hurt before.
__________
Please support me by tapping the star icon. Love you!
