I decided to double all my guards. Kelangan kong maging extra cautious.
Nakakadalawa na ang lalakeng iyon at ayoko nang masundan pa.
I don't want to be part of his harem. Or kahit na sino man. I want to enjoy my life as it is. I play my game.
"Payag ka na ba for pictorial? Sagot mo na lang ang hinihintay and by next month, i-sshoot na." Devionne asked me.
Last week niya pa iyon in-offer sa akin from famous clothing line company. Ilalagay iyon sa billboard kaya nag-aalangan ako.
"I still can't believe that she got all the offers which are supposed to be mine, Dev. Ilang months palang siya sa industry na 'to. Wala pa ngang taon! Ako five years na!" Reklamo ni Alice Andrada.
Siya yung ex ni Dreymont na ngayon ay naghahabol naman kay Zeno. Although based sa narinig ko from Ara, ayaw siyang patulan.
Oh well. Wala akong pake.
"Maybe because they find me more beautiful than you?" Pang-aasar ko sa kanya.
Akma niya akong susugudin pero naharangan na siya ni Devionne.
"Ladies! Enough! Kung mag-aaway kayo, huwag dito sa studio ko!"
Umirap na lang ako at muling hinarap ang vanity mirror.
Isa lang siya sa mga co-models ko na nag-rereklamo about sa offers na ibinibigay sa akin. Deadma na lang ako minsan.
If they only knew, kaya kong ipabagsak ang career nila if I want to. Kahit naman kasi Alcaraz ang ginagamit kong surname, I'm still a Dondiego by blood.
Yun nga lang, ayokong umasa sa kanya o kay mommy.
Tinawagan ko na ang driver ko na sunduin ako para makauwi. Nag-s-stay pa din ako kela Marga.
Habang nasa byahe, bumabalik sa isip ko ang katotohanang nasa piligro ang buhay ko.
Ayokong ipaalam kahit kanino. This would cause chaos. I'm sure of it.
Isa pa, kasalanan ko din naman kung bakit may gustong magpapatay sa akin. Masyado akong palaban kaya madami din akong kaaway.
I took a bath as soon as I went home. I wore an Oscar dela Renta white maxi dress.
Pumunta ako sa garden para magpahangin. Walang tao doon kundi ako.
I poured my glass with wine.
The solemnity of the place calmed me. Maggagabi na din kaya mas kalmado ang paligid.
I wonder if everything that happens to me is purely coincidental or planned.
Paano kaya kung hindi ako umuwi ng Pilipinas?
Although, Gertrude hates me to guts, I don't she has the audicity to hire someone to kill me.
And Zeno. Gusto niya ba muna akong laspagin bago patayin? My gosh!
"Are you okay?"
Napalingon ako sa kanya. It's Dreymont. Mukhang kanina pa sya nandito. Sa sobrang occupied ko, hindi ko na siya napansin.
"I was asking you where's mom but you seem drowned from your thoughts."
Actually, hindi ko alam kung okay ba ako. I'm confused.
Looking at him, an idea popped in my head. I'll grab my situation to act like a damsel in distress.
"To be honest, no. Natatakot ako Dreymont."
Nabakas ko ang pagkagulat at pagkabahala mula sa kanya. I grabbed that opportunity to hug him.
"What should I do Drey?"
"Tell me what happened."
Instead of telling the truth, sinabi kong may psychotic akong stalker na overly obsessed sa akin.
"Kahit na may bodyguards na ako, I'm still afraid. Help me."
He didn't respond. He just let me hug him.
Pasimple akong ngumisi. Gagamitin ko ang sitwasyong ito para tuluyan ko siyang maakit at maghiwalay na sila ni Joan.
Kaya nga nang sumunod na araw, nang malaman kong may out of town si Dreymont at Joan kasama ang mga kaibigan nito ay nakiusap akong sumama.
"I want to go with you. Ayokong mag-stay dito sa bahay. I feel safer kapag malapit lang si Drey. Okay lang naman iyon, right? Joan?" I pouted my lips.
Naiinis man, pumayag pa din siya. Syempre kaharap na naman namin si Marga kaya hindi siya makapag reklamo.
We went to Batanes. Mahina ang signal doon pero okay lang.
"Bakit kailangan kasama pa yan, Joan?" Rinig kong tanong ng mga kaibigan niya.
Nagpanggap ako na hindi ko sila naririnig. Nagpaka busy ako sa pagtatake ng pictures.
"Drey can you take a picture of me here?" I asked nang makarating kami sa St. Thomas Aquinas Chapel sa Sabtang.
"Kung gusto mo Tanya ako na lang ang kukuha ng picture sayo." The cheap looking guy interfered.
Hindi ko siya pinansin. Bagkus ay mas lumapit ako kay Dreymont at iniabot sa kanya ang hawak kong DSLR.
"Sige na Drey. Kuhanan mo na siya." Joan told him.
Lumawak ang ngiti ko nang abutin niya iyon at pinatayo sa harapan ng chapel.
"Mga tatlong take ah." Paalala ko pa.
Nakita ko kung paano umirap ang mga kasama ni Joan sa akin. I don't fuckin' care.
"Ang landi talaga."
"Bakit kasi kasama pa yan? Halata namang gustong agawin si Dreymont."
"Desperate bitch."
Hindi ko pinansin ang mga patutsada nila. Totoo din naman kasi.
Baka nga after ng trip na 'to, I'm officially Dreymont Coronel's mistress.
__________
Please support me by tapping the star icon. Love you!
