Dapat pala ay sinunod ko na lang si Dreymont na huwag umalis sa loob ng opisina niya.
Inirapan ko lahat ng mga empleyadong madadaanan ko.
Wala na. Sira na ang araw ko.
Napatigil ako sa isang desk nang makita ang isang tabloid. Headline ang lintek na si Zeno pati ang fiancée niya.
May date na daw kung kailan sila ikakasal.
Agad kong pinunit iyon at tinapon sa basurahan.
Naalala ko ang sinabi ng isa sa mga empleyado ni Dreymont doon sa rooftop.
"Kung ako kay sir, kay Ma'am Joan na lang ako. Oo mas maganda si Ma'am Tanya pero masama naman ugali. Hindi kaseryo-seryoso."
Mga bwiset!
Hindi ko na nahintay pa si Dreymont. Umalis na ako doon. Pero imbis na umuwi ay nagpahatid ako sa Horizon.
"Porque sikat ka na hindi mo na ako kilala." Inirapan niya ako.
"Oh please, Macey. Stop the goddamn drama."
Pareho kaming natawa.
Ilang taon din akong nanirahan sa ibang bansa kaya wala akong balita sa kanya.
"Ang landi mo girl. Nauna ka pang manganak bago magpakasal." Biro ko sa kanya.
Ang sabi niya kasi saken, kababalik lang ng alaala niya.
"At least ikakasal na." Nakangising saad niya saken.
Schoolmate kami dati noong highschool kaya ko siya nakilala. She has changed a lot. Blooming siya lalo. Akala ko nga ay hindi na ako kilala ng babaeng ito.
Lumapit sa amin si Pentong at ini-serve ang inorder naming inumin. Naghingi pa ng autograph sa akin.
Hindi pa talaga mag-o-open itong Horizon. Pero dahil namiss niya daw ako ay maaga siya nagbukas.
"Baka nakakalimutan mong isa ka sa ninang ni Bryce. Nagdaan na yung birthday niya wala ka man lang gift."
"You're mayaman naman. Do you still need my gift? If yes, pwede bang vibrator na lang?"
Sinamaan niya ako ng tingin. Humalakhak ako.
Marami kaming napagkwentuhan ni Macey. Mostly tungkol sa lovelife niya.
Hindi ko ine-expect na mas bata pa sa kanya ang nakatuluyan niya.
"Ikaw ba? Diba may boyfriend ka?"
"Break na kami non."
Medyo nakakaramdam na ako ng pagkahilo.
Stacey officially opened the bar. Nandito na din ang fiancé niya si Brent. The guy is so hot naman pala talaga.
Stacey deserves everything she has right now.
At habang tumatagal kapag naiisip ko iyon ay mas lalo lang nagbi-build up ang insecurity ko sa katawan.
People close to me deserve what they have.
My half-sister, Savannah (Gertrude is still a dirt to me, though) ...
My friends....
Even my mother.
People may think bad about her but I still consider her the best for not leaving me. Ako 'tong lumalayo sa kanya because I want to be independent and be successful without the help of her.
Tama sila. Wanting more means losing everything.
"Ghad! Why do you think like a loser, Tanya? That ain't you!" I said to myself.
Lumalim na ang gabi. The spirit of alcohol has taken over me.
I was like a zombie as I made my way out of Horizon. Nakita ko ang driver ko na nakatayo doon habang naninigarilyo.
"Where's the key?" I asked him.
I could hardly open my eyes. It's all blurry.
"Uuwi na po ba tayo, Ma'am Tanya?"
Instead of answering my question, he dared throw me a question back.
"Give me the fucking key or you will lose your goddamn job!" Sigaw ko.
Nanginginig ang kamay niyang ibinigay sa akin ang susi.
Inagaw ko iyon at inirapan siya. I even flipped my hair.
Pumasok ako ng sasakyan, not knowing kung saan ako pupunta.
Ah yes, uuwi na ako. In my condo.
I glanced at the speedometer of my car.
"30kph. Too slow."
I stepped on the gas.
45kph
60kph
120kph
Halos hindi ko na makita ang mga nagdadaanang sasakyan. Hindi ko nga alam kung may naba-violate ba akong traffic rules.
"I love my life!" I screamed at the top of my lungs.
Narinig kong tumutunog ang cellphone ko. Someone's calling me.
Nakalimutan ko na kung saan ko nailagay ang Valentino baguette ko. Andon ang cellphone ko. Ugh!
I just focussed myself on the road. May iilang tao ang nag-we-wave sa akin as if that part of the road is blocked.
Nakasuot ito ng vest na kapag natatamaan ng light ay naggo-glow. I don't know if they're from DPWH or some construction workers.
I tried to stop pero mas lalong bumilis ang takbo.
"Oh fuck!"
Yung gas pala ang natatapakan ko!
I tried to evade it but it's too late. Nagpadere-deretso ako sa barricade.
Hindi ko napansin ang malaking signage na may nakalagay na: CAUTION DEEP EXCAVATION
At that time, parang nag flashback sa akin lahat ng good memories na meron ako.
A shy and weak girl who went to Catholic school. My mom always yelled at me for being naive.
"Tanya kung hindi ka lalaban, palagi ka lang kakawawain. Umayos ka!"
Bumulusok ang sasakyan ko sa kailaliman. Namamanhid ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw.
Kasabay ng pag-activate ng airbags ay siya ring pagkawala ng malay ko.
Am I fucking dead?
That fast?
I haven't succeeded yet.
Unfair.
Wait. Hindi pa ako patay.
Nakakaramdam pa ako ng pananakit ng katawan.
Someone's carrying me. Tumatakbo siya habang bitbit ako.
"Fucking reckless!" He frustratedly said.
Una kong napansin ang suot niyang hikaw na kumikislap kapag natatapatan ng liwanag.
I haven't noticed it before dahil palagi akong nakatingin sa mukha at katawan niya.
Naramdaman kong ipinasok niya ako sa loob ng sasakyan.
"Drive us to the nearest hospital! Quick or I'll kill you!"
His voice always shivers me. Kahit pa hindi ako ang kausap niya.
Ganumpaman, nakaramdam ako ng kaginhawahan. He saved me.
Kahit nanghihina ay niyakap ko siya. Kumawala ang mga luhang kanina pa naiipon sa mata ko. Naramdaman ko ang pagkagulat niya pero wala akong pakialam.
"Tch." He tsked.
Mas lalong akong umiyak.
"Z-Zeno...."
__________
Please support me by tapping the star icon. Love you!
