Caution Part 1! 🚧
———————————
Para akong tanga habang tinitingnan ang phone ko na kanina pa tumutunog.
After ng usapan na iyon, dito ako napadpad sa isang convenient store. Nakasuot ako ng hoody and eyeglasses.
I turned off my phone. Alam kong magagalit sa akin si Zeno for ignoring him. Mabuti na rin 'to. I don't think may karapatan pa akong makipagkita sa kanya after today. Ayoko nang dagdagan pa ang problema ng mga Dondiego.
At this moment, all I want is to be alone.
Bumili ako ng dalawang soju.
"So this is the end of my career huh." I murmured.
Hindi ko alam kung saan ako matutulog ngayon. Meron sigurong malapit na motel dito. Kapag nag-hotel naman kasi ako, there's a high chance na makikita ako ni Zeno.
Nang maisip na may GPS ang phone na hawak ko, agad ko iyong binato sa malayo.
It's already dark kaya wala nang masyadong tao dito maliban sa kabilang streets kung saan may mga bar.
Napansin ko ang dalawang lalake na kanina pa nakatingin sa direksyon ko. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang mga ito.
Mabilis akong tumayo. Ngunit bago pa man ako makalakad ay nakaramdam na ako ng pagkahilo.
"Okay ka lang miss?" Tanong sa akin nong isang lalake.
"Y-Yes." I need to get out of here!
Kinabahan ako nang hinawakan nito ang braso ko.
"Teka, miss. Pamilyar yang mukha mo."
Shit! Mabilis kong binawi ang braso ko. Nakakainis. Bakit kasi hindi ko inilipat ng pwesto ang sasakyan ko!? Ngayon kelangan ko pang tumawid para makasakay doon.
Masakit man ang ulo, nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko pinansin ang dalawang lalake na nakasunod sa akin.
Mas binilisan ko ang paglalakad. Habang patawid, hindi ko napansin ang paparating na tricycle.
Sa sobrang pagkagulat ay napaupo ako sa kalsada. Tinakpan ko ang mga mata ko, hinihintay ang tricycle na bumangga sa akin.
Maybe this is the best way to solve my problem...
"Are you okay, miss?" Nag-aalalang tanong ng taong hindi ko inaasahan na makita ngayong gabi.
The tricycle stopped on time.
Hindi ko napigilan ang mga luhang pumatak sa mga mata ko. I looked pathetic.
Lumuhod si Joan para sana kilalanin kung sino ako. Wala sa sariling niyakap ko siya ng mahigpit.
She's like the oasis in the midst of the desert. Hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng kaginhawahan.
She's supposed to meet her friends para makipag eyeball daw sa isang bar.
"Ayaw ko rin namang pumunta doon so okay lang." Saad niya habang nagmamaneho.
I didn't know na marunong siyang mag-drive. Ang sabi niya saken ay kinailangan niyang matutong mag drive to get a driver's license. Tinuruan din daw siya ni Dreymont.
"Wow.... Hindi ako makapaniwalang kaswal tayong nag-uusap ngayon. Pinagda-drive pa kita." She chuckled.
I smiled. Hindi ko din inaasahan na darating din kami sa sitwasyong ito.
"Are you still mad at me?" I suddenly asked.
Natigilan siya sa tanong ko. Ghad! Tanya do you really have to ask that? Of course!
"Hindi naman maiiwasan 'yon."
I sighed. Tumingin ako sa labas ng bintana.
"Pero kung iisipin mo, kasalanan din 'to ni Drey dahil mabilis siyang nagpadala sayo. Sinisisi ko din ang sarili ko dahil mahirap lang kami. Wala akong pwedeng ipagmalaki bukod sa nakapagtapos ako sa pag-a-aral."
Kumunod ang noo ko.
"Huwag mo ngang ibaba ang sarili mo. Not because you're not fortunate like the others, doesn't mean you will let yourself be like that forever."
She smiled but I could see the pain lingering behind.
Itinigil niya ang sasakyan sa isang compound na siyang pamilyar sa akin. May mga bata at matandang nagkukumpulan doon ang bumati kay Joan. I heard someone catcalled me pero sinaway niya iyon.
The place smells weird. Puro graffiti ang mga pader pati na din ang mga pintuan. Nonetheless, I prefer this place more.
"Where's your mom?" I asked. I wasn't sure if it's appropriate to ask that since they seem not in good terms.
"Nasa probinsya namin sa Iloilo. Doob kasi talaga kami nakatira. Lumipat lang kami dito noong nag-college ako."
I see.... Gusto ko sana itanong where her dad is but I'd be over the line. Hindi naman kami ganoong ka-close.
Pumasok kami sa pangatlong pintuan na kulay pink at may stickers ng kpop bands.
Unang bumungad sa akin ang maliit na kusina. Tatlong hakbang ay nasa sala ka na. Mayroon silang flat screen na TV at maliit na radyo sa gilid. Mula sa labas ng pintuan ay tanaw ko na agad kung saan ang banyo at kwarto.
The space of her house is too small that it's almost like my walk-in closet only.
"Gutom ka ba? May niluto ako kanina bago umalis. Hindi man iyon kasing sarap ng madalas mong kinakaen, nakakabusog pa din. Paborito nga iyon ni Dreymont eh." Nakangiting saad nito habang nakatingin sa kawalan.
She must be remenescing something that includes her ex. She really loves him so much. Even the pain is visible.
"Nag-dinner na ako kanina but thanks for the offer. Saan pala ako pwede matulog?"
Napansin kong isa lang ang kwarto nila. Hindi na ako mag-expect na matulog sa kama. Err. Pwede na siguro dito sa sofa?
"Sa kwarto syempre. Huwag kang mag-alala queen-sized naman yon. Pero kung hindi ka sanay na may katabi, pwede naman ako sa sahig o kaya dyan sa sofa."
Nataranta ako sa sinabi niya.
"We can both sleep in bed. I won't mind."
Tumingin ako sa banyo.
"Do you have spare clothes? Makiki-shower sana ako."
Nagulat siya sa tanong ko. Wala na akong time para mag-inarte. Nakikitulog na nga lang ako eh.
"Oo naman. Yun nga lang wala kaming shower. De-tabo lang kami pero may gripo naman at timba kaya ayos lang."
"G-Great..." I replied.
Surprisingly, their bathroom is clean. Medyo masikip pero ayos lang.
Nang matapos ay dumiretso ako sa kwarto. Sya naman ang naligo saglit. Her room is nice. Napukaw ang mata ko sa dalawang picture frame na nasa bedside table. Pictures nilang dalawa ni Dreymont. They look cute together. Lalo akong nakunsensya sa mga pinaggagawa ko.
Mabilis ko iyong ibinalik nang marinig ko ang pagpihit ng doorknob.
Umupo ako sa paanan ng kama malapit sa kanya at pinagmasdan siya. Joan is beautiful lalo na siguro kapag inayusan.
Kinuha ko ang bag na nasa table. Palagi akong may bitbit na lipstick kung saan ako magpunta.
"Pout your lips." I said smiling.
I put lipstick on her. Maputi siya kaya bagay ang mga ganitong shade.
"You're very pretty, Joan."
She immediately blushed.
"Wow! Did we just indirectly kiss?" I joked. She blushed even more.
I like this side of her.
I don't know what urge me but I feel like kissing her. So that's what I did....
__________
Please support me by tapping the star icon. Love you!
