This is long ass update! Hehehe!
____________________________________________________
This has been a great week not only for Zeno and I but also for my family as well. They got to know each other more.
Although on the other hand, there are problems I left in the Philippines which I need to face sooner. I tried to ask Zeno about what's happening there but he's only limiting his answer by saying:
"It's okay. Don't mind it."
I know he's just after my welfare and stress is a no-no but I can't help but wonder. Tita Marinela asked to cut my ties with him. Pero sino bang niloloko ko. Knowing Zeno, hindi siya papayag lalo na ngayon na magkakaanak na kami.
A month has passed and then I suddenly got the news about what happened to Savvy's grandfather (Tita Marinela's father). Agad akong dumiretso sa may courtyard para kausapin si Zeno about this. Nang makarating ako doon ay nakita ko siyang may kausap sa phone. He looked pissed. Feeling ko ay masisira ang cellphone sa kanya dahil sa pagkakahawak niya dito.
I have never seen him this angry. It's like he's about to murder someone. Naglalabasan ang mga ugat sa braso niya ganoon din sa may bandang leeg. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila dahil medyo mahina ang boses niya.
"I don't think this is the right time. I guess..." I murmured.
Agad na akong tumalikod bago pa makalapit sa kanya. Sasabihin ko na lang siguro mamaya. Magpapaalam muna siguro ako kay mommy. Muli akong bumalik sa sala. Saktong pagtuntong ko ng hagdan ay siyang pagyapos sa akin ni Zeno mula sa likuran.
"Milady...." He whispered.
I almost shrieked because it was a sudden movement. Kung hindi niya ako yakap ay baka natumba ako.
"Zeno! Gusto mo ko makunan?"
"You won't."
The air of arrogance around him is unsurprisingly noticeable. Inirapan ko na lang siya. Well, atleast, he looked more calm unlike kanina. I sighed. Should I ask what's the problem? Napapansin ko ang pagiging anxious niya all the time.
About family? Maybe? He left all his responsibilities behind. Could be it.
Hinintay ko munang makarating kami sa sala bago ko sinabi ang pakay ko.
"Well, the thing is.....I need to go to Italy..."
Bahagya kumunot ang noo niya. "Is this related to the death of Antonio Fontana?"
I nodded. Hindi na ako magtataka kung alam niya din ang bagay na yon. Senior Antonio is well known in business industry. His death is like the downfall of the tyrant.
"Alright. But I have to go with you." He said with finality.
"Okay."
Saglit siyang tumingin sa labas na para bang may iniisip bago ako niyapos at hinalikan sa noo.
"I guess that's the best option we have for now." He murmured.
Hindi ako sure kung ako ang kinakausap niya o ang sarili niya.
"Are you hiding something from me?" I suddenly asked. Ayokong nagkakaganito siya tapos wala akong idea sa kung anong nangyayare.
Bahagya siyang napapitlag sa tanong ko. "Nothing... Just... work..."
Mas lalo akong nag-alala. Hindi kaya kinukulit na siya ng presidente? I mean, he's his right hand. Malaking kawalan kung wala siya sa tabi nito.
"Don't worry about it. I got things under control."
