Sorry nilagnat ako kaya hindi nakapag update agad :(
———————————
Mabilis kong tinawagan ang number ni Savannah. Agad naman niya iyong sinagot.
"That's you, right? Ate?" Iyon ang bungad niya agad sa akin.
"Alam na ba nila?" I asked, referring to our friends.
"Of course. They wanted us to go to Casa but your phone was unavailable. I tried to contact your old number too. But a guy answered your phone who, I am certain, is the President's son."
Ghad! Bakit hindi man lang ito sinabi sa akin ni Zeno?
By this time, alam kong aware na siya kung anong kalat ang kinasangkutan niya.
The video went viral. Hati-hati ang opinion ng mga tao. May mga nagagalit. May ibang sanay na because Zeno is known for being a playboy slash fuckboy. May iba din na naiintriga kung sino ba ang babaeng sumagot ng call.
They tried to cover it up by saying it was Zeno's secretary. That's so lame. Sinong maniniwala na ipapahawak mo ang personal phone mo sa ibang tao. And to think that Zeno didn't save her number.
Nagkita-kita kaming magkakaibigan sa Casa to talk what happened. Syempre they were all shocked. I haven't mentioned his name to them kahit isang beses.
"Look at Laurice's reaction. Priceless!" Halakhak ni Sera.
"How's Victoria nga pala?" I asked.
Syempre pinsan niya iyon. For sure, kahit wala siyang pakialam, pare-pareho silang damay sa eskandalong ito. Hindi nga siya nakapunta ngayon dahil inaayos nila ang gulong ito.
"She's okay naman. Sabi niya lang it's been awhile since their family name is being dragged to huge scandals like this one." It's Penelope.
"Let the cat out of the bag, Tanya. You didn't tell us that you and Zeno Montenegro are a thing." Julia nudged me.
So I told them everything minus the killer part. That would be a mess in our family as well kapag nalaman nilang may gustong magpapatay sa akin. Hindi ko pa nga alam kung sino ang pwedeng magpautos noon.
Siguro naman by this time, Zeno will give me a hint kung sino nga ang gustong magpapatay sa akin.
After naming magkwentuhan, pumunta naman ako sa studio to meet Devionne. May sasabihin daw siya sa akin.
Pagkapunta ko doon, nagkaroon siya ng urgent meeting kaya pumunta muna ako sa lounge to wait for him. Sakto namang naandon ang grupo nila Celine. Nagtatawanan ang mga ito habang pinag-uusapan si Laurice.
"Feeling naman kasi yung babaeng yon. She really thinks na mahal siya ni Zeno when in fact, kaya naman talaga sila ikakasal ay dahil magkaibigam ang mga pamilya nila. That's all." Saad nito.
"But girl, sino kaya yun? Yung babaeng may hawak ng phone nung tumawag si Laurice." Tanong ng isa na hindi ko matandaan ang name pero co-model ko din.
"Kaya nga! Hindi nagpapahawak ng phone si Zeno because he's a private person tapos yung babaeng yon...She even answered a personal call for him!" Ara said.
Hindi ko naiwasang mapaubo habang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Napatingin tuloy sila sa akin at sabay-sabay na inirapan ako bago nagpatuloy sa pagchichismisan. Iniripan ko din tuloy sila.
Zeno's cheap girls are really getting on my nerves talaga.
"And guess what. According to my source, nadala na daw yung babae sa bahay ni Zeno. He even took care of the girl noong naaksidente."
Wow! Pati ba naman iyon alam pa din nila. Ghad! I can't believe this.
Nanlalake ang mga mata ni Alice.
"Really?! Sa hotel niya lang ako laging dinadala ah. Ugh! Ang unfair!"
"That girl must be poor. Right? If Zeno loves somebody else, then there's no reason to continue his engagement with Laurice."
They all nodded as if agreeing to their own conclusion.
As if naman! Hindi ba pwedeng ako yung may ayaw kay Zeno because he's a jerk with cheap harem.
I got irritated kaya umalis na ako doon to wait Devionne inside his office.
Mga ilang minuto pa lang siguro ang nakakalipas, nakabalik na ulit siya from the meeting.
Kaya pala ako pinapunta sa studio is because of the next project for BER months.
We'll be modeling liquors like beers and cocktails for October fest. I already asked Rina to buy me concealer na magha-hide ng tattoos ko all-over since the pictorial will show more skin.
Dumiretso ako sa Blue Plate pagkagaling sa studio. I didn't expect na tatauhin ang restaurant ko. I mean, tinatao naman ito pero tuwing hapon hanggang gabi lang. But now, kahit umaga madaming kumakaen lalo na kapag weekends. Chineck ko ang mga invoice pati na din ang carbon copies from the cash register.
"Iba talaga 'tong si Chase. Habulin ng chix." Komento ni Dennis habang pinapanood ang bagong part-timer namin.
Well, he's gwapo naman talaga. The boy must be in college. Ang bata pang tingnan pero matangkad.
Kaya pala puro babae ang customers namin.
Hmmm...Sa bagay, maganda ang hubog ng panga nito at matangos ang ilong. He has tanned skin. Lean ang katawan na hindi ma-muscle. Sapat lang for his age.
I don't know but he seems odd.
What's his name again? Chase Marasigan?
Pagkauwi ko kela Marga (Yes, hindi pa ako nakakaalis), naabutan ko ang mag-ina na nagtatalo sa may sala. Hindi pa nila ako napapansin.
"I told you already! Do something or mauunahan ka! Andyan na oh! You just need to make a move." Galit na saad ni Marga.
Nakakuyom ang kamao ni Dreymont. He seemed really annoyed.
"I'm trying!" Giit niya.
I crossed my arms.
"What are you two fighting about?"
Nanlalake ang mga matang bumaling sa akin si Marga. Si Dreymont naman ay umiwas ng tingin.
"Kanina ka pa dyan?" She looked tense.
"Not really." I frowned.
Nakahinga naman ito ng maluwag at lumapit sa akin para magbeso.
__________
Please support me by tapping the star icon. Love you!
