THM 9

76.3K 1.1K 151
                                        

Sumakay ako ng sasakyan para sundan sila. They're going to the opposite direction.

After a few turns, tumigil sila sa isang maliit na compound. The place looked untidy. Almost like a squatter.

"So Dreymont knows what their status in life is." I said to myself.

Hmm. Interesting. Hindi ko alam if alan din ba ito ni Marga. Knowing her hatred towards mahihirap, this might be the reason why she doesn't like this girl.

Inalalayan ni Dreymont ang girlfriend niya at ang mother nito na magbuhat ng mga pinamili.

Hindi ko na nakita ang nangyare after that dahil pumasok na sila sa malaking gate na gawa sa yero.

Habang naghihintay sa pagbabalik niya, tumingin na lang ako sa tatlong madudungis na bata na naglalaro malapit sa sasakyan niya. Yung isang bata ay nakasilip sa loob noon. Sinusuway siya nung isang batang babae na umalis doon but the boy is too consistent to see what's inside the car.

Sa inis dahil sa pag-iistorbo sa kanya ng batang babae ay itinulak niya ito. Tumayo ang batang babae at itinulak siya pabalik.

Dumating ang ilan pang bata para makiusyoso sa kanila. Tumayo na din ang mga batang naglalaro kanina para pigilan silang dalawa.

Walang sumasaway na mga matatanda. Nakatingin lamang ang mga ito habang nagkukumpulan. It seems that they're used to it.

Little while later, Dreymont appeared in the sight. Pinigilan niya ang mga ito. May sinabi siya sa mga ito ngunit hindi ko iyon marinig dahil medyo malayo sila from where I am.

Pumasok siya sa sasakyan at may kinuha doon. Yung wallet niya. He gave them money each.

Ngiting ngiti ang mga ito. Masayang masaya dahil sa ibinigay niya. They even hugged him.

Oh. So he really loves helping others, huh.

Hmmm. Quite interesting.

Joan just found a treasure chest in his persona.

Umalis na din ako pagkatapos dahil baka makita niya ako.

Isang linggo ang nagdaan. Katulad ng mga nauna ay na-stress na naman ako dahil sa kabi-kabilang photoshoots. We had to go to Cebu.

Medyo nag-tan ako dahil puro beach ang pinuntahan namin. Ang init pa.

Inilipat ko ang responsibility ko sa restaurant kay Dennis.

After not so long flight, dumiretso ako sa isang English restaurant malapit sa kompanya nila Dreymont. I love their teas there. Pwede akong kumuha ng idea from them for Blue Plate.

While enjoying my cream tea, I saw two sillouette of men near the parking lot of the parking lot. They're particularly standing beside my car.

Nawala din iyon agad. Hindi ko na pinansin dahil napunta ang atensyon ko sa mga iilang customers na mukhang nakikilala na ako despite of wearing natural hair wig and hoodie jacket.

Isang babae ang lumapit sa akin. "Excuse me. Uhm...You look familiar po. Are you...."

"No." I cut her off.

Nagmadali na akong umalis doon. Gabi na din naman at pagod na pagod ako galing byahe. I don't want to be mobbed here.

Nang makarating sa parking lot, nagulat ako nang may biglang humila sa akin.

"Ikaw ba si Miss Tanya Alcaraz yung modelo? Idol mo kami." The unknown man said in a creepy manner.

Hinablot nito ang parehong kamay ko para hindi ako makalaban.

"Help---"

Tinakpan ng isa pang lalake ang bibig ko. Eew!

Sila yung mga lalake kanina. Nagpupumiglas ako but to no avail. They crippled me!

Bago ko pa man masipa ang isa sa kanila, isang lalake ang dumating at itinulak ang lalakeng nakahawak sa mga kamay ko.

Si Dreymont!

Akmang susugudin siya ng kasama nito ngunit mabilis siyang nakailag at sinuntok ito.

Tumakbo at nagtago sa likod ni Dreymont.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito.

"Y-Yes."

Muli niya pa sanang susugudin ang dalawang lalake ngunit nakatakbo na ang mga ito paalis.

"Kilala mo ba yung mga 'yon?"

Tumungo ako at tiningnan ang bracelet na suot. Muntik na iyong masira kanina.

"I don't know. Some random stalkers, maybe?"

I heard him tsk. Nang lingunin ko siya ay malamlam ang mga tingin nito.

"Sa susunod magdala ka na ng bodyguard. What are you doin here anyway?"

"To relax, I guess?"

Hindi na siya sumagot.

Tumalikod na siya at sumakay ng sasakyan. Ako naman ay nakatingin sa kanya hanggang sa makalayo ito.

I smirked. "As I expected...."

I snapped my fingers.

Muling lumabas ang dalawang lalake at lumapit sa akin.

"Boss akala ko ipapabugbog mo na kami doon."

I rolled my eyes.

"Don't worry dadagdagan ko ang sweldo mo."

Yes. I hired them to pull this stunt. Syempre planado ang lahat.

Sa location and time.

Alam kong dadaan siya dito kaya dito ko naisip gawin ang fake kidnapping act.

In fairness effective naman.

Kumuha na lang ako ng mga pwedeng mag-act sa mga kusinero ko instead of random thugs in the street.

"Let's go. I want to rest." Saad ko sa kanila.

"Bruno ikaw ang mag-drive."

Inabot ko ang susi sa kanila at dumiretso sa likuran.

I couldn't help but smile. Madali ko lang naman palang makukuha ang loob niya kung ganon. Hmm.

Nang makarating sa condo ay dumiretso ako sa bathroom para mag shower.

Mayamaya ay narinig ko ang pag-doorbell mula sa labas.

Nagsuot na lang ako ng underwear at silk robe. Matutulog na din naman ako. Huhubarin ko din mamaya.

"Who's that?" I asked behind the door.

"Hotel service ma'am"

Oh. Must be the wine I requested.

Tinanggal ko ang pagkaka-lock ng pintuan.

Nang mabuksan, nagulat ako sa isang lalake na naka-uniform na black. He's not from the hotel.

Bago pa man ako makapag-salita, natakpan na niya ang bibig ko at unti-unting nawalan ng malay.

——————
Please vote and follow me if you haven't! Lovelots!

The Hired MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon