THM 6

72.8K 1.1K 13
                                        

After a very stressful day, I decided to go to the salon for hair detox treatment.

"Tanya! It's been a while. Diyosang diyosa ah!" Bungad sa akin ni Ermie.

Aba! Ilang taon lang ako nawala, nag-improve na ang beauty ng beks na ito. Sobrang feminine!

Kung ngayon mo lang siya nakilala, mapagkakamalan mo talagang babae ang bruha. Huwag nga lang magsasalita kasi nahahalata.

"Missed you beks! Ikaw nga eh. Gandara! May boyfriend ka ulit na expat?" Pang-aasar ko sabay beso sa kanya.

"Oo meron beh italyano. Mamaya nga susunduin ako after closing." Ngiting-ngiting saad ni bakla.

Inirapan ko siya at umupo, "Sus ang landi talaga." Komento ko pa.

Humalakhak naman siya.

"Oo nga pala. Asan si Denver?" Tanong niya.

Grrr! Kumukulo na naman ang dugo ko nang marinig ang pangalan ng lalaking iyon.

"Break na kami non." Mataray na sagot ko.

"Ay akala ko Amerikana ka nang babae ka! Dami pa naman beh. Gusto mo ipakilala kita sa friend ni Luca?"

Tabil talaga ng bibig ng baklang 'to. Ang daldal.

"Magtigil ka dyan. May iba akong prospect ngayon." Muli ko siyang inirapan.

Ermie is used to my mataray attitude. Kaya nga kami nagkakasundo ni bakla.

"Ay bet!" Tili niya pa kaya napatingin yung ibang naandon sa salon.

Speaking of prospect....

Kinuha ko ang phone ko at nag-download ulit ng Facebook app. Imbis na ire-activate yung account ko, gumawa ako ng bago.

Ginawa kong pangalan is Anya Cruz para hindi ako makilala. Pagka sign-up, hinanap ko agad ang pangalan ni Dreymont Coronel.

I'm not sure kung active ba siya sa SocMed world. Malay mo naman.

Madaming result na lumabas. Kaso puro dummy accounts lang. Siya yung nasa profile picture pero mukhang mga luma na. Yung iba naman ay kapangalan niya lang.

Hinanap ko iyong naka-in a relationship.

Gotcha!

Mary Joan Castillo pala ang full name ng girlfriend niya. In fairness, ang photogenic.

Naka-private ang account ni Dreymont kaya si Joan na lang ang ini-stalk ko since naka public.

Ang dami nilang pictures together. Mostly, nasa beach o kaya sa mga bundok.

May isang solo picture si Dreymont na naka-topless habang may bitbit na surf board. Sobrang gwapo and ang hot!

Ni-zoom in ko ang picture para mas ma-appreciate ko ang iba't ibang parte ng katawan niya lalo na yung abs. Complete package talaga!

"Si Fafa Drey ba yan?" Usisa ni Ermie.

Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"You know him?"

"Oo beh. Dati kasi sinasamahan niya yung girlfriend niya dito na ex-girlfriend na niya ngayon. Si Andrea Salvacion. Baka kilala mo."

Kumunot ang noo ko. Haven't heard of that name before.

"Naghahabol pa nga din yung babaeng doon kay Dreymont kaso taken na si pogi. May isa pang naghahabol dyan. Alice Andrada yung name. Napunta din dito iyon sa salon."

Hmmm. Hindi na ako nagtataka kung madaming naghahabol kay Dreymont. Bukod sa gwapo, mukhang magaling din sa kama. Na kay Joan na nga talaga ang korona. But not for long...

I searched their names. Magaganda si Andrea and Alice. Mga model type ang mukha and katawan lalo na itong si Andrea. She's even prettier than Joan. Yun nga lang mukhang palengkera ang ugali.

After ng treatment ko, nagpalagay na din ako ng nail extensions and nagpa-foot spa.

"By the way Tanya, baka lang magustuhan. I have a friend na gustong kuhanin ka as lingerie model ng sikat na magazine. Medyo matagal na iyon. Hindi ko nasabi sayo kasi nasa US ka. Ngayon ko lang ulit naalala."

May inabot siya sa aking calling card. Devionne Chua yung nakalagay doon.

Hmmm. Hindi naman siguro masamamg idea na tanggapin ko ang offer na ito. For kill time na din.

Nang matapos, nag-drive na ako papuntang Casa Francia. Naabutan ko silang umiinom ng tea nang makarating sa bahay ni Penelope.

Una kong binati ang kapatid ko na nasa tabi ni Sera.

Although binibisita nila ako sa US dati, iba pa din ang bond namin kapag nasa Pilipinas lalo na dito sa Casa.

Alam na din nila ang nangyare sa US. They're actually happy for what happened dahil hindi nila gusto si Denver para sa akin.

"I still don't know kung anong nagustuhan mo sa kanya. He's mabalbon and parang aso na nakabuntot sayo. Parang German Shepperd. Eew!" Si Penelope.

Natawa tuloy ako. She loves to insukt people and make fun of them. Palibhasa bata pa.

"Do you have plans na lumipat ng house? Your condominium is too far tapos nasa top floor pa ang unit mo." Savannah asked.

Actually, pinag-iisipan ko na din yan dahil maging ako ay nahihirapan na kapag pabalik-balik sa elevator. I bought the unit because of the view.

Gusto ko nga sana is yung malapit na lang sa restaurant para hindi na ako nahihirapan.

"Bumili ka na lang din ng house sa Casa. May house for sale malapit sa house ni Mommy." Sera suggested.

Okay sana kaso mapapalayo naman ako sa restaurant. Hmmm.

I have other place in mind kaso iniisip ko kung worth it ba. Like doon sa villa nila Marga. Maganda ang ambiance. Yun nga lang ay may kamahalan ang mga properties.

Pwede naman akong humingi ng tulong kay Dad (Arnulfo).

Way na din ito para mas mapalapit ako kay Dreymont.

Hmm. Pwede.....

——————
Please vote and follow me if you haven't! Lovelots!

The Hired MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon