"Open the door and forget what happened, Tanya. Magpapalit lang ako."
Psh. I don't think na makakalimutan mo iyon, Dreymont.
"Oh where's Drey?" Tanong ni Marga nang buksan ko ang pinto.
Ang sabi ko ay nag-cr lang. Nung una ay nakakunot ito pero agad iyong napalitan ng nakakalokong ngiti.
For sure may ideya na siya sa nangyare kaya nginisian ko din siya pabalik.
Muling bumukas ang pintuan kaya pareho kaming napalingon ni Marga doon. Apat na lalake ang pumasok sa office.
Wow! Are they Bachelors? They're all hot!
"Hello Tita Marga." Bati nung isa at pagkatapos ay lumingon sa akin.
"May bago nang girlfriend si Drey?" Takang tanong nito.
Lumapit pa sa akin ang isa pa nilang kasama.
"I know you. You're Tanya. Ka-batch mo ako sa Enderun. Ang ganda mo lalo! I saw your magazine cover. I must say, it didn't give justice to your sultry beauty. Mas maganda ka sa personal."
Binigyan ko siya ng awkward na ngiti. Pangalawa na siya sa na-meet kong schoolmate. And it's really awkward kasi hindi ko sila namumukhaan.
"Wow, Tanya. You must be really popular with the boys noong college." Marga commented.
"Sinabi mo pa, tita."
Sakto namang lumabas ng banyo si Dreymont. Nakahinga ako ng maluwag kasi napunta na sa kanya ang atensyon.
Ngunit saglit lang iyon dahil magpakausisero itong dalawang kaibigan niya.
"What is Tanya doing here, pare? Break na ba kayo ni Joan?"
Tiimbagang itong tumingin sa akin at pagkatapos ay sa mga kaibigan.
"She's a family friend." He replied flatly.
Family friend na naka-make out mo kanina. Ganoon ba, Drey?
Hindi ko maiwasang mapangisi.
He properly introduced me to his friends—Arthur, Zeref, Monty and Zeno.
Si Arthur yung ka-batch ko noong college. Siya ang pinakamadaldal and seems to be happy go lucky.
Si Zeref yung type na usisero. Panay ang bato niya ng intriguing questions sa akin. Medyo naiirita na nga ako.
Monty is the nicest. The guy looks very neutral. Palagi lang nakangiti. His attitude is almost the same as Dreymont kapag kaharap nito si Joan.
And then there's Zeno. Among them, this man is the most quiet and I must say restrained person. He reminds me of Savannah but in a higher level. Hindi mo mababasa kung ano ang nasa isip. He's dangerously handsome.
Not to mention, his stare is as cold as ice. Nakaramdam ako ng matinding kaba nang salubungin ko ang titig niya. It's like he's scrutinizing me.
Dapat nga sanay na ako sa mga ganito. But this guy is different.
Maybe it's because he is the President's son. Rumors say, he works for his father as a hitman.
It must be true.
Mabuti na nga lang ay umalis na din ang mga ito pagkatapos ng ilang kamustahan. Nakahinga ako ng maluwag.
"Tanya, can you wait for me outside? I have something to discuss with my son."
"Okay."
Dumiretso ako sa pantry to have some coffee. Nang hindi makuntento ay pumunta ako sa smoking area para mag-release ng pagod.
Walang tao doon kaya mas na-enjoy ko ang ambiance and pagtingin sa overview ng ka-Maynilaan.
Nang matapos, tumalikod na ako doon at akmang bababa nang may makita akong isang pigura ng tao sa paligid. Nakasandal ito malapit sa dadaanan ko.
Si Zeno!
Mariin siyang nakatitig sa akin na akala mo ay binabasa ang nasa utak ko. Muli na namang bumalik ang kabang nararamdaman ko.
"O-Oh Z-Zeno what are you doing h-here?" I stuttered. Shit! I stuttered?
Hindi ito nagsalita.
Mas lalo akong kinabahan nang naglakad siya papalapit sa akin.
Nanginginig akong naglakad paatras, pabalik kung nasaan ako kanina. Naramdaman ko ang paglapat ng malamig na railing sa balat ko.
Napatingin ako sa likuran ko. Shit! Baka mahulog ako!
Sobrang lapit na niya sa akin. Kung may makakakita sa amin ay iisiping may something kaming dalawa. We look really intimate mula sa malayo. Ghad!
Sobrang gwapo at nakakatakot.
Muli akong napaatras at halos ma-out of balance kung hindi lang ako napakapit sa kanya.
Muntik na akong mahulog.
Kailan pa ako nawalan ng composure sa lalake?!
"Always watch your back..." Malalim na saad niya which gave me chills all over my body.
Cryptic message iyon.
Nang makakuha ng lakas ng loob ay nagmadali na akong umalis doon.
Mabuti na lang din dahil tapos nang mag-usap ang mag-ina. Umiling ako at pilit na kinalimutan ang nangyare kanina.
Get a grip, Tanya!
"You look pale." Puna sa akin ni Marga.
"Wala 'to stress lang..." I smiled.
Hindi dapat ako nagpapatinag sa lalakeng iyon.
Lumingon kami sa paparating. It's Joan. May hawak itong lunch box. Nginitian niya ang secretary ni Dreymont at pagkatapos ay dirediretsong pumasok sa opisina.
Kita ko ang panggigigil ni Marga habang nakatingin dito.
Nagpunta siya Marga sa desk ng secretary ni Dreymont. Ako naman ay sumunod lang sa kanya.
"Give me the schedule of my son for this month." She commanded.
The woman blindly obliged her. Nanginginig nitong inabot ang printed schedule ni Dreymont.
"This will help you to get closer to him." Marga said to me.
Iniabot niya sa akin ang papel.
Wow! I really feel so kontrabida in Dreymont and Joana love story.
Nang maghapon na ay pumunta ako sa isang convenient store para bumili ng drinks for hydration. Katatapos ko lang mag gym.
Nagsuot ako ng cap and hooded jacket to not draw attention.
Habang nakaupo sa labas, nagulat ako nang makita si Dreymont na galing din sa loob ng convenient store. May bitbit itong mga pagkaen. Kasama niya si Joan at isang matandang babae. Siya yung nakita kong matanda sa labas ng bahay nila Marga!
Agad akong tumayo at sinundan sila.
——————
Please vote and follow me if you haven't! Lovelots!
