Nag-stay kami sa pinakamalapit na hotel dito sa Sabtang.
"Swimming tayo!" Yakag ng mga kaibigan ni Joan.
Ako naman ay tinitingnan lamang ang mga pictures na kinuhanan ni Dreymont.
Hindi ako pwedeng mag swim dahil baka makita nila ang tattoo ko. Tsaka baka lunurin pa nila ako. I'm not a good swimmer pa naman.
I stayed on the sun lounger para magpahinga.
Mayamaya ay may lumapit sa akin na lalake. Medyo bata pa ito. He's holding a magazine kung saan ako ang cover.
"You're Tanya, right? Wow. Ang ganda mo lalo sa personal. Pwedeng magpa-autograph? Pa-picture na din."
How annoying. Akala ko pa naman walang makakakilala sa akin dito.
Kahit na naiirita, pumayag na ako sa gusto niya. Sinabi ko na lang na huwag sasabihin kahit kanino.
Umakyat na lang ako sa kwarto para magpahinga. Nagpahatid na din ako ng pagkaen.
Nang maggabi na ay narinig kong may kumatok sa room ko. Si Joan.
"Tanya? Gusto mo bang sumama? Iinom lang kami sa baba."
I rolled my eyes. I really hate it when she's being nice to me.
Sabihin ko kaya sa kanya yung make-out namin ni Dreymont sa opisina to provoke her.
Hmmm. No. I don't want to spoil the fun.
Nagpalit ako ng white romper bago lumabas.
Nagkakatuwaan ang mga ito nang maabutan naming dalawa ni Joan. Tumahimik lamang nang makita ako.
They are drinking beers which is a no-no for me. Umorder na lang ako ng cocktails.
Sobrang out of place pa ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nila.
Nang tumingin ako kay Joan and Dreymont, mayroon na silang sariling mundo.
They looked genuinely happy.
At some point, gusto ko ding kwestyonin si Marga. Bakit hindi na lang niya hayaan ang anak niya sa gusto nito.
Anyway, why should I care? I'm still playing this game.
"Uhmmm Drey. Pwede mo ba akong samahan? Nawawala kasi yung cover ng lens ng camera ko. Naiwan ko ata sa bag mo."
Natigil silang dalawa sa pag-uusap ganoon din ang mga kaibigan niya.
"Okay lang naman siguro diba? Saglit lang naman." Nginitian ko si Joan.
"Are you sure na doon mo nailagay?" Tanong ni Dreymont.
Truth is, hindi naman nawawala. I just made it up para masolo ko siya.
"I'll just give it to you tomorrow."
"But I need it now."
Sa huli ay napapayag ko din siyang samahan ako.
Ngiting-ngiti ako habang nakasunod sa kanya.
Nang makarating kami sa kwarto nila ni Joan ay agad kong ni-lock iyon at niyakap siya mula sa likuran.
"Fuck! I knew it!"
Hinila niya ako mula sa likuran para iharap sa kanya. Nginisian ko siya.
"Oh c'mon, Drey. I know you missed my touch. My kiss. How I grinded on you inside your office." I said seductively.
"That was just a mistake."
I bit my lip, "A hot mistake."
I tried to kiss him pero mabilis niya akong tinulak at umalis ng kwarto.
So pakipot!
Kinabukasan ay nagbangka kami papuntang Mahatao to go to Tayid Lighthouse.
Most of my vacations are out of the country kaya may pagka ignorante pa ako sa mga magagandang destinations here in the Philippines. Kung hindi kasi bar and clubs ang pupuntahan namin sa bansa ay doon lang kami sa Casa.
The lighthouse is situated in a private property in Mahatao. It looks unique because of its hexagonal shape.
May mga grupo ng kabataan ang nagttour sa amin sa lugar. Most of the time, nahuhuli ko sila nakatingin at pagkatapos ay namumula. Pansin siguro nila na aloof ako sa mga kasama ko.
Napansin din iyon ni Dreymont kaya nagtanong siya sa mga ito para mawala ang atensyon sa akin.
Sunod naming pinuntahan ang mga lighthouses sa Basco. Naka-van na kami papunta doon.
Medyo nakaramdam na ako ng pagod at antok dahil sa paglalakad. Medyo nahihilo na din ako dahil tumitirik na ang araw.
"Is there a lodge or inn nearby? I want to rest." Tanong ko sa tour guide.
"M-Marami po. Kung gusto niyo po pwede kitang samahan." The boy is blushing.
Crush niya ba ako? Yikes.
"You can just stay in the van, Tanya. Malapit na rin naman mag-lunch. Huwag ka nang mang-abala ng iba." singit ni Dreymont.
Inismiran ko na lang siya. Although he has a point, hindi naman ata tama na ipahiya niya ko.
"Edi send me there. Hindi ko alam kung saan ni-park yung van." Pagmamaktol ko.
Napapailing na lamang siyang sumunod sa gusto ko. Lihim akong nakangisi habang sinusundan ko siya papuntang van. Medyo may kalayuan iyon kaya hindi na niya pinapasama pa si Joan which is perfect for my plan.
"Stay here. Don't go anywhere."
Tumango na lang ako at pumasok sa loob ng van. Sakto wala ang driver dahil naka break ito. Mabilis kong hinigit ang lalayan ng damit ni Dreymont nang akmang isasarado na niya ang pintuan.
Hinila ko siya papalapit sa akin.
"Why don't you stay here for awhile. Since ikaw ang reason kung bakit dito ako magna-nap at hindi sa malambot na kama."
"No. I have to go. Hinihintay na ako ng mga yon. I don't want them to get the wrong impression." He gave me a stern look.
I caressed his jaw.
"I won't stop hanggang sa maging mistress mo ko."
With that, I kissed him fully on the lips.
__________
Please support me by tapping the star icon. Love you!
