3

1.5K 75 11
                                    

Katulong . . .

Hindi ko napigilan ang pagsinghap sa narinig. Ni hindi ako nakapagsalita. Never in my life that I am mistaken as katulong. Nothing is wrong for being a maid, but it came out from her dirty mouth as an insult.

Nang mag-angat ng tingin si Lord ay hindi nagbago ang reaksiyon niya. He looked at his watch and slightly loosened up his tie.

I headed downstairs. Alam kong alam ng babaeng kasama niya na hindi ako katulong. Baka hindi niya lang kasi matanggap na kahit ganito lang ang suot ko, kapag pinagtabi kami ay magmumukha siyang basahan. Partida, wala pa akong ligo.

"Magandang tanghali, Sir Lavigne." Nakangiti akong lumapit. "Dito ba kayo manananghalian ng kasama n'yo?"

Nangunot ang noo niya. Matagal na rin mula nang huli niya akong nakitang ngumiti nang ganito. Ang kaso, mukhang maalam na siya sa pag-distinguish ng peke sa totoo.

"Oo, dito kami kakain." Ang kasama niyang babae ang sumagot. Kapansin-pansin ang mapanuri niyang mata sa akin na pabalik-balik mula ulo hanggang talampakan.

Katulong, my ass. Might as well taste my service, biatch.

Pinanatili ko ang ngiti ko. "Halina kayo sa kusina. Ipaghahanda ko kayo ng pagkain."

Sopistikada akong naglakad sa unahan nila. Nang marating ang kusina ay naroon pa rin si Manang Ymir.

"Ako na ang maghahanda ng pagkain," bulong ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na makasagot at agad na tumungo sa cooking area. Silid itong nakahiwalay sa kusina at dito iniluluto at inihahanda ang mga pagkain.

I'm in the midst of readying the water dispenser when Lord entered the room.

"Let Manang Ymir do the job. Umakyat ka na," he authoritatively demanded.

Sarkastiko akong tumawa. "Bawal bang pagsilbihan ko ang asawa ko at ang babae niya?"

"What did you say?"

"Oops." Tinakpan ko kuno ang bibig ko. "Nadali ba, Lord?"

"Ikaw lang ang babae ko," aniya sa malamig na boses. I couldn't help but to hold my breath. "Kumain ka na?"

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at pilit iwinaksi ang estrangherong emosyon sa dibdib ko.

"Bumalik ka na r'on at nakakaistorbo ka," sagot ko na lang. "I'm almost done."

Hindi muna siya gumalaw. Saglit niya akong sinubaybayan bago dahan-dahang humakbang palabas.

"Ignore what she said. Bridgette is a spoiled brat, sometimes she forgets her manners." Nang masabi iyon ay tuluyan na siyang lumabas.

A lifeless smile made its way to my lips as I finally organized the tray of their meal. Mukhang nakalimutan ni Lord Lavigne kung sino ang pinakasalan niya.

Kung sa bagay, we never really had enough time to know each other. If chance permits and he's going to witness how I deal with life and people, I have no idea if he would be glad or upset. The attitude of Heather Cassia is either a blessing or a curse, depends on how people see it.

"You need more decors, Lord. I can help you. P'wede kong ilista ang mga dapat palitan, i-improve, at idagdag. After that, I can also help you find for the materials. You own a real estate agency. Dapat mas maganda pa ang bahay mo kaysa sa mga binebenta n'yo, right?"

"We'll see. May mga bagong maliliit na pabahay kasing pinapatayo ang La Villamorés ngayon, you're aware of that. My schedule this week is loaded."

"P'wede naman nating tingnan ngayon."

A Flower's NudityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon