Panay ang lingon ko sa kanan at kaliwa habang nakikipag-argumento kay Manang Ymir. Pareho kami ngayong narito sa bukana ng grocery store at kanina ko pa ipinagpipilitang hindi ako p'wedeng sumama sa kanya sa loob.
I never set a foot in a grocery store because all I had to do before is to list down everything I need and let the maids do the buying—when everything is still in its place. Kung lalabas man ako para bumili, 'yun ay kung para ito sa personal kong pag-aari kagaya ng mga damit, jewelry, cosmetics, gadgets, at iba pang luxury items.
And that's exactly what I'm telling right now . . . for how many freaking times.
"Paano kung may makakilala sa akin? Ano na lang ang iisipin nila? Na wala na akong perang pambayad ng katulong at ako na mismo itong narito at nag-go-grocery? Come on, I'm not gonna escape. There's a boutique nearby, doon lang ako." Holy Mary, why is the world so airheaded?
"Heather, nangako ka sa'kin kanina na hindi ka tatakas."
I frustratedly massaged my forehead. "Manang, hindi nga ako tatakas. May tatakas bang nagpapaalam? I need new clothes, see? You yourself said that we should arrive home before 12. Daanan mo na lang ako r'on kapag tapos ka na rito. I promise I'm not going anywhere."
"Pero marami ka pang damit, Heather. Hindi mo naman kailangan ng bago."
Kusang tumaas ang isa kong kilay. "Marami?"
Tumango siya. "Ako mismo ang nag-ayos ng mga damit mo sa closet kaya alam ko. Halos maubusan na nga ng espasyo iyong lalagyan."
"Jesus." I think I might explode—I took a deep breath. I want to scream, have a tantrum and hit the ground by my feet like a toddler. "Hindi nga ako umuulit ng damit. Do I need to tell that again? Kaya lang naman nasa akin pa ang mga 'yon dahil hindi ako binibigyan ng pera iyang amo ko. Bumili nga ng kakarampot na pares ng mga damit pambahay, puro naman cheap!" I mentally snapped. "Just say yes and we can now start doing our own businesses. Pinapabagal mo lalo ang mga bagay, Manang Ymir."
She readied to speak but it was interrupted when a particular girl took our attention by slightly chuckling and tapping her shoes on the ground.
Lumingon ako. The smile in her face is enough to tell me that my day will never get worse anymore. It's already in the worst.
"Hi," she smilingly said, gracefully walked towards us in a way that almost made me choke.
Tumabingi ang ulo ko at muling humarap kay Manang Ymir. "What are you supposed to say earlier?"
"Oh, mukhang grocery day ninyo ngayon. Bilisan ninyo dahil manananghalian ulit ako mamaya sa mansion ni Lord. Walang maninilbihan sa amin," wika ulit ng kadarating lang kahit na halatang hindi ko talaga siya pinansin.
Hindi ko na kailanga'ng sabihin na ang kapal ng mukha niya dahil mas maliwanag pa ito sa screen ng phone ni mommy tuwing binubuksan ko iyon noon. Besides, I don't want to make a scandal here no matter how hard it is for me to maintain my composure.
Tuluyan ko na nga siyang hinarap at inosenteng nginitian. "You're talking with?"
Pagak siyang tumawa, parang hindi makapaniwala sa sagot ko sa kanya. "Ayos kang katulong ka, ha? Ano bang ipinagmamalaki mo at ang yabang-yabang mo? May atraso ka pa sa akin. 'Di ba dapat ay magpakabait ka ngayon at humingi ng tawad?"
Hirap kong pinakalma ang aking sarili. I want to laugh so hard that the ground would break.
Ako? Magpapakabait? Humingi ng tawad? Sa kanya? Hah! I'm really having a hard time adjusting to Earth. Kahit wala nang natitirang gawain sa mundo maliban sa pakikibagay sa isang katulad niya ay paniguradong hindi ko pa rin kakayanin.
BINABASA MO ANG
A Flower's Nudity
Romance[R-18/COMPLETED] Heather Cassia Del Puerto has every reason to be loved. Citing from people's definitions, she's the epitome of beauty and intelligence. In addition, she has enough wealth and power being the La Villamorés' second owner. However, eve...