12

1K 48 0
                                    

"Marunong akong manuntok."

Hindi ako makapaniwalang iyan ang tatlong unang salita na lumabas sa bibig ko, sa dinami-rami ng p'wedeng sabihin sa mundo.

This taxi I am in is heading to a direction I never cared to learn about. Ngunit gaano man ako kahusay sa geography ng Pilipinas, alam kong wala itong maitutulong sa akin ngayon. Ni hindi ako mapagbuksan ng pinto ng anumang karunungang mayroon ako.

I should've learned physical self-defense instead.

Naikuyom ko ang kamao ko. "Masakit ito," walang-kuwenta kong dugtong. I know myself how stupid it is. I know.

In the rear view mirror, I can clearly see the driver's pair of eyes. Umangat sa akin ang paningin niya bago muling ibinalik sa daan.

"Sapat ka nang kabayaran sa akin, Madam," aniya bago tumawa sa paraang nakakadiri sa pandinig.

Naglumikot ang mata ko. Muling lumiko ang taxi at ibang eskinita na naman ang aming binabaybay.

"If you think it is funny, stop it. Kung may nakakatawa man dito ay walang-iba kun'di iyang pagmumukha mo," asik ko sa kanya.

Yumugyog ang balikat niya. Tawang-tawa o, hindi niya alam ang pangit niya.

Binuksan ko ang aking phone at nakitang nakasampung missed call na ang numero ni Lord. Kahit hindi ko siya ni-phonebook ay alam kong siya ito dahil kabisado ko ang digits niya. Sa sobrang kaba ko, ni hindi ko na naisip na buksan ang phone ko.

Who would have thought that one day, fate will drag me in this kind of petty situation? Well, I hope this is just a petty situation.

Kung anuman ang mangyayari sa akin ngayon ay kasalanan niya. Kahit kailan ay hindi ako nagkamali ng desisyon sa buhay, maliban na lang sa pagpayag kong maikasal sa kanya.

Ayaw ko mang aminin, pero hindi na ako natutuwa. Sa isip ko ay gusto ko nang pumatay ngayon, pero hindi ko na iyan gagawing muli. This is my first time encountering a driver like this. Buti pa noon, may sarili akong kotse. This life is a big piece of shit!

Huminga ako nang malalim. "I will call the cops if you're not gonna take me to my real destination." That's a lie. I should not be lying because it sounds cheap, but I can't help it. I tried to sound convincing though I can't even properly locate where is the nearest police station in the city. And, oh, I only have daddy's and Lord's number on my phone.

"Tatawag ako ng pulis sabi, e!" I almost screamed when he didn't react a bit on my last statement. Perhaps he wasn't able to understand my english. "Illiterate ka ba?!" I don't need to ask that, really. "Ah, baka pala hindi mo pa alam ang spelling ng illiterate. Pero aware ka ba sa maaaring mangyari sa'yo dahil sa binabalak mo sa akin?"

Naghintay akong sumagot siya ngunit wala akong natanggap na kahit ano, maliban sa bigla niyang pagharurot sa sasakyan at muling pagliko sa isang makitid na kalyeng wala na yatang kabahayan.

Naumid na ang aking dila at mas lalong na-blangko ang aking isipan nang marahas itong tumigil at mabilis pa sa alas-kuwatrong umibis siya ng sasakyan.

My impulse pushed me to open the other door. Despite the shaking, I was able to reach it. I mentally cursed when I found out that it's locked.

Narinig ko ang pagbukas ng kabilang pintuan at mula roon ay sinubukan akong hawakan ng manyakis na pangit na driver.

"Hawakan mo ako at sisigaw ako," pagbabanta ko sa kanya.

Tinawanan lang niya akong muli.

"Umayos ka o masasaktan ka."

Doon ko lang napansin ang patalim na nasa sahig ng sasakyan, sa passenger's seat mismo. It has been here from the beginning, yet I wasn't able to notice it. Dapat kong mahawakan iyan. I never thought that I would be in the kind of situation I only see on TV.  If I have one more choice, I better kill than to be killed. Ayaw ko man, pero kung talagang kinakailangan, gagawin ko.

A Flower's NudityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon