6

1.1K 47 11
                                    

"BREAKING NEWS:

Heather Cassia Del Puerto 'The Bitch', the daughter of Robert and Jezebel Del Puerto became a housemaid after being disowned by her father. Not to mention, she works now for the La Villamorés' owner-a former student and campus heartthrob of Aguiluz International University—Lord Lavigne."

I'm torn between clapping my hands or bursting into a loud harsh cackle of laughter, so I just did both. At least, this reminds me that stupid people do exist when sometimes I fail to think they do.

Trina only had the audacity to do this now that she thinks she's already above me. What an intoxication she put herself into. Should I pity her?

Madalas na akong center of hatred noong college pa lang, pero wala ni isa ang nangahas na idamay ang pangalan ko sa AIU Trends, isa sa mga most famous page ng aking alma mater. Ang original group page name nito ay AIU Secret Files, pero mukhang naisipan din nila—kahit nakapagtatakang may isip sila—na very cliché iyon.

Hindi rin naman ako masyadong updated dito dahil wala akong Facebook noong kolehiyo. Kahit sana ngayon kung may pinagkakaabalahan lang akong mahahalagang bagay, hindi 'yung ganito na daig ko pa ang mga tambay sa eskinita.

Question: What's the point of posting this not-so-important information? Sawa na ba talaga si Trina na naapakan at gusto na niya akong lampasan? At talagang sa akin pa niya naisipang kumapit para sa pag-angat niya, ha. I should tell her, 'Hinay-hinay lang, matinik ako. Baka masugatan ka.' Pero wala rin lang namang silbi ang babala sa mga kagaya niyang mangmang.

I settled my eyes back on my iPhone's screen. Kung noon ay hindi ko man lang maisipang mag-browse sa comments ng post ng may post, ngayon ay heto ako't isa-isang binabasa ang mga ito.

They should thank Lord Lavigne, he made my life so boring that I already have a time for their nonsense existence.

"'Yan ba 'yung matalino? O baka naman malakas lang noon ang kapit sa teachers kasi mayaman?"

"Ngii. Diba running for suma 'yan noon ng Bachelor of Arts in English Language and Literature?"

"She once garnered the bacon of AIU Beauty Pageant. Saan napunta ang ganda niya?"

"Mag-tiktok ka na lang. Yes I do the cooking, Yes I do the cleaning. Yes I keep the nana real sweet for your eating."

"Low-key slut and social climber. After everything wears off, kay Lord kumapit?"

"Hey girl, gaano ka pa kaganda, Lord will never ever like you err."

"Sa talino niyan baka nga gumagawa na siya ng love potion for Lavigne."

"Haahah. Lord wasn't that playboy but he's not that loyal din. Parausan ka lang niyan if ever ghOurl."

Humahapdi na ang hinlalaki ko kaka-scroll. Binaha ng comments ang post na may nakalagay pang picture ko. Trina didn't choose well. Kung ako sa kanya, piliin ko 'yung walang nakalagay na korona sa ulo ko at trophy sa kamay ko. Ang kaso, mas nagmukha akong reyna sa litrato. These insecure people are too obvious—they envy me very much.

The K on the reacts and comments are enough to tell me that I still have thousands of people who care about the details of my life despite being 'The Bitch'.

Sa bagay, mukhang mas marami pa noon. Tipong lumampas pa sa bilang ng buhok ko ang mga taong insecure sa akin.

Uh, I need new haters. The old ones are tired, some have retired. At ito, itong mga natira ngayon, sigurado akong ngayon din ay matatanggap ko kung paano nila isuko ang kanilang resignation letter.

A Flower's NudityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon