Nagbunga ang gabing iyon, dalawang taon na ang nakalipas. Ang akala ko ay isang simpleng suspension lang ay nauwi sa kamalasang tumangay sa akin papunta sa buhay na impiyerno—papunta sa buhay ko ngayon.
True, the past can't be undone, yet what is coming is better than what is gone. It's not late to use my head more wisely. Ah, did I just indirectly admit that I used my head less?
Ipinilig ko ang aking ulo. I pushed myself to stand up. Usually, when I wake up, I feel like I am just letting the hands of the clock take me to bed again when darkness comes. Since I moved here, no single day that I anticipated the sun to shine.
These past few days are too gloom, empty, boring, lifeless, name it. But today is another day. Not another day of doing the same annoying routine, but another day with a new life to offer.
Halos liparin ko ang pintuan at tumalon mula sa barandilya ng palapag pababa sa first floor. Napakahaba pa naman ng hagdanan ng bahay na ito, aksaya sa oras. Kung tutuusin, mayroon lamang akong humigit-kumulang siyam na oras para magsaya, tapos kakaltasan pa ito ng pesteng hagdanan na ito.
Awtomatiko akong napangiti nang maamoy ang humahalimuyak na pagkain mula sa kusina. Hindi ako gutom. Natutuwa lang akong may naluto na dahil maaga akong makakalabas. The earlier, the better.
"Sir Lord, han—" Manang Ymir paused when she took a glance at me. "Ikaw pala, Heather!" Ngumiti siya sa akin. "Ang aga mo yata ngayon."
Pumunta ako sa lababo para maghugas ng kamay. Siya naman ay patuloy sa pag-aayos ng mga pagkain sa lamesa.
"Mag-sa-shopping ako ngayon," maikli kong tugon habang may ngiti pa rin sa aking labi.
Noon ay normal lang sa akin ang bagay na ito. Sino ang mag-aakalang ikatutuwa ko ito nang husto ngayon? Indeed, we learn to appreciate the things we used to do when we're already in a situation where we can't do them anymore.
"Tatakas ka?" Ramdam ko ang tingin niya sa akin.
Inabot ko ang pamunas sa mini drawer ng lababo bago siya tiningnan.
"Ako? Tatakas? Gawain ng mga asal-kanto." Umismid ako at nauna nang naupo. "Hindi ko iyon gagawin. I have many ways to be able to get what I want." I eyed at her who is trying to identify the kind of spoon we are needing. "Ang pagtakas ay para lamang sa mga taong takot," dagdag ko pa kahit na alam kong hindi iyon palaging totoo.
Escaping is both a sign of weakness and strength. Weak for choosing to escape the battle we can not possibility win over, and strong for choosing to escape though we can possibly conquer it. Escaping is either a good or a bad thing, depends on a certain person's situation.
In my case, I'm in the midst of finding out the real meaning of this escape. Yes, I escaped . . . and still escaping.
"Nakikita kita bilang matapang na babae, Heather," bigla niyang tugon sa tonong hindi bilang katulong kun'di bilang isang ginang na may mas marami nang karanasan. "Marami tayong pagkakaiba, pero katapangan ang pangunahin kong taglay noong araw. Kahit nakatira lang kami sa looban, sa mga barong-barong, palaban ako. Walang matapobreng nilalang ang kayang tumiklop sa akin. Kahit mahirap ang buhay, hindi ko hinayaan ang kahit sino na makita akong nahihirapan, wala ni isa ang nakakita sa aking lumuluha. Pero kahit ganoon, alam ko sa sarili ko na hindi ako kasing-tapang ng nakikita nila, at normal lang naman iyon."
Napako ang mata ko sa chicken curry na nasa plato habang pino-proseso ang sinabi ni manang. "Normal?" Hindi normal sa akin ang pagiging mahina. Hindi ako dapat maging mahina. Hindi maaari.
"Oo," aniya. "Normal lang na mayroon tayong kahinaan. Normal lang ang masaktan. Normal lang ang matakot. Pero . . . normal lang din ang takasan sila minsan. Tao tayo, e. Normal iyan sa tao kaya wala kang dapat ikabahala kasi hindi ka nag-iisa."
BINABASA MO ANG
A Flower's Nudity
Romance[R-18/COMPLETED] Heather Cassia Del Puerto has every reason to be loved. Citing from people's definitions, she's the epitome of beauty and intelligence. In addition, she has enough wealth and power being the La Villamorés' second owner. However, eve...