Cherry 32

4.1K 143 9
                                    

Rinig ni cherry ang pag hinto ng sasakyan sa tapat ng mansyon . Gustong gusto niya sanang salubungin ang asawa pero nag aalangan siya dahil naroon ang mga kaibigan nito at natatakot siya sa reaksyon nito.

Parang nakisama naman ang mga anak nila at sabat sabay umiyak.

"Sshhhhh tahan na mga mahal ko andito lang si mommy." Mahinang saad niya kinarga niya si Ary at marahang pinadede sakanya kakaunti lang ang gatas niya kulang na kulang sa kambal .kaya ayaw man niya bigyan ang mga ito ng formula milk ay kinakailangan.. si Brail naman ay pinadede niya sa bote.

Tumahan naman si Arry pero si brail ay hindi ata makuntento sa gatas na dinidede nito.

Kaya tinapik tapik niya ang bata pero hindi parin natigil sapag iyak.para na rin siyang naiiyak dahil naawa siya sa anak niya.

Nasa ganoon silang ayos mag iina nang bumukas ang pinto  si Thor nasa weelchair nito tulak tulak ng isang nurse.

Nakita niya ang pag aalala sa mukha nito .nagtama ang mga mata nilang dalawa napakunot noo din ito ng makita kung saan silang mag iina napwesto.

Si cherry ang unang bumawi hindi niya kayang makipag titigan ng matagal kay Thor.

"Tahan na brail  maya maya ikaw naman pagkatapos ng kapatid mo." Mahinang saad niya.

"Sir bawal pa po kayong mapwersa maari po humiga po kayo dito sa kama." Saad ng nurse kaya napatingin siya sa dako ni Thor na tinatangaka na tumayo.

Pinipilit nitong makatayo kahit nahihirapan ito kaya hindi na niya napigilan na magsalita.

"Please Thor Don't baka bumuka ang sugat mo." Saad niya

"Gusto ko lang makarga ang anak natin umiiyak. "Sagot nito parang hinaplos ang puso ni cherry.

"Humiga po muna kayo sir kung gusto po ninyo iabot ko nalang sa inyo si baby." Saad ng nurse.

Nakikiusap ang mata nito na nakatitig kay cherry  kaya tumango si cherry dito.

"Pwede din ba paki sabi sa asawa ko na tabihan din ako ?"  Mahinang bulong ni Thor sa nurse nito.
"Ho?" Kunot noong tanong ng nurse ng alalayan siya nitong humiga.

"Nag tatampo kasi ang asawa ko saakin kasi sinalo ko yung bala pwede bang sabihin mo rin sakanya na tabihan din ako?" Bulong nito dito kaya ngumiti ang ang nurse sakanya.

Ng lumapit ang nurse kay cherry ay sinabi nito ang pinapasabi ni Niya. Kitang kita niya kung paano nagulat si cherry at napatingin sa gawi niya.

Nakikiusap ang mukha niya na nakatingin din kay cherry .tumango ito kaya napangiti siya.
kinuha ng nurse si brail na iyak padin ng iyak ng ilapit na sakanya at kargahin niya ito ay tumahimik nmn ang bata.

Lumapit muki ito kay cherry para alalayn itong tumaya. Halata sa mukha ni cherry na naiilagang ito na lumipat sa kama nila. Buti nalang at pumasok doon si sabrina at vail nabawasan ang tensyon sapagitan nilang dalawa.

Nakangiti si sabrina ng makita sila sa ganoong ayos karga karga ni Thor si Brail samantalang si Ary naman ay kakalapg lang niya sa tabi ni Thor.

"Nice to see you both like this." Nakangiting saad din ni vail.Napakunot noo lang ito ng makita ang  nakalatag na extra bed sa sahig.

"Sab sabihin  mo kay manang iligpit  tong extra bed na narito.hindi na namin kakailanganin to ."saad muli ni Thor. Kaya napayuko si Cherry.

Madami pang binilin ang doctor na kasama ni Thor kung hindi siya nag kakamali si Zion madrigal iyon. Dahil nagagawa pa ni Thor na asarin ito .

Thor and Cherry (stone heart). CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon