Cherry

3.7K 125 5
                                    

Previous:

Kinausap ni Vail si Cherry habang ginagamot nito ang sugat sa noo niya.sinabi ni Cherry ang lahat kay vial tungkol sa binibintang ni Thor sakanya.

"Ate maniwala ka saakin di ko gugustuhin mapahamak si Thor o maging kayo ni sabrina Hindi ko magagawang traidorin kayo ." Umiiyak na saad niya sa kapatid ni Thor

"Alam ko .naniniwala ako sayo.regardinf magagawan ko yan ng paraan Cherry ako ang bahala ." Saad nito.

"Gusto ko lang humingi ng pasensya sa ginagawa ng kapatid ko sayo. "Nakayukong saad ni Vail.

"Ate hindi ko pwedeng sukuan ang kapatid mo .mahal na mahal ko si Thor."mapait na saad ni Cherry.

"Hangang kelan rye? Hangang kelan mo titiisin?mula ng ikasal kayo puro pag durusa na ang binigay sayo ng kapatid ko."

"Hangang bumalik na siya sa dati..pang hahawakan ko padin iyon ate."tumutulo ang luha na saad ni Cherry.

Ilang beses na ba siya sinaktan ni Thor tuwing nalalasing nalang ito sinasaktan siya hindi man physical minsan sa salita nito nang gagaling pero hindi niya iyon iniinda.

"Hindi pa naman pasukan ni Kyla saakin nalang muna siya para may kalaro si mino. Ayusin nyo muna ang gulo ninyo makakasama sa bata na nakikita kayong nag aaway lagi ." Saad ni vail.
Pumayag si Cherry kinausap niya si kyla at natuwa naman ang bata dahil naroon din ang anak ni vail na si mino may makakalaro ito. Sinigurado din niya na hindi mag tatanim ng galit si Kyla kay Thor kinausap niya ng masinsinan ang bata.

Kinabukasan pinuntahan ni Cherry ang ama at kinausap ito tungkol sa nangyari.

wala kang pakialam kung ano man ang gawin ko! Ang asawa mo ang tanga wag niyang baliktarin ang sitwasyon. Isa karin akala mo kung sino ka na ano bang pinag mamalaki mo!! Bulyaw ng ama niya.

"Wala po akong pinag mamalaki papa. Buong buhay ko po pa iniitindi ko po kayo buong buhay ko po inunawa ko kayo. Alam ko sinusumpa ninyo si mama pero sino po ba ang unang nag loko sa inyo diba po ka--" hini naituloy ni Cherry ang sinabi niya dahil nasampal siya ng ama malakas na sampal nalasahan niya ang dugo pero hindi siya nag patinag dito.

"Ingrata ka nag mamalaki ka na ngayon!! Isa ka lang bastarda basura ka lang !!" Sigaw ng ama niya. Sabay tulak sakanya.

"Oo basura lang ako sa inyo papa buong buhay ko ni hindi ko naramdaman na anak ninyo ako. Buong buhay ko anino lang ako sa inyo. Buong buhay ko ako ang tagaligpit ng gulo na nilikha ninyo ni ate ginawa mo akong kabayaran !!" Hindi na napigilan ni Cherry na sumbatan ang ama.

"Hindi ko pinag sisihan na naging ama ko kayo pero pinag sisihan ko bat ko pa pinipilit sinisiksik ang sarili ko sa inyo para lang mahalin ninyo ako.!! Ngayon na may pamilya akong itinuturing sinisira naman ninyo. Pagod na pagod na po ako papa buong buhay ko nanlilimos ako ng pag mamahal sa inyo.. suko na po ako."umiiyak na saad ni Cherry.

"Ano ang pinag mamalaki mo ? Sa tingin mo ba gusto kita bilang anak ko?simula ngayon kalimutan m na din ako bilang ama mo dahil napakawalang utang na loob mo na anak.simula ngayon wala ka nang ama!!" Sigaw ulit ng daddy ni cherry.

"Sige po kung yan ang gusto po ninyo simula rin ho ngayon wag na wag na po ninyong gulohin ang pamilya ko. Simula rin po ngayon itatama ko lahat ng pagkakamali ninyo sa pamilya ng asawa ko."

Hindi pa nakuntento ang ama niya at sinampal siyang muli at pinakaladkad siya sa guard.

"Maam pasensya na po "saad ng guard kilala niya ang mga ito .wala sa sarili nag lakad si cherry

sumakay siya ng taxi walang tigil ang pag patak ng luha niya.Pumunta siya sa libingan ng kanyang ina.

"Mama sana di mo nalang iniwan si Dad siguro masaya tayo ngayon siguro naramdaman ko ang kalinga ng isang ama.umiiyak na saad ni Cherry. Ilang minuto pa siya nag tagal doon inayos ang sarili .sana ay mapatawad siya ng mama niya sa gagawin niya.

Tahimik ang kabahayan pumasok na si Cherry sa kwarto wala roon ang asawa niya malamang at nasa office room ito umiinom nanaman.agad siyang nag shower nitong nakaraang mga araw laging sumasama ang pakiramdam niya nahihilo at nasusuka siya tuwing umaga.sa susunod na araw mag papacheck up siya. Pagkatapos niyang maligo ay nag suot siya ng preskong damit. At pumunta siya sa veranda nila. Doon nag iisip isip siya. Mag iisang taon na silang mag asawa ni Thor sa susunod na buwan ay anniversary na nila pero mauuna muna ang kaarawan niya.

Wala siyang ibang hiling kundi maging maayos ang lahat lalo na ang pag sasama nila ni Thor.

"Can we talk "saad ng pamilyar na boses sa likod niya.

Hindi siya umimik hinayaan lang niya itong mag salita. Pagod siya yun ang pakiramdam niya wala siyang lakas para awayin muli ni Thor.

"Anong nang yari sa pisngi mo bat may pasa?" Kunot noong tanong ni Thor ng makalapit siya sa asawa niya.

Hinila siya nito at nakita niya kung paano dumilim ang mukha nito.

"Sino ang may gawa nian sayo?"galit na tanong nito sakanya.

"Hindi ka ba sasagot!" Sigaw nito sakanya.

"N-nagkasagutan kami ni Papa kanina tapos nas-" hindi natapos ni cherry ang sasabihin .kitang kita niya ang galit sa mukha ng asawa .

"Thor saan ka pupunta?" Tanong niya dito pero hindi siya nito sinagot .tuloy tuloy itong lumabas ng bahay at sumakau sa sasakyan niya.

Please guys pag may mali sapag type ko paki intindi nalang sorry ..😘😘😘

Thor and Cherry (stone heart). CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon