Cherry

3.7K 129 2
                                    

Previous:

Umasa siya ..umasa siya na maging ok ang lahat pero nagkamali siya mahal pa ni Thor ang kapatid niya sakabila ng ginawan ito sakanya.

maramdmaan niya nag bihis si Cherry .sinandya niyang marinig ng babae ang sinasambit niya kanina .gusto niya itong pasakitan gusto niyang wag itong umasa.pero bakit parang siya ngayon ang nasasaktan ng maramdaman niya na umiiyak si cherry na umalis sa tabi niya.

Narinig niya ang sinabi ng asawa niya mahal siya nito. Nakaramdam siya ng tuwa ng sabihin iyon ni cherry pero biglang pumasok sa isip niya ang galit sa pamilya nito ang ginawa sakanya ng pamilya nito. Gusto niyang pasakitan si cherry kanina pero anong nangyari sakanya bat gusto niya itong puntahan sa sofa at yakapin gusto niyang patahanin ito.

"Damm it" piping saad niya .baba sana siya sa kama para mag bihis ng makita ng marka sa kama tanda na siya ang unang lalake nakagalaw dito .birhen pa ang asawa niya.pero bakit ang mga kwento noon ni krisha sakanya ay iba .lalong gumulo ang isip niya may naririnig siyang boses kanina hindi lang klaro basta ang tanda niya na sana sinabi ang totoo.

Binato ni Thor ang unan at tumayo na sa kama nag shower siya nawala lang naman ang tama niya kanina ng mapag tantong unang beses iyon ni cherry.


Mula ng may nangyari sakanila ni Thor lagi nang mainitin ang ulo nito sakanya .kung hindi siya sisigawan nito pag dadabugan siya nito.

"Ikaw nanaman ba ang nag luto bat walang lasa tong luto mo ..ito na nga lang ang silbi mo di mo pa magawang maayos!!" Bulyaw nito sakanya sa kusina.

"Nag sasayang ka ng pera palibhasa kasi ugali na ninyong mag pamilya yan .!"saad ulit nito.

Tahimik lang si Cherry gusto niyang umiyak pero pinipigilan niya mula umaga hangang hapon wala siyang ginawa kundi linisin ang bahay mag laba .kung tutusin sana ngayon lang siya mag papahinga. Pero kailangan nya munang pag hainan ang asawa buti nalang maagang natutulog si Kyla kung hindi nasaksihan nanaman nito paano siya sigawan ni Thor.

" ano iiyak ka nanaman napakahina mo talaga idadaan mo sa iyak .!ano yan nalang ang gagawin mo mag papaawa mag iinarte!" Sigaw nito muli.

Tumalima si Cherry para sana kuhaan ito ng ibang pagkain may sinigang pa doon luto ni manang ising panigurado kakainin ni Thor iyon .mabilis na kilos kumuha siya pero kakamadalu niya ay natapon sa kamay niya ang sabaw mainit na mainit ito kaya nabitawan niya ang mangkong at nahulog sa sahig.

Nakita niya nabigla pati si Thor nabuhusan siya ng mainit na sabaw buti st nakasuot siya ng apron mainit na mainit pa naman iyon pero di niya ininda sa kataratahan .

"Maam rye ako na po diyan jusko ."saad ni pamela isa din sa kasambahay nila.

"Hindi ayos lang ako mag sandok ka na dun para makakain na si sir mo "saad niya pero unti unti na niya naramdaman ang kirot sa kamay. Dali dali niyang nilinis ang sahig kakamadali ni cherry ay nahawakan niya ang bubog kaya nasugatan ang kamay.di niya iyon napansin dahil ayaw niyang magalit nanaman ang asawa niya at sigawan siya.

Nagulat pa siya ng Bigla siyang hinila Thor at pinatayo hinila siya nito samay gripo para hugasan ang sugat niyang dumudugo na. Tahimik ito at madilim padin ang mukha.

Walang salita maapuhap si cherry nakatingin lang siya sa asawa.

"Sa susunod kasi wag kang tatanga tanga alam mong mainit .gamitin mo yang utak mo.!"Saad nito. At pagkatapos ay iniwan si cherry doon.

Samantalang si pamela naman nag madaling kunin ang first aid kit nila para magamot ang sugat ni cherry.

Kahit nasaktan siya nakangiti padin siya habang tinitignan ang sugatabg kamay na ginagamot ni pamela.

"Maam ok lang po ba kayo? "Nakakunot noong saad ni pamela.

"Nakita mo ba kanina kahit paano nag alala siya saakin " nakangiting saad niya.kahit sa gaoong bagay lang masaya siya.masaya siya dahil kahit paano may pag aalala sa asawa niya.

"Maam wag po kayong magagalit ha may itatanong po ako."

Kapalagayan na niya ng loob ang mga tauhan nila doon kabiruan na din niya tinutulongan din siya nito kapag wala doon si Thor.

"Ano ba yun?" Saad niya na nakangiti parin.

"Maam bat pa po kayo nag titiis kay sir ? Maganda naman po kayo mabait .hindi po kayo mahirap mahalin. "Malungkot na saad ni pamela.

Ngumiti muna siya dito."kapag nag mahal ka na masasagot mo na din yang tanong mo. Alam mo kahit ganyan si Thor umaasa padin ako na bumalik yung dati ung mapag mahal na Thor ,mahaba ang pag unawa.umaasa padin ako na mawala ng lahat ng galit niya sa puso niya."mapait na ngumiti si cherry.

"Alam mo maam hanga din po ako sa inyo.alam ko pong mahal na mahal ninyo si sir.saka wag po kayong maniniwala na di po masarap ang luto ninyo katunayan nga po si manong at nanang nag aaway at laging inuubos po ang tirang ulam na luto ninyo." Saan ni pamela.

Napangiti naman si cherry"salamat malaking bagay saakin na magustuhan ninyo yung luto ko." Saad niya

Naririnig ni Thor ang usapan ng dalawa nasa isang sulok siya tinitignan ang asawa.nagulat siya kanina nakita niya nag panic si Cherry habang pinapagalitan niya ito. Nakita niya paano masaktan ang asawa .

dapat maging masaya siya kasi nakikita niya itong nahihirapan .dapat masaya siya kasi nakikita niya yung takot kay cherry.pero bakit tuwing sinasaktan niya ito parang siya ang lalong nasasaktan.nung nakita niya kanina na dumudugo ang kamay nito nang matapunan itong mainit na sabaw biglang umahon ang kaba at takot sa dibdib niya pag aalala na baka mapaano ang asawa.

"Sinaktan mo nanaman ba si ate cherry?."saad ng boses na nasa likod ni Thor.
"Ganyan ka na ba talaga kamanhid kuya?gnayan ka ba talaga kasama?" Sumbat ng kapatid niya sakanya.

"Tumigil ka sabrina hindi mo al-"

"Ibang iba siya sa kapatid niya.wala ako sa posisyon para pangarlan kita oo nakakatandang kapatid kita pero wala ka na sa lugar! alam ko malaki ang galit mo sa pamilya niya pero iba siya hindi mo ba iyon nakikita kuya? O nag bubulag bulagan ka dahil sa galit mo? .mula ng dumating siya dito. Sa bahay mo maganda ang pakikitungo niya sa lahat .nakita ko kung gaano ka niya kamahal."saad ni Sabrina.

Nakatitig lang si Thor sa asawa habang ngiting ngiti na kausap si pamela na ginagamot ang sugat. Sakabila ng nang yari kanina nagagawa padin nitong maging masaya.

"Bigyan mo sana ng pag kakataon maging parte ng buhay mo ang asawa mo kuya. Bigyan mo kahit kaunting pag papahalaga si Ate Cherry."saad muli ng kapatid.

"Kahit ba ang pamilya niya ang nag bigay ng pasakit sa mama at papa natin? kahit ba halos walang natira sa stin noon ? "Wala sa sariling tanong ni thor sa kapatid.

"Kung nabubuhay ka parin sa nakaraan.ikaw mismo ang nag bibigay pasakit diyan sa puso mo.look st the woman you want to destroy. She loves you very much. Wag mog antayin isang araw na mag sawa siya at tuluyan ka niyang iwan." Sagot ni sabrina sakanya at i iwan siya nito.

Hello guys 2 update for today baka pag sipagin ako maging 3 mamaya pero araw araw na akong maguupdate kahit paisa isa lang ❤️❤️❤️❤️❤️

Thor and Cherry (stone heart). CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon