Previous:
"No..it can't "be saad ng isip ni Thor dali dali siyang pumanhik at pumunta agad sa kwarto nila. Pero bumungad sakanya ang katahimikan walang Cherry na naroon. Agad niyang tinignan ang kwarto ni kyla wala rin roon ang bata. Tinignan niya ang damitan ng asawa wala na ang mga damit nito bakante na iyon.
Napaupo siya sa sahig. Huli na..nahuli na siya.. iniwan na siya ng tuluyan ng asawa niya. Napasabunot siya sa buhok.
"Kuya.?"saad ni sabb na sumunod pala sakanya.at naupo sa tabi nito.
"She told me she will never give up on me but she left sabb." Mahinang saad ni Thor.
"Mahal na mahal ka ni Ate cherry kuya.umalis siya kasi yun daw ang gusto mo .doon ka daw matatahimik doon ka daw sasaya.." Umiiyak na saad ni Sabb.
Nakaupo si Thor sa gilid ng kama niya napansin niya ang sulat sa itaas ng side table niya naroon ang wedding ring ni Cherry.nakaramdam siya ng kirot sa puso.
Thor..
I hope everything will be fine.i hope you will be fine.i hope you will be happy when I already gone. Kung sana noon ko pa tinama ang pag kakamali ng daddy di aabot sa ganito ang lahat..pasensya ka na kung ngayon palang Thor. I hope one day pag nag krus man ang landas natin makikita na kitang ngumit na walang galit sa puso mo.naging masaya ako kahit sa saglit na pag kakataon ng buhay ko. Namin ni kyla. Thank you for being a good father to kyla kahit panandalian lang .wag kang mag alala mahal na mahal ka ng bata .Thor yung sing sing ingatan mo sobrang mahalaga yan para saakin ..pero hindi kasi para saakin yan ..ibigay mo yan sa babaeng mamahalin mo muli at mag bibigay saya sayo.at ngiti.alam ko ang babaeng iyon ang magiging rason para maging masaya ka ulit.hinding hindi ka namin malilimutan ni Kyla. Kahit sa maikling pag kakataon nag karoon kami ng pamilya sa piling mo Thor.naranasan namin na mabuo.maraming salamat sapag kakataong iyon. Nangangako ako na hindi hindi mo na ako ako makikita .pero umaasa padin ako na balang araw mag kita man tayo ayos ka na .sana ung araw na yun handa ka nang patawarin ako.Basta ipangako mo na magiging maayos ka at masaya .Paalam Thor.
Cherry.
Panay ang daloy ng luha ni Thor habang tinutupi niya ang sulat ni cherry.napakagago niya huli na ang lahat para sakanila huli na ang lahat para maging buo sila ni Cherry.Napasapo sa ulo si Thor ng masilaw siya sa liwanag na nag mumula sa veranda .
"Ano ba!" Inis na saad niya
"Brail Thor tumayo ka na jan bago kita buhusan ng tubig." Inis na saad ng ate niya.
Mula ng umalis si Cherry alak ang naging sandalan niya.tinataboy na siya minsan ng mga kaibigan niya sa bar dahil sa pang gugulo niya doon. Pati kompanya nila ay napapabayaan na niya.
Napabalikwas siya ng bangon ng sabuyan siya ng ate niya ng malamig na tubig.
"Damm it ano ba vail!"Sigaw niya sa ate niya.
"Hindi ka ba talaga titino? ano hahayaan mo nalang malugi ang kompanya ?nababaliw ka na ba talaga?." Sigaw ng ate vail niya sakanya.
"Look at your self para kang sangganong mabaho sa ichura mo . Ano ba ang gusto mong gawin sa buhay mo Brail binigay na ni Cherry sayo ang gusto mo ngayon mag iinarte ka na iniwan ka niya ei yun naman ang gusto mo. Diba.?"Panenermon ng ate niya sakanya.
Taman naman ang ate niya yun ang gusto niya dati.not until He Realize that he love cherry very much.
"di mo ba naiisip kaya umalis si Cherry kasi gusto niyang ayusin mo ang buhay mo.pero anong ginagawa mo Thor ? Imbis ayusin mo lalo mo lang sinisira ang sarili mo." Saad ng ate niya at umupo ito sa tabi niya .