Halos hindi umaalis si thor sa tabi niya panay din ang tanong nito kung anong gusto niya. Ang kambal nila hindi pa pwedeng ilabas sa nursery dahil under observation pa ang mga ito .pero sinigurado nila emerald at maxine na safe na ang kambal gusto lang nila makasigurado na nakarecover na ang mga ito bago tuluyan na ilabas ang mga ito sa nursery na nilaan para sa mga ito. Malaki ang pasasalamat nya sa mag pipinsan na madrigal kung hindi dahil sakanila siguro wala na sila ngayon ng mga anak niya.
Naputol ang pag iisip ni Cherry ng bumukas ang pinto at bumungas doon si vail at sabrina ang mga kapatid ni Thor. Agad siyang ngumiti sa mga ito namiss niya ang mga ito .naging mabuti sakanya ang mga ito kaya napalapit ang loob niya .
"Ate kamusta ka?" Bati agad ni sabb na lumapit sakanya at hinalikan siya sa pisngi.
"Sabb wag kang masyadong malikot at nag papahinga pa ang ate mo." Saway ni Thor sa kapatid kaya napalabi ito.
"Thor sumaglit ka muna sa office may kailangang kang pirmahan doon na urgent." Saad ni vail at lumapit din sakanya."
"I told you hindi muna ako papasok kakagising lang ng asawa ko at kailangan nya ako ngayon." Halatang yamot na saad ni Thor.
Napatitig naman ako sakanya asawa?ako ba ang tinutukoy nya. Totoo ba talaga na concern sya saakin.? Tanong ko sa sarili ko
" Sasaglit ka lang naman dun hindi ka naman tatagal isa pa kailangan na daw bukas yun.hindi na ako nakadaan dun nung nalaman ko na nagising na tong si cherry nag madali na kami ni sabb kaya di ko na naisip na pumunta roon.isa pa nandito naman kami para bantayan si cheryy." mahinahong saan ni Vail sa kapatid.
Sasagot pa sana si Thor ng pinutol ko ang sasabihin niya.
"Sige na Thor ok lang naman ako .hindi mo ako kailangang bantayan .pasensya ka na nakak-
"No. !! Wag mong ituloy kahit kelan hindi ka abala kayo ang priorit ko higit sa lahat. " putol din nito sa sasabihin ko na ikinagulat ko parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.
"Ok fine I'll take the responsibility aalis ako mamaya maya pero pwede ba bumili ka na ng kailangan ni cherry habang andito pa kami ." Saad ni vail sa kapatid na wala nang nagawa si thor kundi tumayo sa kinauupuan pero bago yun ay lumapit muna saakin.
"Love aalis lang ako saglit bibili lang akong gamot mo saka kailangan natin dito promise saglit lang ako." Malambing na saad nito. Nalilito padin ako hindi ako sanay.hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon o pakitang tao lang dahil naroon ang mga kapatid nito. Kaya tumango nalang ako bilang pag sang ayon dito.
Bago pa ako nakahuma nahalikan na niya ako sa labi ng mabilis bago tumalikod.
"Ate ano kamusta ka na? May nararamdaman ka ba na masakit o ano?" Tanong ni sabb saakin.
"I'm fine sabb masaya ako kasi ligtas ang mga bata. Inaalala ko lang ngayon si kyla. Baka isipin nun pinabayaan ko na sya ." Malungkot kong sagot .
Hindi ako nakapag paalam kay kyla dahil nasa lola at lolo niya ito nag bakasyon din sila sa states . Pinag papasalamat ko na tinangap na nila ang bata at kitang kita ko na mahal na mahal nila si kyla. Kaya hinayaan ko ito na sakanilang poder muna dahil na rin sa sitwasyon ko .
"Kyla is fine Rye actually dito sila galing nakaraang araw habang tulog ka. Kung hindi pa nga nilambing lambing ni Thor na umuwi muna hindi rin aalis sa tabi mo. Pumayag lang si kyla na umuwi ng sabihin ni Thor ." Sabat ni vail habang nakaupo sa paanan ng kama.
Masaya ako para kay kyla ng nasa cebu kami walang araw na hinahanap niya si Thor.kaya alam ko masaya siya ng makita nito ang kinakasabikang ama sa pagkatao ni Thor. Biglang sumagi sa isip ko ang kambal. Paano kaya ang set up nila ngayon ni Thor gayong nasa buhay na nila ang mga anak nila habang buhay may koneksyon na sila ni thor dahil siya ang ina ng mga anak nito.
"Ate masaya kami at makakasama ka namin ulit kayo ng mga pamangkin ko." Saad ni sabb.
"Rye kailangan mo magpalakas kailangan ka ng kambal. Isa pa may dapat kayong ayusin ni Thor alang alang sa mga bata." Saan ni vail.
Ngumiti akong mapait .may dapat pa bang ayusin saamin ni Thor ? Kung meron man ang set up namin at tungkol nalang sa mga bata.hindi na ako umaasa na maayos kami dahil matagal ko nang tangap na wala na talaga matagal na kaming tapos.
"Ang mahalaga ngayon saakin ang kambal gusto ko muna mag focus sakanila.kung may dapat man kaming pag usapn ni Thor un ay ang kinabukasan ng dalawang bata." Matatag kong saad.
Ayuko nang umasa .ayuko nang umasa na magiging maayos kami ni Thor kung ano man ang pinakita niya saakin nung nag kita kami ayuko na iyon bigyan ng kahulogan siguro dala na din ng awa? O dahil dala dala ko ang mga anak niya kaya ganon ang concern niya saakin.
" you two need to talk ..alam ko this time gagawin na ni Thor kung ano ang tama trust me Rye.Thor will fix everything for his family.but i advice pahirapn mo ng husto ang asawa mo " nakangiting saad ni Vail sakanya.
Nalilito man ay ngumiti nalang siya dito. Hiwalay na sila ni Thor matagal na pumirma siya sa annulment bago siya umalis ng bahay at sigurado siya na inayos na ni thor iyon dahil yun naman talaga ang gusto nito nitong mangyari.
Gusto pa sana niyang makipag usap sa dalawa pero gusto nang pumikit ng mata niya kaya nahihiya man siya ay nag paalam siya sa mga ito na iidlip muna. Dala na din siguro ng gamot at hindi pa talaga siya masyadong ok kaya mabilis siyang napagod at inantok.
Naiwan doon si sabb si vail naman ay umalis na para pumuntang opisina . Madami siyang tanong madami siyang gustong sabihin kay Thor pero hindi niya alam pano sisimulan paano kakausapin ito.
Thor pov:
Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Cherry nakasalubong ko si vail at sinabi nito na natulog si cherry .madami itong bilin para sa mag iina.
"Kuya puntahan ko lang ang kambal ikaw na ang bahala kay ate muna kakatulog nya lang sabi ni doc Maxine epektocdaw yan ng gamot at hindi pa daw talaga fully recover si ate kaya mabilis siyang mapagod kaya wag mo daw siyang bibigyan ng stress" mahinag saad ni sabb bago lumabas.
Lumapit ako sa kama at inayos ko ang kumot n cherry.
Masaya ako at nagising na si cherry pero natatakot ako baka hindi na niya ako bigyan ng pagkakataon na iparamdam sakanyq kung gaano ko siya kamahal.
Hindi ko alam paano ko sisimulan humingi ng tawad sa sakanya. Paano ko pupunan ang pag kukulang ko sakanila ng mga anak namin at kay kyla. She's been through alot wala manlang ako sa tabi niya nung kailangan na kailangan nila ako. Nalaman ko ang hirap nilang mag ina sa kaibigan nito. Nalaman ko kung paano tiniis ni cherry ang hirap sapag tatrabaho para mapunan ang pangangailangan nilang mag iina.nalaman ko din na ayaw na niyang magkaroon ng kahit na anong ugnayan mula saakin.
Tiniis ng asawa ko lahat para lang sa pangako niya saakin .pakiramdam ko ngayon napakawalang kwents kong tao sinaktan ko ang kaisa isang babae na nag tiis at inunawa ang kagaya kong halimaw.kinain ako ng galit ko na halos di ko na nakilala ang sarili ko .
Natigil ang pag iisip ko ng umungol si cherry. At binaling baling ang ulo nito . Is she having a bad dream? O may masakit sakanya.
Agad ko itong dinaluhan at marahang ginising. Hingal na hingal itong umupo habang nanginginig. Kaya niyakap ko siyang mahigpit .
"Sshhhh I'm here love hinding hindi ka na mag iisa andito ako." Saad ko hanang yakap yakap ko siya na gumanti naman ng yakap saakin . Naramdaman ko nalang na umiiyak ito habang nakayakap saakin.kaya nataranta ako.
"Nakikiusap ako Thor ang kambal nalang ang meron ako sila nalang ni kyla ang pamilya ko...wag mo silang kunin saakin. Maawa ka....ang mga anak ko nalang ang meron ako."pakiusap nito habang umiiyak at nanginginig padin.
Para akong dinurog .paunti unti dahil saakin kaya ito nagkaroon ng masamang panaginip. Kasalanan ko kung bakit nagkakaganito ang asawa ko. Naramdaman ko na dumaloy ang luha sa pisngi ko.
Huli na ba ako? Talaga bang ganoon na ang tingin ni cherry saakin.mababago ko pa kaya ito?