Nakatangap ng tawag si Thor na may nakakita kay Krsha .kailangan mahuli na ang babae ito lang ang makakapag turo kung nasaan ang ama ni cherry. madaming banta sa buhay ang ama ni cherry kahit galit siya sa ama nito ay hindi niya ito pwedeng pabayaan nalang. ayaw niyang masaktan muli ang asawa ."M-may problema ba ?" tanong ni cherry sakanya pauwi a sila sa bahay sakay na sila ng van kasama nila si sabriana na siyang kumakarga isa sa kambal.
"wala may problema lang sa opisina " pag sisinungaling nya dito.
"Pwede ka sumaglit doon kuya kung urgent talaga" saad ni Sab sakanya.
"matagal ka nang hindi pumapasok kung kami ang iniisip mong mag ina wag kang mag alala ." saad ni cherry kaya napatingin si Thor sa asawa bakas sa mukha nito ang pag aalana nakatitig din sakanya.
"alam mong kayo nag priority ko ngayon love gusto kong pu--"
"madami pang oras thor isa pa hindi naman kami aalis hangat hindi mo sinasabi." putol na sagot ni Cherry.
Pain cross his heart again. nasasaktan siya dahil sa sinabi ng asawa .naalala niya kung paano niya dati pag tabuyan at tratuhin si cherry.malamang ito ngayon ang tumatak sa isip ng asawa niya..
"ahmm sige na kuya ako na ang bahala kay ate cherry at sa kambal " putol ni Sabrina para mapagaan ang loob nito.
kailangan niyang umalis saayaw at gusto niya gusto niyang makaharap si Krysha .kailangan niyang manigurado na ligtas si Cherry at mga anak niya.
Pagkahatid niya sa mansyon ay agad din siyang umalis pero nanigurado siya na fully secured ang mag iina niya madaming nakapalibot na mga guard doon sa kabahayan nila.
Cherry pov:
Its been almost a year wala paring pinag bago ang mansyon nila Thor.kung meron man siguro gamit n bata may crib sa sala .
"Welcome home ate .,welcome home babies." Saad ni sabrian at hinalikan ang kambal.
"Bat andaming security guards? Natatakot ba si Thor na tumkas ako." Tanong niya kay sab.
"No ..no..no ate hindi ganun paano ko ba sasabihin.ahmm gusto lang ni kuya maasure kayo na safe ..tayo ." Paliwanag ni sab.
"Nga pala ate mamayang hapon darating si Doc alvarez .ung doctor na kinuha ni kuya para mabilis ka nang gumaling." Saad ni sabrina.
At ginaya siya nito para umupo sa sofa. Samatalang kinuha ng dalawang kasamabahay ang kambal para ilagay iyon sa crib na naroon. Hindi na siya tumutol dahil gusto din naman niya maging komportabel ang tulog ng dalawa.
"Madaming pinabago si kuya sa bahay alam mo excited na excited siya na makauwi na kayo.kahit hindi pa niya kayo nun nakikita pinag hahandaan niya ang pag uwi ninyo dito." Saad ni sabrina. Para naman hinaplos ang puso ni cherry
"Sab napakatigas ko na ba talaga?" Tanong niya kay sabrina.na kinagulat nito.
"No ate. Hindi sa nag mamatigas ka. Siguro natatakot ka lang buksan ulit yang puso mo para ky kuya." Malungkot na saad ni sabrina.
"Natatakot ako para sa mga anak ko. Ayukong lumaki sila sa magulong pamilya. Ayukong maranasann nila ang naranasan ko noon.ayukong pg bayaran nila ang hindi naman dapt nila pag bayaran." Saad ni Cherry.
"Ate wala kang dapat katakotan mahal na mahal ni kuya ang kambal mahal na mahal kadin nya.hanapin mo sa puso mo ate kung paano mo minahal si kuyanoon." Saad ni sabrina na ramdam ang lungkot.
"Gusto mo na bang magpahinga ihahatid na kita sa kwarto ninyo." Saad muli ni sabrina sak tumayo.
Tinawag ni sab ang mga kasambahay nila para tulongan silang umakyat si pamela ang lumabas dali saling lumapit sakanila at niyakap si cherry.
"Namiss po kita maam cherry pasensyana po." Saad ni pamela ng makabawi maluha luha pa ito.
"Masaya lang po ako at narito na po kayo ulit sa bahay " saad muli nito.
"Masaya din ako at nagkita ulit tayo." Nakangiting saad ni cherry.
"Halika na ate kailangan mo magpahinga papagalitan ako ni kuya pag napagod ka." Nakangiting saad ni Sab.
Umakyat na sil sa ikawalang palapag napahinto siya sa may koridor . naroon ang picture nila ni Thor naka display kasama si Kyla.
Hindi pa nakakaluwas si kyla dahil nag aaral ito pero pinangako ng lola at lolo nito na sa bakasyon ito tutuloy sakanila.
"Ahmm ate ung isang room pala under renovation di pa tapos ginaaang nursery iyon ni kuya gusto niya ikaw nag mag decorate nun para sa kambal."nakngiting saad ni Sab.
Pinihit ni sabrina ang door knob ng kwarto ni Thor. Napasinghap siya ng bumungad sakanya iba na ang kulay ng kwarto naging maaliwalas na rin ito at ang kama ni Thor iba na rin malaki na ang naroon kasyaa siguro kahit na 5 katao ang humiga roon.
"Pinaayos ni kuya ang kwarto ninyo ate para maging presko sa kambal at sayo." Saad muli ni Sab.
May kuna din doon na kasya ang dalwang bata. Malaki ang pinag bago ng kwarto ni Thor wala na rin ang sofa bed kung saan siya natutulog ang naroon nalng ay ang recliner chair .
Maya maya pa ay nag ring ang cellphone ni sabrina.Kaya nag paalm ito na sasagutin nito ang cellphone.
She never expect na magiging ganito ang dadatnan niya sa mansyon malayong malayo sa dating naging trato sakany ni Thor.
Pinag masdan niy nag natutulog na kambal na nasa kama.
Naalala niya ang kasunduan nila nun ni Thor hindi siya pwedeng humiga sa kama nito .sumilay ang pamilyar na kirot sa puso niya
"Pam pwede mo ba akong kunan ng extra na comforter saka unan." Pakiusap niya kay pamela.
"O-oscge po maam rye." Nag alangan na Saad ni pamella at lumabas ng silid .
Lumuhod siya sa may gilid ng kama at hinaplos ang paa ng dalawang bata na himbing na himbing sapg tulog.
"Babies ito ang bahay ng daddy ninyo at magiging tahanan nyo na rin." Saad ni cherry.
"Sana lumaki kayong mabait at mapagmahal pangako ni mommy gagawin ko ang lahat para maging maayos kayo." Saad ni cherry na hindi namalayan ang pagpatak ng luha niya.
"I'll promise to protect two of you .hinding hindi ppayag ang mommy na masaktan kayo nang dahil saamin ng daddy nyo." Saad ni cherry habang pinupunasan ang luha.
Maya maya ay nag ring ang telepono na naroon sa kwarto kaya inayos niya nag sarili at sinagot ito.
"Hello si-"
"Tignan mo nga naman kung siniswerte ka nga naman. " saad ng nasa kabilang linya pamilyar kay cherry ang boses na iyon .
"P-Papa" saad ni cherry
"Wag mo akong matawag tawag na papa.dahil sa ginawa mo sinira mo ang pangalan ko .wala kang pinagkaiba sa ina mo! Buti nalang at niligtas ako ni Kryshaz.!!Saad ng ama ni cherry na nasa kabilang linya.
"Sabihin mo sa asawa mo wag na wag ko lang siyang makikita dahil papatayin ko siya. Pati kayo!! "Banta ng ama nito.
"Nakikiusap po ako sa inyo papa itigil na po ninyo ito tama na po!!" Pakiusap niya sa ama niya.
"Bigyan mo ako ng 10milyon lalayo ak—" hindi na naitulou ng ama ni cherry ang saaabihin nakarinig si cherry ng sunod sunod na putok ng baril kaya napatutop siya sa bibig .
.......