Thor

4.1K 130 7
                                    

" Siguro naman Mr. Fransico naalala mo pa ang napagkasunduan natin at siguro naman ay tutupad ka sa napagusapan. Ayukong umabot pa tayo sa demandahan " seryosong saad ni Thor habang nakaupo kaharap ang ama ni Cherry.

"alam mong gustohin ko man hindi ko na mapipilit si Krisha na pakasalan ka. At alam mo rin hindi ko pa kayang ibalik ang perang iyon. " halatang tensyon na saad ng matanda.

"I'm not talking anymore with Krisha.. Wala na akong pakialam sakanya matagal na kaming tapos. " kalmadong saad ni Thor sa matanda.

"What do you mean? Deretsahin mo na nga ako ayuko ng paligoy ligoy." kunot noong saad ng matanda.

"I want your second daughter I want her to be the replacement of Krisha. " deretsong saad ni Thor. Napataas naman ng kilay ang matandang lalake.

"You like Cherry? Anong meron sakanya at nagustohan mo sya isa pa may anak na ang anak ko hindi kaya malagay sa iskandalo ang pamilya mo.? " saad ng matanda.

"unang una dalagang ina naman si Cherry walang masama roon masama don kung may asawa na siya. At alam naman natin ang katotohanan. I already do the investigation hindi ako papasok sa isang sitwasyon kung alam kong alanganin. Pangalawa ayukong pag usapan ng mga tao dahil hindi matutuloy ang kasal ko ayukong malagay sa kahihiyan ang pamilya ko na gawa ng anak mo. " madiing saad ni Thor.

"ok fine pero pagkatapos nito bayad na ako sayo wala na akong utang kapalit ng anak ko. " saad ng matanda kaya napakuyom ng kamao si Thor napakamukhang pera talaga ng matanda sariling anak ay ipag bibili ganid. Hindi siya mag tataka kung kanino nag mana ang mga anak nito

"Madali akong kausap so it's a Deal? " saad niya dito at inilahad ang kamay.

Ngumiti ang matanda bago tangapin ang kamay nito. " I will talk first to Cherry by then pwede na kayong mag usap tungkol sa kasal ninyo. " determinadong saad ng matanda.

"your too confident na papayag talaga ang anak ninyo ? Tama yan dahil ayuko ng masyadong pinapatagal .masyado nang nasayang ang oras ko kay Krisha siguro naman ngayon hindi masasayang ang oras ko. Dahil alam mong ayaw na ayaw ko sa lahat niloloko at sinasayang ang oras ko. Saad ni Thor bago tumayo sa upuan.

"Maam cherry pinapatawag po kayo ni sir sa office nya" saad ng secretary ng papa niya..

Kunot noong tumayo si Cherry sa upuan niya. Nagtataka siya dahil wala naman siyang nakalimutan isubmit o gawin. Agad siyang pumunta roon huminga muna siyang malalim bago kumatok sa pintuan.

"Sir good morning anything you needed sir? " kinakabahang tanong niya sa ama.

"seat first iha may pag uusapan tayo." mahinahinahong saaad ng matanda kasalukuyan itong nakatayo at nakaharap sa bintana. Napakurap kurap nalang si Cherry ito ang unang beses na pumasok siya sa opisina ng kanyang ama na hindi siya nito sinigawan o pinag dabogan.

"I know im being to hard on you iha pero ginagawa ko ito para matoto ka sa buhay ."mahinahong saad ng matanda at umupo na sa silya nito. "naguguluhan man ay nakaramdam si Cherry ng saya sa puso nito.

"papa i mean sir ok lang po iyon alam ko naman po. " nakangiting saad niya dito.

"Can i ask you if you dating someone?" Tanong nito sakanya nagulat pa si Cherry ngayon lang nag kainterest ang papa niya sa buhay niya.

"Naku pa wala po busy po ako sa trabaho saka nakafocus po ako kay Kyla." Sagot niya sa ama.ngayon lang sila nag usap ng ganito ng ama niya kaya sobrang saya ni Cherry.

"anak alam mo naman siguro na nagkaproblema tayo sa ate mo at kay Thor Balderama hindi ba? Alam mo rin na umalis ang ate at tinakasan ang kasal nila. Kaya ngayon naniningil na si Balderama at wala akong maibayad pa dahil palubog ng palubog ang kompanya natin. Saad ng ama nito kaya lalong nagulohan si Cherry.

"Pa kung may maitutulong po ako sabihin lang po ninyo may pera pong iniwan ang ma-

"No! Never hinding hindi ko kailangan ang pera ng mama mo.. "galit na saad ng matanda.

"I'm sorry pa." saad ni Cherry

"iba ng gusto ni Belderama anak gusto niyang matuloy ang kasal sa isang Frasico . " mahinahong saad ng ama niya. Kaya kumunot ang noo ni cherry.

"Pa alam po ninyong hindi na lo pupwede si Ate may kinakasama na kaya nga po lumayo na sila. saad ni cherry.

"alam ko iyon kaya nga kinakausap kita ngayon anak para humingi ng pakiusap at tulong sayo. saad ng matanda dito.

Lalong kumunot ang noo ni Cherry.

"anong tulong po ba ang kailangan po ninyo pa? Tanong niya sa ama.

"marry Thor Balderama. So you can save our company and you can give him what he wants to pay for all the damages that krisha did. "derektang saad ng matanda.

Nakatingin lang si Cherry sa ama nito hindi parin mag sink in sa utak nya ang sinasabi nito..

"Ho?" Gulat na saad ni Cherry ng makabawi siya

"Papa si ate ang mah-"

"Hell for that love hindi dahil sa pag mamahal kaya kinakasal ang dalawang tao yan ang itatak mo sa ulo mo cherry para lang iyan sa mga dukha." Saad ng ama niya.

"At kung may pakialam ka sa kompanya natin at sa akin kung talagang nag mamalasakit ka at mahal mo ako gagawin mo ang gusto ko." Saas ng matanda.

Nanatilign tahimik si Cherry hindi niya alam kung paano at kung ano ang gagawin.

"Think about it che-

" ganoon lang po ba sa inyo iyon papa? Ni hindi nyo muna inalam ang mararamdaman ko kung ok lang ba saakin may malasakit ako sa kompanya lalo na sa inyo pero-

"Then leave kung wala kang maitutulong saakin umalis !ka ewan ko lang kung saan ka dalhin niyang pride mo ikaw na nga tong inaalala .isipin mong mabuti mayaman si Balderama kayang kaya niya kayong buhayin mag ina ." Saad ng ama niya.

Nasaktan si Cherry ng husto akala niya may pakialam na sakanya ang ama niya. Kaya ganoon ang pakikipag usap nito sakanya yun pala may kailangan lang ito sakanya.

Thor and Cherry (stone heart). CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon