cherry5

4.2K 146 3
                                    


Present:

"wala ka na ba talagang planong sabihin yang kalagayan mo kay Thor? "

Saad ng kaibigan niyang si si Hazel. Naroon sila sa balcony ng inupahang bahay niya sa cebu naroon ang dalawa niyang kaibigan si Alexsis at Hazel ang pinakamatalik na kaibigan niya mula ng kabataan palang niya.

"wala ayukong madamay ang mga anak ko sa pag hihiganti nya kay papa.ayukong lumaki ang mga anak ko na kagaya ko.ayukong maranasan nila ang naransan ko kay papa. di baling ako nalang wag na sila. Lahat naman kaya kong gawin ... kakayanin ko. Wag lang masaktan at magaya saakin ang mga anak ko. "Matatag na saad niya

"alam ko naman yun Rea pero naman sa kalagayan mo ngayon pitong buwan na yang tiyan mo malaki na din dapat nag papahinga ka hindi yung ayan doble doble kayod mo. Isa pa anak naman niya yan dugot laman din nya yan siguro naman hindi siya kagaya ng papa mo.siguro naman may awa pa naman natitira sa puso nya para sa inyo. "

Saad ni Hazel.

"sana nga... sana nga haze sana nga .pag dumating man ang panahon na may lakas na ako ng loob para ipagkasapalaran ang mga anak ko sana nga mahalin nya ng buong buo ang kambal.tangap ko naman na kahit kelan hindi nya ako kayang mahalin na galit at pag hihiganti lang ang nagtulak sakanya para makuha ang loob ko."humihikbi na sagot ni Cherry.hindi na niya napigilan ang sarili gusto niyang hindi na siya umiyak pero tuwing naiisip niya lahat bumabalik ang sakit sa puso niya.

"wala na akong magagawa sa desisyon mo .alam ko hirap na hirap ka.lagi mo nalang iisipin may awa ang nasa itaas saka nandito lang kami di ka namin iiwan. " saad ni Hazel.

Si hazel aang may ari ng resort kung saan siya nag tatrabaho mula ng umalis siya sa poder ni Thor.dumeretso sila ni Kyla sa resort ng kaibigan niya sa cebu.walang wala siya ng umalis sa mansyon tanging gamit lang nilang mag ina ang dala dala nila.

Ang perang inipon at pinamana sakanya ng kanyang mommy ay ibinigay nya lahat kay Thor bilang kabayaran sa pagkakautang umano ng ate at papa nya dito. Doon nangako siya na kahit anong mangyari titiisin na niyang lumayo at mag umpisa muli malayo kay Thor.. Malayo sa lalaking pinakamamahal niya.

"Pinapadlahan ka parin ba ng pag babanta ni Krisha?" Nag aalalang Tanong ni Hazel sakanya.
Nitong mga nakaraang buwan puro pag babanta ang natangap ni Cherry mula sa kapatid .dahil na ito sa pag expose niya sa ama nila .nakakulong ngayon ang ama nila.puro masasakit na salita ang natangap ni Cherry mula sa ate niya pinag bantaan din siya nito oras na mag krus ang landas nila papatayin siya nito.
Wag na din daw niyang balakin na bumalik sa buhay ni Thor dahil hindi ito papayag na maging masaya silang dalawa.

Nakaraang buwan nakatangap siya ng litrato mula sa kapatid nito na masayng nakikipag usap kay Thor binalita din nito na napatawad na siya ni Thor at hiwalay na sila ng asawa niya kaya nakipag balikan siya dito."

Nakita niya kung paano ngumit ang asawa niya habang kausap nito ang kapatid .durog na durog ang puso ni cherry andaming tanong sa isip niya pero pinili niyang mag pakatatag para sa magiging anak nila ni Thor at parw na rin kay kyla.

"Hindi na .masaya na sila ni Thor kaya walang rason para malaman ni Thor na mag kakaanak kami.ayukong sirain ang pag sasama nila .Thor love. Krisha so much. At alam ko mas pipiliin niya si krisha kesa sa mga bata .mas mabuti nang ganito kami ng mga bata kesa masira ang buhay nila dahil sa gulo." Mapait na saad ni Cherry.

"Alam mo Cherry kung siguro ako ang nasa kalagayan mo ipapapulis ko na yang ate mo." Saad muli ni Hazel.

"Kapatid ko padin naman siya.saka kawawa ang anak niya ayukong ako ang maging dahilan kung bakit mawawalan ng ina ang mga pamangkin ko at ayukong masira nanaman ang buhay ni Thor. Dahil saakin. " malungkot na saad ni Cherry.

"Martir ka Talaga Cherry sana marunong ka ding lumaban para sa sarili mo. Para sa karapatan mo at ng mga anak mo." Saad ni alexsis.

"Wala din naman mang yayari pag lumaban ako mag kakagulo lang ulit madadamay ang mga anak ko." Mapait na saad niya.

"Tama na yan ang mahalaga ngayon nandito ka saamin pamilya mo kami rye tandaan mo yan ."saad ni Hazel at niyakap siya.

"Salamat nakakahiya man pero pag susumikapan ko na ibalik ang tulong nyo saakin ." Saad niya at gumanti ng yakap kay Hazel yumakap na din si Alexsis sakanila.

"Mag pahinga ka na rye bawal kang mapagod saka hayaan mo muna ang mga paper works ako nang bahala dun basta alagaan mong mabuti ang mga inaanak namin." Saad ni Alexsis.

"Oo nga rye di pa nmn dagsa ang mga tao kaya di pa gaanong kailangan yan tutukan mo muna ang pag bubuntis mo. Ewan ko ba sayo at ayaw mong lumipat dun sa bahay para may mag titingin tingin sayo." Saad ni Hazel. Mabait ang pamilya ng kaibigan niya hindi nag dalawang isip ang mga ito na tangapin sila ni Kyla ng dumating sila doon.

"Hai ok na ako dito sobrang laki na ng tulong nila tito at tita saakin kaya wag mo na akong isipin sasabihin ko naman pag di ko na kaya ." Saad niya dito at ngumiti.

Thor and Cherry (stone heart). CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon