Prologue

9.6K 222 19
                                    


Pumasok siya sa loob ng school and she's wearing the school's uniform. Palagi ding nakatali ang buhok niya as ponytail. Nakasukbit din ang bag niya na black sa likod niya.


She is simple and she is the School's Nobody.


And that School's Nobody is me.


My name is Pitch Velasquez, ang School's Ms. Nobody ng Terra Academy. People talk behind my back but it's not a surprise anymore. And there's one thing that I only remind to myself; Ignore these people and I'll have my peace.


Napasinghap ako nang maramdaman ko na may umakbay sa akin, tumingala ako at nakita ang mukha ni Scarlett. I may be the School's Nobody pero may kaibigan din naman ako, unlike in their fake rumors. Si Scarlett lang ang nag-iisang kaibigan ko, pero okay na 'yun. Sapat na 'yun.


"Good morning, Pitch." Ngumiti siya sa akin.


"Good morning, Lett." Pagbabati ko din sa kaniya, binaba niya na din ang kaniyang braso na nakaakbay sa'kin.




"Andito na si Camera Girl!"

"Huh. Who cares about her."

"Can you take a picture of me, Camera Girl?"

"Ang sexy mo naman, Camera Girl!"





Yumuko nalang ako nang salubungin kami ng grupo ng mga Campus Crush. Four of them are making fun me pero isa lang ang nananahimik sa kanila, ang Campus King. Agad ko namang napansin ang white blonde hair niya na halos umabot na sa kaniyang mga pilik mata dahil magulo ang buhok niya.


"Hoy! Tumabi nga kayo! Ang pa-panget niyo eh!" Sigaw sa kanila ni Scarlett.


"Ano'ng sabi mo, Scarlett Omelette?" Tumawa sila sa joke na sinabi ni Axyl, namula naman ang tenga ni Scarlett sa inasta ni Axyl.


"Let's go." Malamig na sambit sa kanila ni Spike, ang Campus King.


"C'mon, Spike! Where's the fun?" Sabi naman ni Apollo, halatang na-irita ito dahil sa pagputol ni Spike sa kasiyahan nila.


"Oo nga, ang sarap kaya asarin ng mga pikon na babae." Kumento naman ni Draco na ngising-ngisi. Napailing naman ako, hindi naman ako pikon ah.


"That's enough, tara na." Malamig parin ang boses ni Spike, agad namang nangunot ang aking noo nang magtagpo ang mga mata namin. He looks scary, but not to me. Matagal ko nang schoolmate si Spike, pero never niya ako tiningnan ng ganito katagal. Ano ba ang problema niya?


"Whatever." Inis na sambit ni Ares. Hinila ko nalang si Scarlett palayo duon, pumasok na kami sa classroom pero may nakalimutan ako.


"Saan ka pupunta?" Tanong ni Scarlett na nagtataka nang makita niya ako na paalis ng classroom.


"May kukunin lang ako sa locker ko." Tumango siya at naglakad na ako papunta sa mga lockers, tumayo ako sa harap ng locker ko at binuksan ang padlock nito at agad ko itong binuksan, kukunin ko na sana ang English Book ko nang may napansin akong isang pirasong papel na nakatupi. Agad ko itong kinuha at in-unfold ito at binasa ang nakasulat sa papel.





'Dear Pitch,

Your Chanel Perfume smells nice, and you look gorgeous everyday and every night. Pwede mo ba akong kunan ng litrato gamit ang lumang camera ng Mama mo?

Truly yours,
X'





Ganun nalang ang takot ko at ginala ang aking mata sa paligid dahil sa takot ngunit wala akong makita ni-isang estudyante sa paligid dahil mag-uumpisa na ang klase, kinilabutan ako sa nabasa kong sulat. Tumindig lahat ng balahibo sa katawan ko.


No one, as in no one is even interested in me. Yes, people around me can talk behind my back except for Scarlett pero hindi sila mag-aaksaya ni-isang segundo para lang alamin ang tungkol sa mga bagay na kahit si Scarlett ay hindi ko pinagsalitaan.


I crumpled the paper and threw it away in the nearest trashcan from where I stood. Napakagat ako sa aking labi nang sumama ang pakiramdam ko.


I know to myself that something's not right...












(edited: May 5, 2021)

Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon