Chapter 15

3.1K 86 8
                                    

15: Monstrous Psychopath





Nagising ako nang maramdamang nangangalay ang aking buong katawan, dumilat ako at sa laking gulat ko ay nakatali na ako sa isang silya. Ang kamay at paa ko ay nakatali sa upuan.







Bigla ko nalang naalala si Scarlett!







"Scarlett? Lett!?" Mahina ang katawang niyogyog ko ang sarili kong katawan para subukang makawala sa tali, ang sakit at ang higpit kasi ang pagkakatali.







"Pitch!" May sumigaw, boses ni Scarlett mula sa aking likuran. Sinubukan kong lumingon pero hindi ko kaya. Napa-iyak nalang ako.







"Scarlett, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko habang patuloy lang sa pag-iyak, rinig ko ding umiiyak siya at nanginginig ang boses niya.







"O-Oo, ikaw?" Tanong naman niya, kahit papaano ay napa-ngiti ako dahil nag-aalala rin siya sa akin.







"Medyo nangangalay ang katawan ko eh." Sagot ko na ikinatawa niya ng mahina.







Suddenly, a voice boomed in the room. Nakakakilabot na halakhak ito na nagpatindig ng aking mga balahibo. Creepy.







"The two princesses are talking to each other. Pft!" Rinig ko ang pagtawa niya na nakakaloko, bigla naman akong nagkasama ng loob dahil dinamay niya pa ang kaibigan ko.







"Hayop ka!" Sigaw ko naman sa kaniya.







"Me? Ohh, dear." Tumawa siyang ulit at humarap sa akin, hindi ko naman mapigilan ang sariling mapahanga sa kaniyang taglay na kagwapuhan lalo na't wala siyang suot na glasses.







"Tigilan mo na 'to, Jaxyr! Huwag mong dadamayin si Scarlett!" Pagmamakaawa ko naman, mas lalo lang siyang natawa.







"May kwenta din naman pala ang kaibigan mo, hindi na kita kailangang kindappin pa dahil ikaw mismo ang lumapit dito dahil sa kaibigan mo." Ngumisi siya at nag-squat sa harap ko.







"Baliw ka na, Jaxyr! You're the school's nerd at may girlfriend ka!" Singhal ko sa kaniya pero nakatanggap ako ng isang malutong na sampal mula sa kaniya, napatagilid naman ang aking mukha dahil sa kaniyang malakas na pagkasampal.







"Tanga ka ba? How am I going to be obsessed on you if I have a girlfriend? Wala akong girlfriend, that was a lie that became a gossip at napaniwala kita para hindi ka na magtaka. And being a nerd is just my undercover." Asik niya, unti-unti namang nag-register ang mga pinangsasabi niya sa akin.







Everything was a lie? At hindi lang naman ako nagtaka.







"Bakit?" Nangingiyak na tanong ko.







"I loved you ever since we were in freshman year in High School, you never noticed me because you are always into your camera. Kaya nagpa-tattoo ako ng camera na katulad ng camera mo. From that day on, you became my obsession. Araw-araw kitang sinusundan at binabantayan. Kaya nuong nag-halloween party kayo ay nakapasok ako sa iyong apartment para maglagay ng mga maliliit na camera. But those bastards ruined my plans, you fell in love with Spike! Inagaw ka niya sa akin!" Sigaw niya, I glared at him.







"Hindi niya ako inagaw sayo kasi never akong naging sayo!" Singhal ko pa sa kaniya, he looks pissed off after I said that.







Hinawakan niya naman ang batok ko at mariing dinampi ang kaniyang labi sa labi ko, pilit niya akong hinahalikan habang iwas lang ako ng iwas mula sa mga labi niya.







"Tigilan mo ang kaibigan ko, Jaxyr!" Rinig ko pa ang sigaw ni Scarlett mula sa aking likod.







Unti-unti namang tumulo ang aking mga luha dahil sa ginagawa ni Jaxyr. I never thought na siya pa ang makakagawa nito, I treated him like a friend.







But he's a psycho after all.







"T-Tama n-na." Nauutal at nanginginig ang boses na pagmamakaawa ko, pero bumaba lang ang halik niya sa aking leeg hanggang sa collar bone ko.







"Tama na! Please! Paki-usap, tama na! Ayoko na!" Sigaw ko at humagulgol, bigla namang tumigil si Jaxyr. Biglang umiba ang ekspresyon ng mukha niya, pinahiran niya ang aking mga luha na dumadaloy mula sa aking mga mata.







"I'm sorry. I'm sorry." Pa-ulit-ulit na bulong ni Jaxyr sa akin. Baliw nga siya.







"Are you okay?" Tanong niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko na para bang nag-aalala talaga siya, hindi naman ako sumagot sa tanong niya.







"Sumagot ka!" Nagulat ako nang sumigaw siya, na-confuse ako dahil sa pabago-bago ng kaniyang ugali.







Tumango ako bilang sagot, ngumiti naman siya ng napaka-tamis.







"Magluluto lang ako." Hinalikan niya ako sa aking pisngi at naglakad palayo sa aking inuupuan.







That's when I realized something...







He's a Monstrous Psychopath.







To be continued.....


— — —


Sorry, napatagal ang aking update! Medyo busy lang sa pagwo-workout, charot! Bwuhuhuhu!


Vomments (Votes and Comments)


Thank you for reading! ♡

Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon