Chapter 7

3.9K 126 11
                                    


7: Hidden eyes




Kinabukasan ay maaga akong nagising.

Nasa kwarto ako at kakagising lang, binuksan ko ang kurtina at binuksan ko nadin ang bintana para may pumasok na sariwang hangin sa loob ng aking kwarto, ayoko pa naman ng puro aircon nalang.


Napatingin ako sa camera na nakapatong sa may side table, ngumiti ako at kinuha iyon. Lumapit ako sa bintana at nagsimulang kumuha ng mga litrato, ang ganda ng mga kuha kasi umaga ngayon. Pinicturan ko ang mga tao sa ilalim ng building, mga flower shops sa ibaba, at mga sasakyan na dumadaan sa tapat ng building. Nasa 5th floor kasi ang floor ng Apartment room ko.


Ini-zoom ko ang lens sa tapat na building ng Apartment ko, Apartment din ang katapat nito. Ini-zoom ko pa ng kaunti hanggang sa may makita ako, isang silhouette ng isang tao mula sa isang madilim na kwarto na katapat ng room ko. Mga braso niya lang ang naaaninag ko, pinicturan ko ang braso niya na may tattoo na camera, katulad na katulad ng sa akin.


Binale-wala ko nalang 'yun at pumunta nalang sa CR at nag-shower, pagkatapos nun ay nagbihis ako ng pambahay. Binuksan ko ang fridge at kumuha ng isang pirasong slice ng chocolate cake mula sa loob ng fridge at agad na sinara ito, aalis na sana ako nang may mapansin ako sa handle ng fridge.


Parang kasing laki ng isang pirasong pepper mint ang nakadikit dito, tinry kong pitikin pero hindi parin makuha. Nag-shrug nalang ako at pumunta nalang sa living room at nanood nalang ng We Bare Bears habang kumakain ng cake. Maya-maya pa ay pinalit ko nalang ang Channel sa HBO. Suicide Squad ang movie ngayon. Favorite movie ko.


Natigil lamang ang pagpapanood ko ng movie nang marinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto ng apartment ko. Nagtataka man ay tumayo ako mula sa couch at tumungo sa may pintuan.


"Sino 'yan?" Tanong ko, may narinig akong tili mula sa labas. Agad kong binuksan ang pinto at ang mukha ni Scarlett na nakangiti ang bumungad sa akin.


"Ba't ka naparito?" Tanong ko at pinapasok siya.


"Boring sa bahay, eh." Bored naman na sagot niya, umupo siya sa couch na nasa tapat ng T.V.


"Sandali lang, magbe-bake lang ako ng Muffins." Sabi ko sa kaniya, agad siyang tumingin sa aking mga mata at tumango na parang bata.


Pumunta nalang ako sa kusina at gumawa na ng Muffins, nag-bake din ako hanggang sa maluto na. Nilagay ko na ang mga Muffins sa tray at nilagay sa lamesa na nasa harap lang ng couch na inuupuan ni Scarlett.


"Wow, ang bango naman niyan." Rinig kong sabi ni Scarlett mula sa living room at narinig ko ang kaniyang tili.


"Siyempre, ako gumawa eh." Tumawa ako. Pagkatapos na maluto ang lahat ng muffins ay nilagay ito sa loob ng isang malaking bowl at umupo na din ako sa tabi ni Scarlett.


"Kukuha lang ako ng tubig sa fridge mo." Pagpapaalam ni Scarlett, tumango lang ako. Natapos na din ang movie kaya pinalit ko na ito sa KBS. Descendants of the sun episodes ngayon, nag-marathon sila ng movies. Favorite drama series ko din ito.


"P-Pitch!" Agad akong napatayo sa couch nang marinig ang sigaw ni Scarlett, agad akong tumakbo sa may kusina at parang hindi maipinta ang mukha niya sa harap ng fridge.


"Bakit? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko, tinuro niya naman ang handle ng refrigerator.


"Kita mo ang maliit na kulay itim?" Tanong niya, tiningnan ko naman ang tinutukoy niya. Tumango ako. Ang tinutukoy niya ay ang nakadikit na kasing laki ng parang pepper mint na kanina ay tinry kong pitikin.


"Pitch, it's a hidden camera!" Napalaki ang mga mata ko sa narinig. Gulat na gulat ako habang tumitingin sa camera daw sa handle ng fridge.


"Ano kamo?" Hindi parin ako makapaniwala.


"L-Look! There's a red dot in it!" Tinuro niya ang camera na tinutukoy niya, nilapitan ko ito ngunit wala naman akong nakitang red dot.


"Wala namang—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sumabat ulit si Scarlett.


"Look closer!"


And I did. I looked closer. At ganun nalang ang panglalamig ng aking buong katawan nang ma-kompirma na may red dot nga naman ngunit hindi lang gaanong mapapansin dahil sobrang liit ng camera. Agad akong lumayo mula dito at takot na tiningnan ito.


"It's your stalker! What if he installed these small hidden cameras to watch you without bothering to come in here? Diyos ko, Pitch! Nakapasok siya dito!" Histerikal na bulalas ni Scarlett, halatang takot na takot.


W-What if, nakapasok siya dito nuong gabi ng Halloween party? Nung binigyan niya ako ng patay na tuta. Baka habang wala ako dito ay na-install niya ang mga napaka-liit na mga cameras na ito!


Mabilis naman akong napatakip sa aking bibig, gulat at takot ang nararamdaman.


Does that mean ay pinapanood niya lahat ng ginagawa ko? At ilang araw na niya akong pinagmamasdan gamit ang camera na ito?



To be continued.....












(edited: May 16, 2021)

Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon