Chapter 3

4.8K 152 9
                                    

3: The chase


I couldn't move because of too much shock and fear. Naramdaman ko nalang na may butil ng luha ang kumawala mula sa aking mata.


Naputol lamang ang katahimikan nang marinig ko ang pag-ring ng aking cellphone, kahit nanghihina ako ay kinuha ko parin ang aking cellphone mula sa aking bulsa at sinagot ko ang tawag.


"H-Hello?" Na-uutal na tanong ko mula sa kabilang linya ngunit nanlamig ako nang marinig ko ang isang nakakakilabot na halakhak na parang tinig ng robot mula sa kabilang linya.


[Hello, Pitch. Nagustuhan mo ba ang surpresa ko?] Humalakhak muli ito, agad ko namang pinahiran ang aking kumawalang luha.


"Sino ka!?" Sigaw ko habang nakakuyom ang aking kamao.


[Aww. Don't cry, my love. Magsasama din tayo sa susunod.] Rinig ko ang pagngisi niya, nanginginig naman ang kamay ko na hawak ang phone.


[But for now, babantayan muna kita. And I will make sure that no one is going to stop me.] Humikbi ako sa kaba, rinig ko ang muling nakakatakot na tawa niya.


[Nice Red Riding Hood dress, by the
way—]


Hindi ko na siya pinatapos, agad kong pinatay ang tawag dahil sa sobrang kaba at takot. Agad ko ding ini-block ang number na tumawag sa'kin.


Nakakatakot. Nakakatakot siya. Natatakot ako para sa aking sarili.





*****




Nakayuko lang ako nang makapasok ako sa loob ng school. Gusto ko silang iwasan lahat. Natatakot ako. Natatakot ako na baka isa sa kanila ang baliw na tao na maraming alam tungkol sa aking buhay.


Dumiretso ako sa mga lockers para kunin ang mga libro ko, I heaved out a sigh of relief.


Walang letter.


Kinuha ko nalang ang mga kailangan kong libro. Napasigaw ako nang may humawak sa braso ko, lumingon ako sa taong nakahawak sa akin.


"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Scarlett, lumuwag ang paghinga ko nang malaman na siya pala ang nakahawak sa braso ko.


"Oo, ayos lang ako." Sagot ko, sinara ko ang locker ko at naglakad kasama si Scarlett.


"Eh ba't ka namumutla?" Tanong niya ulit, umiling lang ako habang patuloy sa paglalakad papuntang classroom. Naka-yuko parin ako, 'di ko namalayan na may nabangga na pala ako. Matigas din ito, sapat na para mabitawan ang aking dala na mga libro. Napaangat ako ng aking tingin at biglang pumintig ang aking puso nang magtama ang aming mga mata.


"Okay ka lang, Pitch?" Nag-aalalang tanong ni Scarlett dahil nasa tabi ko lang siya.


"Oh. Hi, Pitch." Bati sa akin ni Spike, 'di nga lang naka-smile. 'Di tulad ng kagabi. Hindi ko siya pinansin at pinulot isa-isa ang mga libro na nabitawan ko, tinulungan niya din ako.

Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon