Chapter 18

3.1K 76 2
                                    

18: Saved


"Ano ang ulam?" Tanong ko na naka-ngiti, ngumiti din si Jaxyr sa akin.


"Hindi pa nga ako naka-luto eh." Sagot niya.


"Pwede kitang tulungan?" Tanong ko ulit, he looked at me with suspicion. Kinabahan ako bigla, baka ma-buking ako.


"Do you really love me?" He narrowed his eyes on me.


"Of course. Do you really trust me?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko, kunware ay nasaktan ako sa suspicion niya sa akin.


"Of course, I trust you because I love you. But not now." He gave me a grin, tapos pumunta na siya sa kusina.


Pagkatapos ng eksenang iyon ay natapos na sa pagluluto si Jaxyr, sinubuan niya kami ni Scarlett para maka-kain kami. Pina-inom niya din kami ng tubig. I wonder kung mabaho na ba ang amoy ko dahil ilang araw na akong hindi naliligo, kaming dalawa ni Scarlett ay hindi na naka-ligo.


"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Scarlett, she gave me a weak smile. May pasa din siya sa kaniyang panga dahil sa suntok sa kaniya ni Jaxyr last time.


"Maybe." Parang na-iiyak niyang sabi, naawa din ako sa kaniya. Ang gulo-gulo ng buhok niya, ang laki ng eye bags niya, at may malaki pa siyang pasa sa kaniyang panga.


Nakaka-lungkot at nakaka-iyak.


I can't do anything but to sigh. Ano pa ba ang magagawa ko? Jaxyr doesn't fully trust me.


"Jaxyr, halika dito." Tawag ko sa kaniya, umupo siya sa silyang kaharap ko, naka-ngiti siya ng pagka-lapad.


"What is it?" Tanong niya.


"Alm mo namang mahal kita, diba?" Tumango siya na parang bata, suminghap muna ako ng hangin bago ako magsalita.


"Do you trust me?" Tanong ko. Parang natigilan siya sa tanong ko.


"I do." Sagot niya. Hindi ako satisfied sa sagot niya, kaya inulit kong muli ang aking tanong.


"Do you trust me?" May diin na tanong ko, kunware ay nasasaktan ako dahil parang hindi siya sigurado sa sagot niya sa akin.


"Yes, Pitch. Yes! Of course, I trust you." Sagot niya ng sinsero, ngumiti ako sa kaniya.


"Pakawalan mo ako. Na-iihi na 'ko." Sabi ko, tumango naman siya.


Is he going to free me now?


"You promise you won't escape?"


"Jaxyr, wala na akong babalikan pa. Ikaw lang ang nandito kaya hinding-hindi ako aalis." Paninigurado ko at parang naniwala naman siya, kinuha niya ang susi sa ibabaw ng fridge at sinusian ang padlock ng aking kadena sa aking paa at kamay.


The plan worked...


Nasa tabi ko lang si Jaxyr nang ihatid niya ako CR, nginitian ko siya.


Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon