Chapter 6

4.1K 115 30
                                    


6: The nerd





"So everyone, I will gather you into pairs." Anunsyo ni Sir Reyes. Ha? Pairs? Bakit naman?


"Seatmates, sir?" Tanong ng isa kong kaklase.


"No. Ako ang pipili." Marami naman ang nagreklamo sa sinabi ni sir pero wala naman kaming choice.


"Scarlett is paired to James." Nalungkot naman ang mukha ni Scarlett habang tumitingin sa akin, ngumiti lang ako sa kaniya.


"Okay lang 'yan." I mouthed habang nakangiti parin.


"Pitch is paired to Jaxyr." Napahinga ako ng maluwag, I'm paired with the School's Nerd. Thank God. Hindi pa naman ako nakinig dahil sa palutang-lutang kong isip.


Nagsi-tayuan na kami at naglakad papunta sa kani-kaniyang mga pairs, naglakad ako papunta kay Jaxyr.


"Hi." Bati ko kay Jaxyr, inayos niya muna ang kaniyang nerdglasses bago siya ngumiti sa akin at bumati din sa akin. Pina-upo niya na din ako sa tabing upuan niya, I heard na ay snob daw itong si Jaxyr at may girlfriend na daw kahit Nerd siya pero mukha naman siya mabait.


Ilang segundo ang nakalipas at may binigay sa amin si sir ng papel isa-isa para sa activity namin.


"What will you do with your partner? Easy. You just have to help each other to answer these thirty questions according to our lessons today." Anunsiyo ulit ni Sir, halos lahat ay nakasimangot dahil sa anunsyo ni sir.


"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin 'to pero hindi ako nakinig kanina eh, sorry ah?" Napakamot nalang ako sa aking batok, nakakahiya talaga.


"Ayos lang, ako nalang ang sasagot para sa ating dalawa." Sabi niya, na-konsensiya naman ako. Wala man lang akong matutulong sa kaniya.


"S-Sure ka? Ako nalang kaya ang magsulat ng sagot na isasagot mo sa papel?" Suhestiyon ko, ngumiti naman siya at agad na sumang-ayon sa akin.


Kaya sinulat ko na lahat ng sinabi niyang mga sagot sa mga questions, hindi naman kami tumagal at ipinasa na namin kay sir ang aming papel. Kami ata ang pinakauna na nagpasa kasi mukhang mga problemado ang iba kong kaklase, mabuti nalang talaga na-pair ako kay Jaxyr.


"Thank you." Pagsasalamat ko sa kaniya, tipid lamang siyang ngumiti sa akin.


Umangal naman ang aking mga kaklase nang biglang tumunog ang bell, ibig sabihin ay recess na. Nakasimangot naman na lumapit sa akin si Scarlett. Tinawanan ko nalang siya habang umiiling. Sabay kaming lumabas ni Scarlett at nagulat ako nang makita ko si Spike na nakasandal sa may pintuan.


"There you are, recess tayo." Anyaya niya. Nagdalawang-isip naman ako sa isasagot ko dahil sa naalala ko na naman ang tungkol kahapon.


"Why is that nerd glaring at me?" Parang nainis si Spike base sa tono niya habang nakatingin sa likod ko.


Teka, nerd?


Agad akong lumingon at nahuli si Jaxyr na masama ang tingin kay Spike, nakakakilabot ang mga mata niya. Nang mapansin ako ni Jaxyr na nakatingin din sa kaniya ay agad itong umiwas ng tingin at naglakad palayo habang may hawak na libro.


"Baka inaway mo." Sabi ko, mahina namang napahalakhak si Spike.


"Huh, weird. I don't even know his name." Umiling siya at namulsa.


Napa-iling nalang din ako. Napasinghap ako nang kirutin niya ang magkabilang pisngi ko. Bigla naman akong nakarinig ng mga bulungan sa aming paligid.


Mas lalong napalakas ang singhap ko nang hilain ako ni Spike kaya ay hinila ko na din si Scarlett. Nalaman ko nalang na nasa canteen na pala kami kaya ay bumili na lamang kami ng aming recess.





To be continued.....












(edited: May 16, 2021)

Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon