Chapter 1

6.6K 181 13
                                    

1: Invitation


Nagyoyosi siya habang ang buhok niya ay magulo. Ang cute niya. Ini-zoom ko pa ng konti at click! Tiningnan ko ang nakuha kong picture ni Spike, ang gwapo niya sa angle na 'to. Rinig ko na hindi daw mahilig sa model si Spike pero mukha din naman siyang maipagmamalaki, sayang naman. I was about to take a picture but when I zoomed in ay nagulat ako dahil nakatingin na sa akin si Spike through the camera's lense, bumilis bigla ang pintig ng puso ko. Binaba ko ang camera at nilagay ito pabalik sa bag ko, sinukbit ko ang aking bag at tumakbo paalis. Nakakahiya talaga!


"Oh, ba't mukha kang tumae ng ginto?" Tanong ni Scarlett na katabi ko na pala maglakad papunta sa classroom.


"Bakit mo naman natanong?" Pabalik na tanong ko, tumawa lang siya ng mahina.


"Wala lang, namumula ka kasi." Kumento niya. Ganun ba?


"Wala 'to, mainit lang siguro." Pagsisinungaling ko, ang totoo kasi ay 'yung dahil sa nangyare kanina.


Pumasok nalang kami sa loob ng classroom at pumasok na din ang teacher. Nag-lesson na din si Sir habang nakikinig lang kaming lahat sa kaniya.


Hours passed, it's already lunch time. Kaya pumunta na din kami ni Scarlett sa cafeteria at nag-order kami ng aming lunch.


"Duon tayo." Suhestiyon ni Scarlett at nginusuan niya ang bakanteng table habang bitbit ang tray niya, bitbit ko din ang akin. Umupo kami sa bakanteng table at tahimik na kumakain ng lunch namin.


Napatigil ako sa pag kain nang may maramdaman akong kakaiba, parang may nakatingin sa akin. Inangat ko ang aking paningin at tumingin sa paligid, busy namang kumakain ang mga estudyante sa paligid ko. Pero hindi talaga matanggal ang kakaiba kong nararamdaman.


"Ba't napatigil ka sa pag kain?" Tanong ni Scarlett na ngayon ay nakatingin sa akin, sumubo nalang ako ng kanin sa bunganga ko.


"It's nothing." Bulong ko.


Pagkatapos ng lunch ay pina-una ko na muna si Scarlett dahil may kukunin pa ako sa locker ko, pinuntahan ko naman ang locker ko at binuksan na ang padlock nito at saka itong binuksan. Ngunit ganun nalang ang panlalamig ng katawan ko nang may mapansin akong papel na nakatapong sa taas ng isa kong libro.


A-Another letter.


Nanginginig na kinuha ko ang papel na nakalagay sa taas ng mga libro ko, binasa ko ito.





'Dear Pitch,

Hinahanap mo talaga ako kanina sa cafeteria? You'll only see me soon. Not now but soon. So for now, let's play hide and seek, shall we?

Truly yours,
X'





It's been a week since last time niya akong bigyan ng letter sa locker ko, pinunit ko ito at tinaboy sa malapit na basurahan.


Schoolmate ko siya and this is not good, baka nga ay classmate ko pa siya. This is really not good.


Sino ka ba talaga, X?




*****



"Class dismissed."

Umalis na si ma'am mula sa classroom at nagsi-labasan na din ang mga kaklase ko. Sinukbit ko ang bag ko sa aking braso at sabay kaming lumabas ni Scarlett mula sa classroom.

Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon