Chapter 11

3.3K 91 0
                                    

11: Danger

Mga pares ng mata ang nakatingin sa amin nang makapasok kami sa loob ng school, mga bulong-bulongan naman ang narinig ko sa paligid.

Kasama ko pala ang Dragon Emperors, siyempre issue na naman. Huminga nalang ako ng malalim.

"Sabay tayong mag-lunch, ah?" Nabigla ako nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Spike sa tenga ko, agad akong tumingin sa kaniya na para siyang isang Cyclops.

"A-Ah... S-Sige." I stuttered, I freaking hate stuttering!

Lumingon naman ako sa mga Prinsipe. Si Axyl as usual ay inaasar si Draco habang si Draco ay ngumunguso sa inis, si Apollo naman ay sinusuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay habang ang kabilang kamay niya ay kumakaway sa mga kababaihan sa paligid, tapos si Ares... Parang wala siya sa mood.

Tumingin nalang ulit ako sa harap habang iniisip si Scarlett, hindi okay si Scarlett at alam ko 'yun. Nawala ang nag-iisang bagay na binigay ng mahal niyang ina habang buhay pa ito.

"Hey, what's with the long face?" Tanong naman ni Spike, tiningnan ko siya pero seryoso lang ang kaniyang mukha na nakatingin sa harap.

"It's nothing. Nag-aalala lang kasi ako kay Scarlett. Alam mo na, para ko na siyang kapatid. Seeing her weak earlier is uneasy for me. Ewan ko ba kung paano nawala ni Ares ang bracelet ni Tita Dace, ang kulit kasi ni Ares eh." Napabuntong hininga nalang ulit ako.

"Kakausapin ko nalang si Ares mamaya." Leader pala siya ng Dragon Emperors. He's acting like a leader, I guess.

"Papasok na ako sa classroom." Tumango naman siya sa pagpapaalam ko, parang na-frozen naman ako nang akbayan niya ako at sabay kaming lumingon sa likod.

Ngumisi si Spike, "Ihahatid ko lang siya sa classroom, guys."

"Oyyyy~ kayo ha! Awiiiit~" Uminit naman ang mukha ko dahil sa asar ni Draco.

"Make babies, mga ka-birdies!" Mas lalong uminit ang nararamdaman ko sa aking mukha nang asarin kami ni Apollo ng nakakaloko, napa-iling nalang si Spike dahil sa kamanyakan ni Apollo.

Wala namang imik si Ares. Kanina pa 'tong litaw at out of place dahil parang malalim ang kaniyang iniisip simula 'nung scene nila kanina ni Scarlett sa parking lot.

Bulongan. Tinginan. Lahat 'yun naramdaman at narinig ko. I can feel all of it. Their insecurities. My throat went dry because of discomfort because of their insecurities and because of Spike's arm on my shoulders.

"Salamat." Mahinang pagkasabi ko kay Spike, yumuko siya para tingnan ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumiti siya.

"You're always welcome, Plum. See ya!" Masiglang pagpapaalam niya, nakangiti siyang kumaway sa akin. Pilit naman akong ngumiti at kumaway din.

Nang makapasok ako sa loob ng classroom ay hindi ako nakatakas sa tingin ng mga kaklase ko, ang iba ay nagbubulungan sa kanilang katabi habang pasulyap-sulyap sa akin.

"Scarlett." Tawag ko kay Scarlett nang umupo ako sa tabi niya, agad naman siyang tumingin sa akin at pilit na ngumiti.

"Hey." Mahina ang boses na bati niya, alala na expression ang ipina-mukha ko sa kaniya.

"Quit that, Scarlett. Alam kong hindi ka okay kasi nawala ni Ares---" She faced me her palms, gesturing me to cut what I'm about to say.

"Huwag na nating pag-usapan iyon." Pilit parin na ngumiti siya sa akin.

"Walang kasalanan si Ares." Nagulat ako sa kaniyang sinabi, namilog ang aking mga mata. Kani-kanina lang ay parang manununtok na siya sa galit, ngayon ay sinasabi niya na walang kasalanan si Ares!?

Okay lang ba talaga siya? Baka na-untog lang ang ulo nito?

"I'm guilty, Pitch. Pina-mukha kong masama si Ares for suspecting him na siya ang nagpawala sa bracelet ko, and then nakita ko ang bracelet sa loob ng bag ko. Ang tanga ko talaga..... Bakit..... Marami akong..... M-masamang..... Sinabi..... Sa..... Kaniya." Hinagod ko ang likod niya nang humagulgul siya sa iyak, halos hindi niya na masabi ang ibang words dahil sa hagulgul niya. Nagtataka naman ang mga kaklase naming nakatingin sa amin.

Suplada si Scarlett, alam ko 'yun. Pero kapag feeling sad, guilty, and mad siya ay sasabog siya sa emosyon niya. Iniiyak niya ang kinikimkim niyang nararamdaman.

"Tahan na, Lett. Kakausapin mo nalang siya mamaya."

"No, ngayon ko na dapat siya kakausapin. I need to say sorry, it's now or never." Matapang niyang sabi, marahan niyang pinunasan ang kumawalang luha mula sa kaniyang mga mata. Tumayo siya, tumayo na din ako.

"That's the spirit." Ngumiti ako sa kaniya, nauna siyang naglakad habang nakasunod lamang ako. Nang nasa pinto na kami palabas ay may nabangga si Scarlett.

"Tangina! Bulag ka ba!? Mag tingin-tingin ka nga!" Galit na sigaw nito, natahimik naman ang lahat ng nakarinig sa galit na boses na nagmula sa nabangga ni Scarlett. That moment, parang hindi ko siya kilala dahil sa biglang pagbuga ng galit niya. Parang hindi siya ang Campus Nerd na inosente ang dating.

"Sorry, Jaxyr." Agad naman na pagpapatawad ni Scarlett, lumabas naman kaagad si Scarlett habang sumunod lang ako sa kaniya.

Bago ko malagpasan si Jaxyr ay tinapunan ko muna siya ng tingin, bigla akong nakaramdam ng..... Takot? Ewan, nakakatakot kasi siya kung tumingin eh.

Tamang-tama naman ay nakita namin si Ares, papasok na sana siya sa classroom niya nang tawagin siya ni Scarlett.

"Ares!" Agad namang tumingin sa direksiyon namin si Ares, nakapamulsa ito at magulo ang buhok.

Ang sungit niya atang tingnan.

Namilog naman ang mata namin ni Ares nang tumakbo sa kaniya si Scarlett at niyakap ito, may binulong pa sa kaniya si Scarlett.

Ang gulat kong expression ay napalitan ng saya, ngumiti kasi ng bahagya si Ares nang may binulong si Scarlett sa kaniya.

Sa tingin ko ay matatagalan sila sa pag-uusap kaya pumunta nalang ako sa C.R., nag-ihi ako sa pinaka-last na cubicle. Nang makalabas ako sa cubicle ay nangunot agad ang aking noo nang mapansin na naka-lock mula sa labas ang pinto ng C.R.

"May tao ba sa labas!?" Kumatok ako sa pinto para may makarinig naman mula sa labas.

Rinig na rinig ko ang hingal kong hinga, shemay! Na-lock ako dito!

May narinig akong hagikgik mula sa mga cubicles, agad akong humarap sa mga cubicle ng kinakabahan.

Hala! Baka may multo dito!

Huhuhu!

"May tao ba dito?" Tanong ko, nagulat ako nang bumukas ang tatlong magkasunod na cubicle. May lumabas na tatlong babae dito, ang nakatuon ng pansin ko ay ang babaeng naka-skirt ng napaka-ikli.

"Samantha?" Yes, the Queen Bee. Si Samantha.

Ngumisi siya ng nakakakilabot, "The one and only, bitch."

Umatras ako nang maglakad sila palapit sa akin, naramdaman ko ang pinto sa likod ko kaya wala na akong maatrasan.

Napalunok ako sa kaba.

I smell Danger.

Uh-oh.

To be continued.....

— — —

Spike, tulungan mo si Pitch!!!

Vomments (Votes and Comments)

Thank you for reading! ♡

Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon