Chapter 2

5.3K 159 23
                                    

2: The intruder


"Let's enjoy, Pitch!" ngumiti si Scarlett sa akin. Sinubukan ko siyang ngitian pabalik.


"Whoo!" sigaw nang sigaw si Scarlett habang sumasayaw at tumatalon kasama ang ibang mga schoolmates namin. Hindi ko naman ininom ang alak na binigay ni Scarlett sa'kin. Umalis ako mula sa Dance floor. Maraming tao dito kaya nakisiksikan ako mula sa mga tao para umalis, nang magragumoay akong makaalis ako ay lumuwag ang pakiramdam ko.


"Let's dance?" may lumapit sa akin na lalake, naka-tuxedo siya at may fake blood na tumutulo mula sa gilid ng kaniyang labi. I guess he's a vampire. Umiling ako, refusing his invitation. Agad akong umalis sa harap niya, napatigil lang ako sa paglalakad nang mapansin ko ang lalakeng nakatayo malapit sa madilim na corner, may suot siyang mask na tabon ang buong mukha nito at parang demonyo ang design ng mask niya. Nakatayo lamang siya ng tuwid habang nakatingin sa direksyon ko. Lumingon ako para tingnan kung may tinitingnan ba siya sa may likuran ko, nang tumingin ulit ako sa may lalake ay wala na siya sa kaniyang pwesto.


Umakyat ako sa may second floor gamit ang naka-spiral at mahaba na hagdan. Napansin ko ding wala masyadong tao dito ay napagdesisyonan ko nalang ang tumambay dito.


Ngunit napatindig ang lahat ng balahibo sa aking katawan nang makita kong muli ang creepy na lalakeng naka-demonic mask kanina. Nakaharang siya sa harap ko, ang taas niya at parang hanggang balikat lang niya ako. Nagkatitigan lang kami hanggang sa tumalikod ako sa kaniya, kinakabahan ako eh.


Napasigaw ako nang may marihin na humawak sa braso ko, tumingala ako at napagtantong ang creepy na lalake ang nakahawak sa akin.


"B-Bitiwan mo ako." na-uutal na sabi ko, nanlalamig na din ang buo kong katawan. Mas humigpit ang kapit niya sa aking braso.


"A-Ano ba?" malamig na pawis ang kumawala sa aking noo, 'di ko namalayan na hinihingal na din ako dahil sa kaba.


Unti-unti niyang kinuha ang mask na nakabalot sa mukha niya, at nakita ko ang mukha niyang nakakaloko.


"S-Spike?" humalakhak siya, ako nama'y hindi makapaniwala sa nakita. Si Spike, ang Campus King, hinahawakan ang braso ko at tumatawa sa harap ko?


"You should've seen your face. It's hilarious!" natatawa na sabi niya, samantalang gulat at takot parin ang nakasulat sa aking mukha. Nagsimula na ding humina ang tawa niya hanggang sa tumigil na din siya, pinakawalan niya na din ang braso ko na kanina pa niya hinahawakan at naging seryoso na uli siya.


"Sorry." nagulat ako nang bigla siyang nag-sorry sa akin, so good boy pala ang isang 'to habang ang barkada niya ay mga unggoy na pasaway. He may seem like a cold guy, but I don't think he's that bad.


"Hindi ka ba magsasalita diyan?" tanong niya.


"Uh.. Ako nga pala si Pitch Velasquez." pagpapakilala ko, naramdaman ko naman ang pag-iinit ng aking mukha.


"And I am Spike Parker." he offered his hand and I accepted it, nag shake hands din kami. Yes, you heard it right! Parker ang last name niya, half British siya. Kaya nga White Blonde ang kulay ng buhok niya at kulay Blue ang kulay ng kaniyang mga mata. But don't get me wrong, halos lahat ng mga estudyante sa university ay alam ang magandang lahi ni Spike.


Umupo kami sa malapit na upuan dito sa second floor habang magkatabi sa isa't-isa. Ang awkward nga eh, pero mukhang ako lang ang nakakaramdam nun.


"May I see my picture?" napakunot naman ng aking noo sa tanong niya. Picture nino? Niya?


"Huh?" parang tangang tanong ko.


Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon