Chapter 4

4.5K 136 3
                                    

(Short chapter ahead)





4: Goodnight Kiss



"So, you're saying that you have a... stalker?" Biglang tanong niya, tumango na lamang ako. Magkatabi kaming naglalakad ngayon papuntang apartment building ko, hindi naman ako tumanggi sa gusto niya akong ihatid dahil natatakot ako at kumakagat na din ang dilim.


"Ba't ka pala dito sa subdivision namin?" Tanong ko, kanina kasi nung nabangga ko siya ay parang kakaalis niya lang mula sa subdivision na tinitirahan ko.


"My uncle came home from England. And coincidentally, he's in the same Apartment Building with you." Sagot niya naman. Nakaka-nose bleed naman nitong si Spike.


"Ah..." Mahinang sabi ko nalang habang nakayuko pa rin. Nilaro ko nalang ang mga kamay ko habang patuloy parin kami sa paglalakad sa tabi ng kalsada, tanging yabag lang ng mga paa namin ang maririnig sa nakakabinging katahimikan.


"Pitch."


"Spike."


Agad namang namula ang aking mga mata nang sabay naming bigkasin ang pangalan ng isa't-isa.


"Ikaw na ang mauna." Mahinang sabi ko.


Nahihiyang napakamot siya sa kaniyang batok. "What did the stalker do to you, by the way?"


"Actually, hindi ko alam kung stalker nga ba ang tamang salita para sa taong iyon. Baliw siya. Alam ko 'yun." Nanginginig ang boses na sabi ko, "Last week, pumunta ako sa locker ko, may napansin akong sticky note na nakadikit sa taas ng aking libro. Binasa ko 'yun and it's about me, it's about me but something private. Spike, I swear, kahit si Scarlett ay hindi alam ang tungkol dun sa mga nalalaman ng taong 'yun."


Spike looked down at me and nodded his head. "Keep going."


"Tapos kagabi... Kagabi pumasok siya sa loob ng apartment ko habang nasa party pa ako. And when I came home he left a box but when I opened it, it was a dead puppy. May nakalagay pa na note kung nagustuhan ko daw ang sorpresa niya. Buong gabi... buong gabing hindi ako nakatulog dahil dun. Pinatay niya ang walang kalaban-laban na tuta." I sighed, sobrang bigat ng nararamdaman ko habang nagsasalita ako sa tabi niya.


Awtomatiko naman akong napahinto nang huminto siya sa paglalakad, medyo nagulat pa ako nang tingnan niya ako ng seryoso at halos magkasalubong ang kaniyang makakapal na kilay.


"That's psychotic behavior, Pitch. Why didn't you report this to the police?" Galit na sabi niya.


"Galit ka ba?" Tanong ko. Unti-unti namang nawala ang galit sa kaniyang mukha nang makita niya ang gulat at takot sa aking mga mata. Napabuntong-hininga siya.


"No. No I'm not mad at you. Nagagalit ako sa taong gumagawa sa'yo nito. " Aniya sa kalmadong pananalita. Gulat man ay tumango na lamang ako. Ilang minuto ang nakalipas at nasa loob na kami ng apartment building ko.


Ting!


Sabay kaming lumabas mula sa elevator habang tahimik lamang kaming dalawa. Pinindot ko na ang pass code ng aking Apartment room nang nasa tapat na kami nito. Tiningnan lamang ako ni Spike habang pumasok ako sa loob.


"Wait!" Pahabol pa ni Spike kaya ay awtomatiko akong napalingon sa kaniya.


"B-Bakit, Spike?" Na-uutal na tanong ko.


Napasinghap ako nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko, at hinalikan niya ako sa pisngi. Even though it was just a peck, I can still feel the warmth of his lips on my cheek.


"Good night." Tapos ngumiti siya at tumalikod na mula sa akin, nakatulala lamang ako habang naglalakad na palayo si Spike. Hinawakan ko naman ang dibdib ko at naramdaman ang nagwawala kong puso.


To be continued.....












(edited: May 16, 2021)

Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon