Epilogue

4.8K 125 23
                                    

Epilogue


Umuulan sa labas, kaya naman ay humigop ako sa aking kape. Nasa coffee shop ako ngayon.


Mag-isa.


Ilang buwan akong mag-isa. Gusto kong mag-isa nalang, kesa naman makita ko ang taong mahal ko na nakahiga pero hindi gumigising.


Wala sa sariling napa-iling ako at yumuko, may ilang butil ng luha ang kumawala sa aking mga mata.


Ang sakit-sakit.


Tumingin nalang ako sa salamin na nasa tabi ko, nababasa ito mula sa labas dahil sa malakas na ulan. May bagyo ata ngayon.


Naaalala ko pa nuon ang sinabi ng Doctor sa amin.



Flashback


P

uno na ng dugo ang aking damit dahil sa dugo na kumakawala mula sa likod ni Spike, nakaabot na din ang ambulance. Nahuli din ng mga police si Jaxyr.


Nakita kong hiniga si Spike sa isang stretcher at pinasok sa loob ng ambulance, iyak ako ng iyak sa bisig ni kuya.


Hindi ko rin nga inaasahan na nandito si kuya, umuwi pala siya mula sa America para bisitahin ako. Na-miss ko din siya.


NASA Hospital na kami ngayon, natapos na din ang pag-opera kay Spike.


"Mabuti nalang at hindi siya tinamaan sa kaniyang spinal cord." Pag-uumpisa ni Doc.


"Pero dahil nawalan siya ng maraming dugo ay matatagalan siyang gumising."


Buong gabi. Buong gabi akong umiyak mag-damag.


Mahal ko si Spike. Mahal na mahal.


Spike, gumising ka naman...


End of flashback


Binayaran ko ang driver, natapos na din ang ulan kaya napag-isipan kong pumunta dito.


Lumabas na ako mula sa taxi, pumasok naman ako sa loob dahil sinabi ko sa guard na bibisita ako.


Marami ditong mga kulungan, every corner. Nakakatakot din dito dahil ang ingay-ingay nila.


Tapos nakita ko din ang kaniyang cell. Lumapit ako duon, transparent ang kanilang pintuan kaya kitang-kita ko ang ginagawa niya.


Umiiyak siya sa isang corner ng kaniyang cell, gulong-gulo din ang kaniyang buhok.


"Jaxyr." Pagtatawag ko sa kaniyang pangalan, agad naman siyang tumigil sa pag-iiyak at tumayo at pumunta sa may pinto.


"Sino ka?" Hindi na siya umiiyak, para na siyang bata.


"Ako 'to si Pitch." Sagot ko at saka ngumiti ng mapakla sa kaniya.


"Hello, ako nga pala si Jaxyr." Parang bata ang tinig nito. Bigla naman siyang tumawa.


He has gone completely insane kaya dito siya kinulong sa isang mental hospital. First time ko nga siyang dadalawin.


Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon