Chapter 8

4K 113 6
                                    


8: Dragon emperors





[Saan mo nakita ang mga cameras?] Galit na tanong niya mula sa kabilang linya, hindi ko maiwasang mapakagat ang aking mga labi.


"Sa handle ng fridge." Sagot ko, rinig kong may nagbubulyawan sa kabilang linya kaya naman napakunot ang noo naming dalawa ni Scarlett. Naka-loudspeak kasi ang tawag.


[Hoy! Ibigay mo sa akin ang brief ko! Axyl!!!] Nangunot lalo ang noo namin, boses kasi iyon ni Draco at parang naghahabulan sila ni Axyl. Dinig din namin ang bungisngis ni Axyl at mga yabag ng paa nila.

[What the actual fuck is going on!? Urgh! It's late in the night and you're all so goddamn loud! Can't you see na natutulog ako!? Bwiset na mga gago!] Malulutong na mura ang narinig ko, ang boses na iyon ay nagmumula kay Ares.

[Huwag maingay, mga ka-birdie~ Tumatawag sa akin ang babe ko!] Boses naman iyon ni Apollo. At anong sabi niya? Ka-birdie?

[Tangina mo, Apollo, ah! Magse-sex video lang kayong dalawa ng BABE mo eh! Saksakin ko kaya ang ibon mo! Tanginang buhay 'to!] Iritang bulyaw naman ni Ares.

Ibon? Sex video!? What!?

[Luh! Inaano ka ba ng junjun ko?] Boses ni Apollo.

Sino si Junjun?

"Abnormal ba silang mag-barkada?" Tanong ni Scarlett, napa-shrug lang ako. Ewan ko din nga kung normal pa ba ang mga kaibigan ni Spike, mukhang masakit sa ulo eh.

[HOY! MANAHIMIK NGA KAYO! AXYL, GIVE THAT BRIEF BACK TO DRACO! DRACO, STOP POUTING LIKE AN IDIOT, YOU LOOK LIKE A DUCK NA MUKHANG KAKA-TAE LANG! APOLLO, TIGIL-TIGILAN MO DIN ANG PAGCHAT SA MGA BABAE MO BAKA MASIRA IYANG CELLPHONE MO DAHIL SA AKIN! AND YOU ARES, STOP CURSING JUST FOR ONCE!] Natahimik ang nasa kabilang linya dahil sa pagsigaw ni Spike mula sa kabilang linya din, na-ilayo ko pa nga ang phone sa aming dalawa ni Scarlett dahil sa lakas ng sigaw niya.

[Okay lang ba kung sabihin ko sa kanila ang nangyayari sayo?] Paghihingi ng paalam sa akin ni Spike, kumalma na ang boses niya at ang raspy pa.

"Okay lang." Mahinang sagot ko, tumikhim si Spike sa kabilang linya.

[Guys, Pitch is being stalk. It's been weeks since that Psychopath is stalking her. May nakita sila ni Scarlett sa handle ng fridge ni Pitch na hidden camera sa apartment ni Pitch. Ayaw kong mapahamak siya.]

T-Teka, ba't ganito ang nararamdaman ko? Ba't biglang bumilis ang tibok ng puso ko?

[Pitch, they agreed to help.]

"Pakisabing Thank You." Sabi ko naman, mahinang tumawa si Spike.

[The call is on loudspeak, Pitch.] Ah.

[Anyways, pupunta kami jan sa Apartment mo bukas ng umaga.] Napatango ako sa sinabi niya, halos tampalin ko ang aking noo dahil sa inasta. Na-realize ko na hindi niya pala ako makikita.

"Opo."

[Excellent. Good night, my Pitch.] At pinutol na niya ang tawag, habang ako naman ay napaawang ang labi sa narinig.

My Pitch? Holly Cheesecake!

"Hoy, ano 'yun, ha?" Pang-aasar naman ni Scarlett habang sinisiko ako sa tagiliran.

"Hindi ka ba uuwi? Gabi na." Tanong ko kay Scarlett na iniba ang topic, tinaas niya naman ang isa niyang kilay sa akin habang naka-pameywang.

"Isn't it obvious? I'm staying. Ayokong mag-isa ka lang dito. And besides, naghingi na ako ng permission sa parents ko na dito ako magse-stay since linggo naman bukas." Sagot niya na parang sigurado na talaga, tumango nalang ako at ngumiti.





Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon