Chapter 5

4.3K 129 14
                                    


5: The threat of the obsessed




No one is fucking allowed to kiss you, Pitch, no one. Not even that Spike Parker of yours. Trust me, I'll get rid of that bastard so that no one is going in my way of owning you. You're mine, keep that in your pretty little mind.

—X





Nagimbal ako sa takot nang mabasa ko ang ika-tatlong letter mula sa kaniya. Mula sa taong halos lahat ng kinikilos ko ay alam niya.


Wala sa sariling napalakas ang pagsara ko sa aking locker kaya gumawa ito ng malaking tunog sa buong hallway, sinamaan naman ako ng tingin ng ibang mga estudyante dito.


"Ano iyang hawak mo?" Nagulat ako nang agawin ni Scarlett ang letter na hawak ko, hindi ko pa kasi 'to natapon sa may basurahan. Kinabahan ako dahil malalaman ni Scarlett ang tungkol sa tao na tinatakot ako. Napasinghal naman sa gulat si Scarlett at inangat ang kaniyang paningin sa akin.


"P-Pitch, ano 'to? B-Bakit ganito? Sino nagbigay sa'yo nito?" Bakas ang takot sa boses ni Scarlett nang basahin niya ang nakasulat sa sticky note.


I explained everything to her, detail by detail. Everything that has happened to me. The sticky note letters, the dead puppy, the guy in the black hoodie chasing me. Lahat iyon sinabi ko sa kaniya.


"Sino pa ang nakakaalam nito?" Tanong niya pagkatapos kong i-explain ang lahat lahat sa kaniya.


"Si Spike." Sagot ko. Agad namang namilog ang kaniyang mga mata.


"Spike? As in 'yung si Spike Parker?!" Hindi makapaniwalang aniya, tumango na lamang ako bilang sagot.





*****



Class dismissal na kaya ay maraming estudyante ang tumutungo sa gate para umuwi na at ganun din ang ginawa ko. Nauna na ding umuwi si Scarlett dahil may emergency daw sa bahay nila. Hindi pa nga siya dapat aalis dahil gusto niya akong ihatid sa apartment building ko pero agad ko din naman siyang tinanggihan dahil kaya ko naman ang sarili ko.


Sa dinami-dami ng estudyante na nakakalat, nakita ko ang maputing buhok ni Spike.


Sasabihin ko ba sa kaniya?


Kahit ay nagdalawang-isip pa sa aking desisyon ay wala sa sarili akong humakbang papunta sa direksyon niya. Ngunit napahinto ako nang marinig ko ang aking ringtone at agad na sinagot ang tawag.


"Hello?" Tanong ko ngunit katahimikan lang ang narinig ko, akma ko na sanang papatayin ang tawag nang marinig ko ang pamilyar na tinig ng isang robot.


[I dare to take one more step towards him. One more step, Pitch. One more step at makikita mo siyang nakahandusay sa sahig habang tinatakasan ng buhay.] It's him. It's that person, again.

"Ikaw," Pagdidiin ko dahil sa galit, "Ano ba ang kailangan mo, ha?!"


Narinig ko naman ang nakakakilabot niyang tawa, [You. I want you and you only, Pitch Velasquez.]


"Ayoko. Hindi ako papayag, tandaan mo 'yan." I said through gritted teeth. Hindi ako papayag sa gusto niya.


[Mhh.] Tumawa siyang muli, [I guess I'll do it the bloody way, then.]


At naputol na ang tawag. Napako lamang ako sa aking kinakatayuan nandahil sa nangyare. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Sobrang bigat ng paghinga ko.


Tumingin ako sa paligid, halos wala nang mga estudyante sa paligid. Ngunit napansin ko ang madilim na corridor sa building na malapit sa kinatatayuan ko, mas lalong bumigat ang aking paghinga nang maramdaman ko na may nakasilip sa akin mula sa madilim na corridor na 'yun.


Pinasantabi ko ang aking takot at humakbang papunta sa madilim na corridor na 'yun. Ngunit napasinghap ako nang may maramdaman akong malaking kamay na nakahawak sa aking braso, awtomatiko naman akong lumingon.


Pagkaangat ko ng aking tingin ay parang nabunutan ako ng tinik nang mapagtantong si Spike pala 'yun. Ngunit agad ko ding inalis ka kaniyang hawak mula sa aking braso nang maalala ko ang sinabi ng taong 'yun kanina.


"Pitch, is everything okay?" Tanong niya, puno ng pag-aalala ang kaniyang boses ngunit umatras ako mula sa kaniya at umiling.


Agad naman akong tumakbo paalis mula sa lugar na 'yun at umuwi na sa apartment building ko bago pa man kumagat ang gabi.




To be continued.....












(edited: May 16, 2021)

Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon