Chapter 16

3.1K 81 1
                                    

Warning: Medyo SPG!!! Beware!


16: Stuck


Ngayon ko lang pala na-realize na back to back ang upuan namin ni Scarlett, kaya hinawakan ko ang nanginginig niyang kamay. Sa likod kasi ng silya nakatali ang aming mga kamay.


"Kumain kayo." Bigla namang sumulpot si Jaxyr na malapad ang ngiti sa kaniyang labi habang may hawak na isang bowl na may kutsara, mahinang tumingala ako sa kaniya.


"Kain na, mahal." Masaya ang tinig ni Jaxyr at tsaka sinubo sa akin ang kaniyang niluto na caldo, hinihipan niya pa ang kutsara at saka sinubo sa akin. Sumubo naman ako at ngumuya, ang sunod niya naman na sinubo ay si Scarlett.


"Akin ka lang." Desperadong sabi ni Jaxyr sa akin at hinawakan ang aking pisngi, pagkatapos niyang magsubo sa amin ay pina-inom niya naman kami ng tubig. Siyempre ay siya parin ang nagpa-inom sa amin dahil nakatali kami sa silya.


"Jaxyr." Pagtatawag ko, agad naman siyang lumapit sa akin habang nakangiti.


"Pwede mo ba akong bilhan ng napkin, sa tingin ko ay meron ako ngayon." Seryosong sabi ko na ikina-kunot ng kaniyang noo, parang hindi siya na-kumbinsi pero sa huli ay sinuot niya ang kaniyang cap.


"Kapag kayo ay may planong tumakas, ma-lilintikan kayo. Especially you, my love." Tinuro niya pa ako, napalunok ako sa kaba. Lumabas na siya mula sa kwarto, ilang minuto ang lumipas ay may sinabi ako kay Scarlett para makahanap ng escape.


"Scarlett? May blade ka?" Agad na tanong ko, there's no time to waste.


It's now or never.


By hook or by crook.


"Oo, nasa bulsa ko. Hindi ko maabot." Sagot niya, ang kamay ko naman ang umabot sa kaniyang bulsa. Medyo nahirapan pa ako dahil mahigpit ang pagkatali sa aking kamay pero naabot din naman ang blade sa kaniyang bulsa. Ginagamit niya kasi ang blade na ito kasi nag-aahit siya minsan ng kilay. Agad kong pinutol ang tali sa aking kamay, when I cut myself lose, agad ko namang pinutol ang tali sa aking paa. Sunod ko namang pinutol na tali ay ang kay Scarlett hanggang sa makatayo na rin siya.


"Bilis!" Sigaw ko, sabay kaming tumakbo papunta sa pinto. I felt hope when I touched the knob. Makakalabas na kami.


Nang binuksan ko ang pinto ay tamang-tama na nanduon na si Jaxyr, biglang bumilis ang pintig ng aking puso.


Nang makita niya kaming dalawa ni Scarlett ay bigla niyang nabitawan ang paper bag na hawak niya, natigilan kaming dalawa ni Scarlett.


Pumasok siya, his presence is heavy. Para bang may mali. Para bang masama ang kutob ko nang pumasok siya. Umatras kami ni Scarlett at parehong kabado.


Sinarado niya ang pinto sa kaniyang likod at ni-lock pa ito.


He heaved out a hard breath, "Ang lakas ng loob niyo."


Bigla akong na-istatuwa nang tumingin siya sa akin ng masama, umiba na ulit ang expression ng mukha niya.


Nakakatakot.


"Pakawalan mo na kami. Paki-usap." Pagmamakaawa ko, humakbang siya at ganun din ang pag-atras namin.


Nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin pero nasapak niya si Scarlett, nawalan naman si Scarlett ng malay at nakahandusay sa sahig. Agad naman akong sinunggaban ni Jaxyr ng halik, agad ko siyang tinulak ng lahat ng lakas ko. Napaatras siya kaya naputol ang kaniyang halik sa akin.


Tumakbo ako palayo sa kaniya pero naabutan niya ako, nahawakan niya ang aking buhok at hinila iyon. Napasigaw naman ako sa sakit, hinila niya ako sa kaniya at niyakap ako mula sa likod.


Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg na para bang inaamoy niya ang leeg ko.


"Akin ka lang, na-iintindihan mo? Akin ka lang! Akin!" Sigaw niya at mariing hinalikan ang aking leeg habang niyayakap parin ako mula sa likod.


"J-Jaxyr!" Sigaw ko at pilit na inaalis ang kaniyang halik sa aking leeg.


Ramdam ko nalang ang aking mga luha na umaagos mula sa aking mga mata.


Ang sunod na nangyare ay tinaboy niya ako sa isang kama, napahiga ako dahil sa tulak niya. Babangon pa sana ako ngunit mabilis siyang naka-patong sa akin at hinawakan ang magkabila kong kamay at pinatong sa ibabaw ng aking ulo, pilit akong nagpumiglas pero hindi ko siya kaya.


"Please, tama na. Jaxyr, please." Humahagulgol na pagmamakaawa ko sa kaniya, hindi siya sumagot at pilit akong hinalikan sa aking labi.


"I love you." He said in between the kiss, gumalaw ang kaniyang labi sa akin.


Ang sunod kong narinig ay ang pagpunit ng aking damit sa pang-itaas, pinunit niya ang aking damit gamit lang ang kaniyang kamay.


Mas lalong napatodo ang aking pag-iyak.


I silently prayed.


Papa God, tulungan mo kami ng kaibigan ko... Please...







To be continued.....


— — —


Vomments (Votes and Comments)


Thank you for reading! ♡

Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon