Chapter 9

3.7K 106 4
                                    

9: The feelings is mutual

"Boyfriend mo ba si Spike?" Halos maibuga ko naman ang iniinom kong tubig dahil sa pabulong na tanong ni Axyl, mukhang seryoso naman siya.







"Hindi kasi siya nagsusumbong saamin, aba! Never pa siyang nagka-girlfriend, ah! Except lang kay Jane." Bigla namang uminit ang tenga ko sa aking narinig.







Jane? May girlfriend pala dati si Spike? Sineryoso niya ba? Ba't ko ba 'to iniisip? Kaibigan ko lang naman si Spike ah.







"Mag-kaibigan lang kami, Axyl." Sabi ko.







"Mag-kaibigan or magka-ibigan?" He wriggled his eyebrows, hindi ko nalang pinansin ang tanong niya na para bang wala akong narinig.







Sino kaya si Jane?







"Shit..." Bulong ni Ares, kumunot naman ang noo ko nang pumasok siya sa loob ng C.R ng kwarto ko, hala! Anong gagawin niya jan!?







"SPIKE!" Biglang sigaw ni Ares, pumasok naman kaming lahat sa C.R, may tinitingnan naman si Ares sa may pinto mula sa loob ng C.R.







"Another camera." Tinuro ni Ares ang isang itim na bagay na nakadikit sa bandang mataas ng pinto, ramdam ko ang init sa aking mata.







"That son of a bitch is a maniac!" Nagulat naman ako nang magmura ng pagka-lutong si Spike, tinaas naman ni Ares ang middle finger niya sa camera.







My stalker has seen me naked a few times!







"Baka makita ka ng baliw na stalker ni Pitch na iyan. What if he'll cut you into pieces dahil sa pag-pakyu mo sa kaniya?" Parang batang tanong ni Draco.







"Draco, baka nakakalimutan mong si Ares ang Prince of Bad Bloods. Baka gawin niya pang choriso ang baliw na stalker na 'to!" Hala! Choriso agad?







"Hey, ayos ka lang?" Tanong naman ni Apollo, tumingala ako sa kaniya at tumango.







Parang kailan lang nang tawagin pa nila ako na Weirdo at Camera Girl, ngayon tinutulungan na nila ako laban sa aking Stalker.







"Don't worry, hahanapin namin ang Baliw mong Stalker." Paninigurado naman ni Spike, bumuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko.







Hindi ako iiyak.







Ngumiti nalang ako para ipakita sa kanila na okay lang ako, wala namang kapawis-pawis na nakuha ni Draco ang naka-install na camera.







Huminga ako ng maluwag, may nakita pa silang ibang camera sa iba't-ibang parte ng apartment ko.







"I have found six cameras. One on the handle of the fridge, one inside the door of the toilet, one on the T.V., one on the headboard of the bed, and two cameras back to back on the main door. Lahat ng locations ay located para makita niya lahat ng ginagawa mo, Pitch. He's not just a normal stalker, he's obsessed already." Napalunok ako sa mga pagsasabi ni Draco, kanina pa nga ako pinagpapawisan dahil sa kaba.







"Alam ko." Nangunot naman bigla ang kanilang mga noo dahil sa sinabi ko, tumikhim ako at umupo ng maayos sa couch.







"Alam kong obsessed na siya sa akin, he called me. That time ay nasa likod niyo lang ako." I said, napa-iling nalang ako dahil bakit ako nasa sitwasyon ngayon? Bakit sa dami ng maganda na babae ay ako pa talaga ang naging obsession ng isang stalker?







"Ah! Naaalala ko! That time ay tinaboy mo ang phone mo!" Nag-snap pa ng finger si Apollo na parang may na-remember siya.







"Oh, right! Umiiyak siya non-stop." Saad naman ni Axyl.







"That time is the day that, that motherfucking asshole called you?" Napakurap ako dahil sa kalutongan na pag-mura ni Ares. He's a real cursing machine, indeed.







"Shut up, Ares. Huwag mo siyang murahin." Kalmado ngunit may diin na pagkasabi ni Spike, napa-rolyo naman ng mata si Ares.







"Pitch is not the one I'm cursing at, it's the fucking bullshit of a stalker!" Depensa ni Ares, nanunuod lamang kami dito dahil sa kanila.







"But still, ayaw kong ma-impluwensiya siya sa talas ng dila mo na lumalabas sa iyong bibig." Maanghang sa sambit ni Spike, bumagsak naman ang balikat ni Ares as if he's surrendering.







"Okay, fine. My bad." Mahinang sabi ni Ares.







"Hindi ba siya marunong mag-sorry?" Napa-irap na bulong ni Scarlett habang naka-cross arms siya.







"Pasensiya na sa kanila, Pitch." Tumabi naman sa akin si Spike, habang ang mga kaibigan niya ay gumagawa ng kanilang sariling gawain. Si Axyl na inaasar si Draco, si Ares na pinipikit ang kaniyang mata na para bang naaantok, at si Apollo na parang may katawag sa kaniyang cellphone. Si Scarlett naman na naglalaro ng Slendrina.







"Ano ka ba, siyempre ayos lang 'yun. Nagpapasalamat nga ako at andito kayo para tulungan ako." Ngumiti ako sa kaniya at ganun din siya. Bakit mas lalo siyang gumwapo dahil sa ngiti niyang iyan?







Oh, no. Don't tell me...







"Crush kita..." Awtomatikong lumaki ang aking mga mata at tinapikan ko ang aking bibig gamit ang aking palad dahil sa gulat.







Did I really say that!? Oh, My Gosh!







I'm really gonna punch myself later! Papatayin ko ang sarili ko!!! Papataying na kita, Pitch! Ang daldal mo kasi! Urgh!







"Crush din kita, Pitch. Ever since we were kids."







Ha? Ano raw?







To be continued.....


— — —


KILIG SI AKOOOO! SHEEET! ♡(∩o∩)♡


Vomments (Votes and Comments)


Thank you for reading! ♡

Monstrous Psychopath: The StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon