MPMMP-Chapter 37

550 22 3
                                    

Jane POV

Maaga akong gumising at nagluto ng pagkain para kay Jeron.Wala sina Mommy and Daddy dito sa bahay may business trip sa hong kong.

Pagkatapos kung magluto,pumunta kaagad ako sa taas at naligo.Simple lang yung suot ko ngayon..

Habang nakasakay sa kotse hindi ko mapigilang kabahan.Baka ipagtabuyan ako ni Jeron.

"Nandito na po tayo Ms.Jane"

sabi sakin ni manong

"Salamat po manong."

then bumaba na ako sa sasakyan at tinungo ang kwarto ni Jeron..

Pagbukas ko sa pinto nakita ko si Tita at si Jeric na nag-uusap.Si Jeron naman nagbabasa ng dyaryo.

Parang hindi nila ako napansin na pumasok.

"Good Morning po"

Tsaka sila tumingin sa akin pati si Jeron napatingin.

"Oh Iha,what brought you here?"

"Uhm,nagdala po ako ng pagkain. Para po sa inyo at kay Jeron."

Tumingin ako kay Jeron pero parang wala lang sa kanya.

"Nag-abala ka pa Iha."

sabi ni Tita sa akin


"Its okay lang po Tita"


Linapag ko muna yung pagkain sa mesa tsaka lumapit kay Jeron.


"Jeron,gutom ka na ba? Wala na bang masakit sayo? Gusto mo na kumain? Sabihin mo lang."

"Tsk."

Tipid sumagot ah! Hehe buti mahal ko siya.


Kumuha ako ng kanin at ulam. Na ako mismo ang nagluto.


"Jeron at Jane.. Maiwan ko muna kayo dito may emergency lang sa company.."

Interrupt ni Tita

"K.Ma!"

Napaka-tipid na sagot ni Jeron.

"Sige po Tita,ako na po bahala ni Jeron.."

"Salamat Iha."

at tuluyan ng lumabas si Tita sa room.

"Uyyy Jane baka rape-in mo ko ha.Obsses ka pa naman sa akin"

-Jeron


WTF????

"Grabe ka naman Jeron di naman ako ganyan.. Di ako obsses sadyang mahal na mahal lang talaga kita.."

"Drama mo."

Kailan pa to nagtipid sa pagsasalita?.

"Tss,kumain ka na nga.."

At susubuan ko na sana siya ng..

Jeron POV


Susubuan na sana niya ako..


"Wait! Baka may lason to or gayuma.."

For safety lang naman..


"Di ko naman papatayin ang pinakamamahal kong lalaki."

Sheeet. Parang nababakla na yata ako. Para akong kinikilig?.. No! wala lang to..

"sige na Jeron please tikman mo to. Fav mo to ang adobo."

"Sige na nga titikman ko na.."

Mukha namang masarap eh. Tsaka adobo na yan..

"Yeeeyyyyy! Sigurado ako magugustuhan mo to!"

Parang bata maka-celebrate. Cute niya ah --- wait whaaat?!

Sinubuan niya ako..

"Masarap ba?"

tanong niya

Hindi ako nakapagsalita parang natikman ko na to dati. Ganitong klaseng luto..


Fvck! What the--- "Ahhhhhhhhhhhhh" napasigaw nalang ako sa sakit ng ulo ko.. Si Jane nakikita ko na masaya kaming dalawa.. Yung mga masasayang alaala.. Then everything went black..

Jane POV

Bigla nalang sumigaw si Jeron.. Hinahawakan niya yung ulo niya. Then bigla nalang siyang nahimatay.. Dali-dali akong tumawag ng nurse at doktor di ko alam ang gagawin ko..

Tinawagan ko na din si Tita at si Jeric.


Please God. Sana po okay lang si Jeron.. Hindi ko talaga alam kung ano gagawin ko pag nawala siya.


At tumulo na naman mga luha ko.

Then bigla nalang BLANK!


---
Hey! Sorry po if  hindi po ako nakapag update. Naging busy lang po. I pramis to do my best para tuloy2 na to. Salamat.

Keep voting and commenting.! thanks!

Stay tuned! ♡♡

Mr.Popular Meets Ms.Popular(Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon