Prologue

35 6 0
                                    

*sound of a crying baby!* Sobrang lakas pa rin ng iyak ng baby, halos hindi na alam ni Forth ang gagawin niya. Karga-karga niya ang bata at dinuduyan ito.

"Ssshh! Baby Ford tahan na." Aniya rito sa mahinahong boses. Wala kasi siyang kamuwang-muwang kung paano ang gagawin. Kinuha niya ang isang laruan at iniharap ito sa sanggol na si Ford. "Ito oh toy. Whooo! Shooo!" Pagpapatahimik pa rin nito.

Hindi na rin siya magkandaugaga sa ginagawa niya. Kanina kasi'y nagluluto siya at iniwan ang sanggol sa crib na natutulog. Hindi pa siya nakakapag-almusal pero nang biglang umatungal sa iyak ang sanggol binaling niya agad ang atensyon dito.

"Takte, yung niluluto ko!" Sigaw niya ng maamoy ang nasusunog na sinangag.

"Ungggaaa! Unggaaa!" Shocking! Basta iyak yan ng sanggol di ko lam kung ano bang perfect sound nun.

Natakot siguro yung baby sa sigaw ni Forth. Hindi niya naman mabitawan ang baby kasi baka umiyak lalo. Nagtungo siya sa kusina ng unit niya at pinatay ang kalan. Kita sa mukha niya yung panghihinayang sa nasunog na sinangag.

Damn! Ano ba naman yan Forth! Sinangag na nga lang nasunog pa!

Nagbukas na lamang siya ng ref at napangiti ng makita ang nag-iisang cup noodles. Kinuha niya ito at binuksan saka tinanggal ang seasonings bago nilagyan ng mainit na tubig bago tinakpan muli.

Duyan-duyan pa rin niya ang sanggol na iyak ng iyak. Binigay niya ito ng hangin gamit ang takip ng ice cream na nakuha sa kusina. Kahit siya ay pawis na pawis na rin ket bukas na rin ang aircon ng unit.

*Knocking of door!*

Nagalak siya ng marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa pintuan. Bigla siyang nabuhayan ng loob. Sabik na sabik siyang lumapit at binuksan ang pintuan.

"Whoo! Thank you Kim!" Sambit nito agad ng makita ang kaibigan.

"OMG Forth! Anyare huh? Bat iyak ng iyak si baby Ford? Akina nga!" Nag-aalalang sinabi nito bago kinuha ang sanggol sa pagkaka-karga ni Forth.

Naibsan yung bigat na dala ni Forth at napakamot sa kanyang ulo. Nahiya ito sa kaibigan. Sinarado niya ang pinto at kinuha ang dala ni Kim.

"Forth, anong ginawa mo!? Shems! May lagnat si Ford!" Nataranta na naman ang binata at tumakbo papalapit sa kinaroroonan ni Kim. "Hindi mo agad sinabi sakin para nakabili ako ng gamot. Forth naman!" Bulyaw ni Kim sa binata.

Hindi agad napansin si Forth na may lagnat na pala kanina si Ford. Men bat di mo alam na mainit na pala yung bata. Ramdam na niya yung pressure dahil sa nangyari. Halo-halo na rin yung nararamdaman niya, gutom, pagod at puyat.

"Hayst! Sorry hindi ko alam." Huminga siya ng malalim saka muling nagsalita. "Kanina pa siya iyak ng iyak hindi ko alam gagawin ko, natataranta na rin ako. Halos hindi rin ako nakatulog ng maayos, binantayan ko siya magdamag. I chatted you kasi kailangan ko ng tulong mo." Aniya na nakatingin sa nakahigang sanggol.

"I see. Sige ganito, maglagay ka ng maligamgam na tubig sa maliit na palanggana ako ng bahala kay Ford." Concern din si Kim sa kaibigan, hindi niya 'to kayang makitang nahihirapan. Sanggang dikit yata silang dalawa kahit na sobrang loka-loka ni Kim at kahit na magkaiba sila ng kasarian.

Dinala ni Forth ang maligamgam na tubig at inabot kay Kim ang pamunas. Umupo ito sa single sofa na nakaharap sa kaibigan. Nakatingin lang siya kung paano mahinahong pinupunasan ang sanggol na si Ford.

"Sshhh. Wag ka ng umiyak baby nandito na si ate Kim. La, la, la, punas na iyan para gumaling na. Sshh. Wag iiyak baby." Pagpapatahan ng kaibigan sa sanggol na ikinatuwa niya. Hindi mapigilan ni Forth na mamangha dahil tumatahimik ang sanggol.

Malay Mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon