Epilogue

8 5 4
                                    

Kim's POV

  
 
"Kim!!" Napangiti akong makita si Pin na tumatakbo papalapit sa'kin. What if tumakbo kaya ako palayo para habulin niya ako. Pero siyempre hindi ko yun gagawin ang tanda ko na para makipaghabulan pa sa kanya.

 
Kaagad ko siyang niyakap pagkalapit sa'kin at hinimas ko yung likod niya pababa at pataas.

 
"I miss you." Saad niya bago kami kumalas sa yakap. "Happy birthday!" Akala ko nakalimutan niya.

 
Yes tama po yung nabasa niyo, birthday ko. So ano naman ngayon? Happy birthday to me!

 
Binigyan ko siya ng magandang ngiti at hinampas ko ng mahina yung pisngi niya. "Thank you! Ang taba mo na."

 
Tinignan niya yung kawatan niya at kinumpara yun sa'kin. Tumawa siya at sinundot yung tagiliran ko. "Awwwts! May asawa kana mapanakit ka pa rin." Hinampas ko yung braso niya.

  
"Mas mapanakit kapag kasama ko yung babi ko siyempre lalo na kapag making love time." Nakakatawang biro niya. Mag asawa na nga pala sila kaya normal lang ang making love. Buti di pa 'to nabubuntis sa kalandian niya.

 
"Ahhhh! Lol! Pero bakit wala pa rin kayong anak?" Medyo may pang-aasar na sinabi ko sa kanya.

 
Tinignan niya ako ng masama bago nagsalita. "Wow ah. Sino kaya walang asawa sating dalawa?"

 
"Hindi ako." Sabay kaming napatingin ni Pin sa pamilyar na boses. Nanlaki yung mata ko dahil ang laki ng pinagbago niya last time na nagkita kami sa kasal niya. Medyo lumaki kasi yung braso niya at mukhang tambay na siya sa gym. He looks so hot!

 
He flex his muscles kaya natawa kami ni Pin. "Buti na lang may asawa na ako." Saad ni Pin.

 
"Totoo nga ang balita na nandito ka Kim. Happy birthday dahil d'yan kakain tayo, libre ko." Humawak siya sa tyan niya at ngumuso sa Jollibee.

 
Naghigh five sila ni Pin at sabay na tumawa. "Gusto ko yan." Saad ni Pin. "Pero kulang pa tayo." Pahabol niya.

 
Nilakihan ko siya ng mata. "Kulang?"

 
"Sorry late ako hinatid ko pa kasi si Ford sa school." Bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa manly na boses ni Forth. Kim, relax. Napadaan yung tingin niya sa'kin at nginitian ako. "Hi Kim." Nag-wave siya sa'kin.

 
Behave, Kim.

 
"Hi." Tugon ko saka yumuko at inipit yung buhok ko sa gilid ng tenga ko.
 
 
"Whooa! Wazzup bro!" Pagbati ni Ely kay Forth.

 
Hinawakan ako ni Pin sa braso at hinila papunta sa loob ng Jollibee. Binitawan niya ako agad pagdating namin sa table at umupo na rin ako. "Bakit mo ba kasi ako hinila?" Reklamo ko pagkaupo namin.

 
"Na-miss lang kita. I miss you friend. Happy birthday!" Nginitian niya ako kaya tinaasan ko siya ng kilay.

 
"Pssh. Kanina pa. Ako nga kuwentuhan mo kung anong dahilan kung bakit mo ako pinapunta dito. Alam mo namang may trabaho ako sa probinsiya diba?"

 
"Nabalitaan ko kasi kay tita na puro ka na lang daw trabaho. It's time for yourself naman, bonding tayo at kumain ulit together."

 
I sighed. "Pwede tayong kumain ng kahit dalawa lang tayo." Alam kong alam na niya yung ibig kong sabihin.

 
Tumayo siya at tumabi sa'kin. "Kung sinabi ko naman kasing kasama si Forth malamang hindi ka papayag." Hinawakan niya yung kamay ko at ngumiti. "Hindi mo siya pwedeng iwasan habang buhay."

 
Alam ko naman yun pero hindi pa rin kasi akong handa na kausapin siya. Natatakot ako na baka kung anong masabi ko at kung ano na lang ulit yung maramdaman ko.

Malay Mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon