Chapter Three

7 5 0
                                    

Kim's POV

"Forth dito ka lang ah, bibili lang ako ng kwek-kwek. Gusto mo ba?" Kinuha ko yung wallet ko, natatakam kasi ako sa kwek-kwek eh. Nandito kami sa park, nakumbinsi ko siyang lumabas kaming tatlo para di siya laging magmumukmok sa unit niya.

"Bilhan mo na rin ako, samahan mo ng maanghang ah." Natawa ko kasi mukha talaga siyang tatay, babysitter yung kaibigan ko. Sarap kuhaan ng picture.

"Okay." Tumayo na ako at lumapit sa street foods vendor. "Pabili po ako." Kumuha ako ng dalawang baso at tuwang-tuwa tinutusok yung kwek-kwek. Yummy!

"Kim?" Napatingin ako sa bumanggit ng pangalan ko. "Kim, ikaw nga! Kamusta?"

"Pin? Whaa! Long time no see!" Napatalon ako sa tuwa dahil sa excitement ko. "Grabe, ang ganda na natin."

"Hahaha! Syempre, skin care routine!" Pagdampi niya ng face niya.

"Sana all, so what brought you here?" Englisherist! Well, edukada ang lola mo.

"Alam mo na, may kinita akong fafa." Sabay hawi niya sa buhok niya, pabebe putek!

"Ang landi sis ah." Asar ko sa kanya.

"Ikaw, sinong kasama mo dito?" Tanong niya sa'kin sabay tingin ko sa gawi nila Forth.

"Kasama ko si Forth, yung kinukwento ko sayong kaibigan ko. Lagyan mo 'to ng suka tas papakilala kita." Sabay abot ko sa kanya ng isang baso. "Kuya bayad ko po, salamat." Abot ko ng bayad bago umalis.

"Whaa! Excited na ko Kim! Makikita ko na si fafa Forth, gosh di ako prepared." Apaka harot talaga.

Huminto kami sa paglalakad at humarap kay Pin. "Correction, hindi mo siya fafa okay? Ibahin mo yung kaibigan ko sa mga lalaki mo." Baka kasi yapos-yapusin niya si Forth ganyan pa naman siya. Napaka clingy! "Wag mong panggigilan tsaka may baby yun baka matakot sayo." Biglang simangot niya naman.

"Bayan, sige na nga. Behave lang ako. Let's go!" Nagmamadali pa siyang naglakad as if alam niya kung saan kaya hinabol ko siya at inunahan sa paglalakad.

Pagdating namin sa table nilapag ko yung dala ko. "Ito na Forth." Biglang tingin niya sa'min. Kita kong tiningnan niya si Pin kaya napangiti ako.

"Hi Forth, I'm Pin!" Abot pa niya ng kamay kay Forth.

"Hello. Nice to meet you." Tinanggap naman ni Forth kaya nag-shake hands sila. Iba talaga yung kaibigan ko, hindi na hinintay na ipakilala ko siya.

Umupo ako at hinila yung damit ni Pin para umupo siya. Iba yung tama ni Pin sa kaibigan ko, halos nakatingin lang kasi siya kay Forth. Kita ko namang naiilang si Forth na pinapaypayan si Ford.

"Forth si Pin co-teacher ko. Pagpasensyahan mo na 'tong kaibigan ko sadyang baliw lang, baliw sayo!" Pang-asar ko pa kay Forth.

"Grabe Pin, pero ang galing mo dun! Hahaha! Forth?" Malanding banggit niya sa pangalan ni Forth pero di siya pinansin. "Pwede hawakan buhok mo? Ang ganda kasi ng pagkakakulot." Naluwa ko bigla yung kwek-kwek galing sa bibig ko.

Napatingin sa'kin si Forth kaya nag-peace sign ako. "Pahawak mo na ang ganda daw kasi. Sige Pin hawakan mo dali, minsan lang yan." Tulak ko sa kaibigan ko na biglang tayo agad.

Hahahaha! Kawawang Forth!

"Hala totoo nga." Halos kumawala yung laugh box ko sa pagtawa. Mukhang baliw si Pin, parang ngayon lang nakahawak ng kulot na buhok.

Simula bata kami kulot na talaga si Forth mas gumanda nga lang ngayon yung buhok niya, naging fad din kasi yung curly hair sa mga boys ngayon.

"Upo na Pin baka matakot sayo yung bata." Biro ko sa kanya.

Malay Mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon