Kim's POV
Ngayon kukunin ni Heart si Ford. Nakapag-usap kami ni Forth at napag-isip-isip namin na pahiramin si Ford kay Heart, one week lang naman eh. Pero siyempre hindi ko hahayaang mag-isa lang si Forth na maghahatid, sasamahan ko siya para makita ko yung pagmumukha ng babaeng yun. Tignan ko lang kung gaano siya matutuwa kapag nakita niya ko. After a long-long months ngayon ko na lang ulit siya makikita at sa ganitong pagkakataon pa. Pinagkatiwalaan ko siya noon ng higit pero naglihim pa rin siya sa'kin at sinaktan pa niya yung kaibigan ko. Kapal ng face niya.
Andito kami sa lumang tambayan noong college days namin. Sobrang nakakamiss din. Napapangiti ako. Hindi ko mapigilang pagmasdan yung buong paligid. Walang nagbago at sariwa pa rin yung hangin. Mula rito sa kinatatayuan ko tanaw ang berdeng mga dahon at malalago na mga puno. Sobrang refreshing lang.
"Makapagmuni ka daig mo pa yung hiniwalayan ng asawa at nobya." Naputol yung pag-e-emote ko. "Parating na si Heart."
"Haay naku late ah. Bayad ba niya yung paghihintay natin? Pasalamat siya maganda ako." Tinignan ko yung wrist watch ko, super late na siya more than a minutes.
May tricycle na huminto sa harap namin kaya nagsalubong yung kilay ko. Nakita kong bumaba yung lalaking parang kasing age ko lang din at sumunod si Heart. Mukha siyang galante ngayon, pero bakit nag-tricycle lang? Pabida.
"Sorry natagalan kami, naligaw pa kasi kami eh." Bungad niya agad sa'min.
"Sorry? Naghintay kami ng matagal tapos sorry lang?" Bulong ko sa sarili ko.
Bigla naman akong siniko ni Forth kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Sinamaan lang ako ng tingin.
"Yan na ba yung anak natin? Pwede ko na ba siyang kargahin?" Ang inosente pa ng mukha niya. Inaabangan ko siyang umiyak pero wala kahit isang patak.
"Opps! Hindi pa pwede." Humarang ako sa gitna nila ni Forth at napalunok muna. Nilagay ko yung dalawa kong kamay sa waist ko.
"Let me clear everything to you, one week mo lang pwedeng hiramin si Ford."Tumango si Heart. Good girl naman pala. Pero sinundan niya ng napaka-plastick na ngiti. Aba't ang tapang.
"Ako yung nanay niya at wala kang karapatang limitahan ako kung hanggang kelan ko pwedeng makita yung anak ko."
Naramdaman kong may humawak sa braso ko at hinila ako. Muntik na akong matumba dahil sa lakas ng pagkakahatak sa akin.
"Sino ba tong babae na 'to, ha?" Dinuro-duro ako ng lalaki at ang tapang niyang magsalita.
"Hoy pre! Babae yang dinu-duro mo, dahan-dahan sa pagsasalita." Pag-awat ni Forth, parang gusto pa kasi akong saktan ng lalaki eh. Wala naman akong ginagawa sa kanya.
"Huwag kang makialam." Tinuro pa niya si Forth.
Binaba ko yung kamay na pinanduro kay Forth at tinarayan ko siya. "Hoy! Ibabalik ko sa'yo yung tanong mo, ikaw sino ka ba kuya ha? Heart, pagsabihan mo 'tong kasama mo ha. Kayo na nga lang yung may kailangan ang lalakas pa ng loob niyo." Ang tapang kong sinabi yan sa kanilang dalawa saka huminga ng sobrang malalim.
Hinarang ni Heart yung kamay niya sa lalaki. Napa-ngisi na lang ako.
"Heart, alagaan mo yung anak natin. Mahalin mo katulad ng pagmamahal ko." Nakita ko sa mata ni Forth yung lungkot. Hindi yan yung Forth na normal kong nakakasama. Hinalikan niya si Ford sa noo bago binigay kay Heart. "Nandito lahat ng kailangan niya, gatas niya at yung mga damit niya." Inabot niya rin kay Heart yung bag, pero kinuha agad yun ng lalaki.
Dama ko yung lungkot ni Forth eh. Yung TLC na kung tawaging tender loving care para sa anak niya. Lumapit ako para i-tap yung shoulder niya, hindi ko kailangang magsalita. Understandable na yun sa kanya at alam na alam ko yung nararamdaman niya.