Chapter Seven

7 5 0
                                    

Kim's POV

"Teacher Kim, tapos na po ako." Lumapit sa'kin yung cute na cute kong student na si Pia. Inabot niya sa'kin yung drawing niya, pinag-drawing ko kasi sila ng kung anong gusto nila maging paglaki.

"Wow naman ang ganda. Bakit gusto mo maging doctor?" Tanong ko sa kanya.

"Para po makatulong ako sa mga tao. Gusto ko pong mag-save ng buhay kapag doctor na po ako katulad ni daddy."

"Very good! I'll give a star for that." Kinuha ko yung pantatak ko at nilagyan siya ng star sa kamay ganun na lang din yung pagkatuwa niya. Bumalik siya sa upuan niya at nakapangalumbaba akong pinagmamasdan yung mga bata.
.
.
      Ang sinasabi ng mata ko, walang kahit na ano at sino ang makakasira ng pagkakaibigan nating dalawa.
.
.
Biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Forth kahapon. Paulit-ulit din tumatakbo sa isip ko yung bugok na 'yon at patuloy lang na sumasagi sa isipan ko yung sandaling sobrang lapit namin. Pilit kong inaalis sa isip ko si Forth.

"Teacher Kim? Teacher?"

"Ahh yes anak? May problema ba?" Nagulat ako sa pagtapik sa'kin ng isa kong estudyante.

"May iniisip po ba kayo teacher? Classmates, si teacher Kim iniisip yung kras niya!" Nagulat ako sa bata kaya tumayo ako at nilapitan siya.

"Sssh! Pano mo nalaman yung crush? Hindi pa yun pwede ang bata niyo pa." Pagsasaway ko sa kanya. Echoserang bata.

"Ayieee! Sana all po teacher!"

"Si teacher pumapag-ibig!"

"Yiee!"

Napakamot ako sa ulo ko at sinasaway sila baka marinig kami sa kabilang classroom.

"Quiet na, okay. May naalala lang si teacher na kaibigan. Alam niyo ba yung kaibigan? Sila yung taong espesyal sa buhay natin at kasama natin palagi kaya dapat magkaroon kayo ng kaibigan. Okay ba yun?"

"Opo teacher Kim!" Sumagot silang lahat.

"Very good. Bago tayo umuwi teacher Kim will tell everyone a story, gusto niyo ba yun?"

"Opo!"

Kinuha ko yung story book ko at pinakita sa kanila. Tumayo ako sa harap nila ng maayos at huminga ng malalim. Sinimulan ko yung pagkwento at lahat sila nakikinig. Nagpapalit din ako ng boses depende sa character ng story.

"The Lion thanked the mouse. 'Thank you, little mouse. I promise to never underestimate the smaller creature again.' The mouse turn tried to look heroic and brave. It was with some relief and not a little pride that he watched as the Lion disappeared into the forest."

Disclaimer: I do not own anything in the story. Everything goes to the respective owners and composers. The story used "The Lion and the Mouse" belongs to Aesop's Fable.

Enjoy!

Nagpauwi na rin ako at nag-aayos na lang ng gamit. Ako muna yung cleaner first day pa lang naman. Nagulat ako sa pagkatok sa pintuan ng classroom bukas naman kaya humarap ako.

"Clark? A-anong ginagawa mo rito?" Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Nagtama lang yung mga mata naming dalawa at nakaguhit sa labi niya yung malaking ngiti.

"Hi. Sinusundo ko lang yung teacher dito." Ani Clark kaya lumingon ako sa paligid ng classroom ko. May iba pa bang teacher dito sa room?

"Sinong teacher?" Nalilitong tanong ko sa kanya.

"Who do you think? Siyempre ikaw lang naman yung reason kung bakit nandito ako."

Shocking! Halos mapunit yung ngiti ko sa sinabi niyang iyon. Sinampal ko yung sarili ko baka kasi isang malaking ilusyon ko lang 'to. Kanina si Forth yung nasa isip ko ngayon si Clark naman. Baliw ka gurl?

Malay Mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon