Forth's POV
Baby. Siguro iyon yung endearment nila noon. Nasasaktan ako kasi ako dapat yung tumawag sa kanya nun, it may sound like a teenage love story but that should be me.
Hindi agad ako umalis ng school para tignan siya kung okay lang ba siya. Nagseselos ako dahil nakita kong ngumingiti siya dahil kay Ely. That man yung ex crush niya. I should be the one who took picture of her.
Argh!
This is all my fault. Pero hindi ko hahayaang mauwi lang sa wala lahat ng pinagsamahan namin. Kung hindi man paunlakan ng tadhana na magsama kami Kim at least maisalba yung friendship namin.
*Ting!Lester Celest
Magkita tayo ngayon. 10AM same place kung kelan tayo huling nagkita.Just now • Seen 7:25 AM
Forth Padilla
Salamat, bro.Just now • Delivered 7:26 AM
Sinubukan kong hanapin sa mga friends list ni Heart yung kinakasama niya at na message ko agad.
• • •"Sorry bro ah kung kinailangan ko pang makipagkita sa'yo. May mga katanungan lang sana ako, 'wag sanang ikasasama ng loob mo." Huminto muna ako saglit bago nagpatuloy. "Mahal mo ba si Heart?" Tinanong ko siya.
Tumikhim siya. "Seryoso, mahal ko siya." Saad niya.
Mukhang malabong makakuha ako ng magandang sagot sa kanya.
"Yung anak namin. Hindi ka ba nabibigatan na alagaan siya?"
"Magaan lang naman si Ford. Bro, para ko na ring anak yun."
Parang gusto ko na siyang saktan sa mga sagot niya.
"May balak ka bang magpakasal kay Heart?" Ani ko.
"Haha! Kasal-kasal? Bro, nag-propose na ako sa kanya at pumayag siyang magpakasal kami. Tanggap ko naman yung anak niyo, balak pa naming gumawa ng sarili naming anak para may kapatid si Ford. Nag-try kami ngayon delayed daw siya."
Paiba-iba yung emosyon ko sa sinasabi niya. Naiinis ako, napapangiti at the same time. Doon sa huli niyang sinabi hindi ko masyadong naintindihan.
"Anong nag-try?" Tanong ko sa kanya.
"Pinaagang honeymoon."
"Seryoso bro? Masasapak na kita."
Tumawa siya. "Slow ka ba? Patanga ka? Sasapakin mo pa lang ako nasapak na kita sa sobrang slow mo."
This guy is a psycho. Seryoso kinakabahan ako para sa anak ko. Pero mukha naman siyang maayos."You mean nag-ano kayo?"
"Ulit-ulit? Di mo na lang diretsuhin, oo nag kan-"
"Oo alam ko na."
Hype na lalaki 'to. He reminds me of a friend. Mukhang okay naman sila ni Heart.
"Buti na nga lang iniwan ka ni Heart at nagpaka-layo-layo dahil doon nakilala ko siya. Mahal ko yun at mahal din naman niya ako. Attend kayo wedding ah."