Chapter Eight

7 5 0
                                    

Kim's POV

"Forth, siguro nagpuyat ka kagabi 'no? Tsaka bakit? Wala naman si Ford para pagpuyatan mo. Tumayo na d'yan!"

Nagtago lang siya sa kumot niya. Nakakainis 'tong lalaking 'to. Sino naman kaya yung dahilan ng pagpupuyat niya? Babae?

"Tumayo kana kasi d'yan! Kumain ka na!" Niyuyugyog ko siya para tumayo. Inalis niya yung kumot at bigla akong niyakap kaya napahiga ako sa dibdib niya. "Ano bang ginagawa mo bugok!?" Hinahampas ko siya.

"Ang sakit ng ulo ko." Sambit niya at pinakawalan ako. Hinawakan niya yung sintido niya at napapikit, siguro masakit nga.

"Edi sana kanina mo pa sinabing masakit yung ulo mo. Kumain ka na tapos magpahinga ka. Aalis na ako." Tumayo ako at inayos yung damit ko nagusot tuloy, epal talaga! Naglakad ako palabas ng kwarto niya naramdaman kong tumayo siya.

"Umuwi ka ng maaga para hindi ka takbo ng takbo sa isip ko, sumasakit ulo ko sa'yo." Huminto ako sa paglalakad at lumingon kay Forth. Inaayos niya yung buhok niya and I found him cool sa itsura niya ngayon kahit nakapantulog pa. "Akala ko ba aalis ka na?"

"Oo na, aalis na. Babush!" Bumaba na ako at kinuha yung bag ko.
.
.
.
Fast forward na us!

Almost one week na akong nililigawan ni Clark, consistent yung pagsusundo niya sa'kin. Palagi siyang nagkakaroon ng time para puntahan ako sa school kahit na medyo busy siya sa trabaho niya. Balak ko na siyang sagutin naghahanap lang ako ng magandang timing. Nakita ko namang sincere yung panliligaw niya. Hindi ko na balak na patagalin pa. Hindi naman na rin ako bata para magpabebe pa.

Kaso may problema ako eh, si Forth. Hindi ko pa nasasabi sa kanya yung panliligaw ni Clark. Na-gi-guilty ako kasi naglilihim ako sa kanya. Sasabihin ko sa kanya mamaya bago ko sagutin si Clark. Nag-aalala ako sa kanya kasi isang Linggo na pero hindi pa rin binabalik ni Heart si Ford, na-miss ko na yung bata at lagi siyang iniisip ni Forth.

"Kim, are you okay?" Tinapik ako ni Clark sa braso. "Kanina ka pa wala sa sarili. May problema ba?"

"Wala naman. Naalala mo si Forth, yung kaibigan ko?" Tumango lang si Clark. "Hindi pa kasi binabalik yung anak niya eh. Nag-aalala lang ako para sa kalagayan ng bata."

"Really? Ako yung kasama mo pero iba yung nasa isip mo?" Parang nag-iba yung tono ng pananalita niya.

"Sorry Clark, hindi ko lang kasi maiwasang maisip eh." Uminom ako ng tubig at tinignan siya. Bakit ganyan siya?

"I understand. Gusto kong ma-meet yung kaibigan mo. I think interesting na makilala siya, would you allow me?"

"Ahm. Oo naman. After natin kumain puwede na tayong umalis at para mapakilala kita sa kanya."

Sa tingin mo Kim okay lang kay Forth? Baka hindi gusto ni Forth na makilala si Clark.

Bakit naman hindi? Yun na nga yung chance para mapakilala ko siya kay Forth.

"Great. Are you done? I guess pwede na tayong umalis." Tumango ako at kinuha yung bag ko bago tumayo. Mas okay ng maaga pa lang maipakilala ko na siya kay Forth. Wala namang problema.

On the way na kami papunta sa unit ni Forth. Siguro naman nakapaglinis na yun si Forth nakakahiya kay Clark kung madatnan niyang marumi yung bahay pero walang question dun kay Forth malinis yun sa bahay at sa mga gamit niya wag lang siyang tatamarin, naku wag naman sana!

Nasa labas na kami ng unit ni Forth. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan yung front door.

"Oh my gosh! Forth, magdamit ka nga!" Sinigawan ko siya ng maabutang nakahubad ng damit. Tinakpan ko yung mata ko at umiwas ng tingin sa kanya. "Kasama ko si Clark, magbihis ka!" Humarap ako kay Clark na mukhang disappointed ng very light.

Malay Mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon