Chapter Ten

6 6 0
                                    

Kim's POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko. Nakapikit kong inunat yung kamay ko at parang may malambot na bagay akong nakakapa, kinapa ko ng kinapa, ano 'to ba't matigas na?

"Parang ang sarap." Pinaikot-ikot ko yung kamay ko dun sa bagay na matigas. Ano ba kasi 'to?

"Ehem! Masarap talaga yan, abs ko yan, baliw!" Nagulat ako sa sinabi ni Forth. Si Forth ba talaga?

Dumilat ako. Shocks nakayakap pala ako sa kanya!

"Gulat ka 'no?" Pang-asar na sabi niya sa'kin. Pinakitaan pa niya ko ng pamatay na ngiti niya.

Tumayo ako at lumayo sa kanya. "Ang sarap ng tulog ko. Medyo masakit lang yung ulo ko ngayon. Di ko alam kung nananaginip ba ako kagabi o dala lang ng kalasingan ko, may babae kasing biglang yumakap sa'kin. Naramdaman ko yung ano eh, something na nagpainit ng gabi ko." Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Ako ba yung lasing o siya? Ba't parang wala akong maalala?

Nanatili pa rin siyang nakahiga sa sahig at inunan yung dalawang kamay niya.

"Wala bang masakit sa'yo?" Nakakalitong tanong niya. Kinagat niya lower lip niya at tinitigan ako ng kakaiba.

Tumalikod ako at nag-self check. Okay naman yung hinaharap ko, hindi naman masakit yung hita ko, wala naman akong pasa pero ang sakit ng likod ko.

"Forthhhhhh!!! Walang hiya kaaaaa!! Anong ginagawa mo sakinnnn!!!?" Sinigawan ko siya at parang batang nagdadabog.

"Wala akong ginawa sa'yo. Ikaw yung may ginawa sa'kin." Tumayo siya at nag-stretching. Inunat-unat niya yung kamay niya at nag-push up. Bakit kailangan sa harap ko pa? "Punasan mo yung gilid ng labi mo. Natuyo na yung laway mo."

Pinunasan ko naman, parang meron nga. Nakakainis naman! Yung ganitong magigising ka tas ang panget agad ng bubungad sa'yo. Goodness! I hate him!

"Kim."

"Ano na naman!?"

"Hindi pa rin pala nagbabago, humihilik ka pa rin."

"Whaaaaa! Hindi ako yun, Forth! Lasing ka lang, baka ikaw yun! Bintang pa more!"

"Ako pa talaga, okay ako na lang."

Umakyat ako sa taas baka masapak ko lang siya sa sobrang gigil ko. Bwiset!

"Saan ka pupunta?"

"Sa lugar na malayo sa'yo, bugok na pugo!"

Tinakpan ko yung tenga ko para hindi na marinig yung mga sasabihin pa niya. Sakit lang sa tenga. Napaka-assuming niya at nakakabwiset! Uuwi na talaga ako sa bahay sa susunod na araw. Ayaw ko na siyang makita pang muli.
.
.
.
*Kring! Kring! Kring!

Kinuha ko yung phone ko. Tumatawag si Clark, enebe! Nawala sa isip ko, jowa ko na pala siya.

"Good morning my girl! Kanina pa kita tinatawagan, I guess kagigising mo lang. I want you to go outside, pwede ngayon na? Wag mong ibaba yung phone." Bungad niya sa'kin.

Bumaba ako at binuksan yung pintuan.

"Move forward, punta ka sa gate."

"Ha? Bakit ano bang meron?"

"Sumunod ka na lang. Pinapanuod kita, c'mon punta ka na. I prepared something for you my girl."

Binuksan ko yung maliit na gate ni Forth at bumungad sa'kin yung isang paper bag.

"Naghanda ako ng breakfast mo. There is fresh milk and donuts inside. Nag-order na lang ako ng spaghetti and fries, hindi ako marunong magluto. I hope magustuhan mo."

Malay Mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon