Kim's POV
Kinagabihan ay naghanda si mama ng hapunan kasama si Forth. Halos hindi naging tahimik yung pagsasalo namin kasi maya't maya yung mga hirit ni Shine.
Palagi niyang pinagdidiinan na mas lamang siya sa'kin sa maraming bagay. Si mama naman sumasang-ayon din at nilalaglag ako kay Forth.
Kapag tinitignan ko silang tatlo, ang saya-saya makita kahit na ako lagi yung topic nila. Si Forth kasi mabenta kay Shine at Mama, halatang pro-Forth sila and because they are pro-Forth, wala silang hindi magandang bagay na nakikita kay Forth, to be pair wala naman kasi talagang mali kay Forth.
He is perfectly good and balance.
"Forth, congrats sa success ng trabaho mo. Sigurado akong proud na proud sa'yo si kumare at visible yung hardwork mo. Nakaabang kami sa'yo anak ng mama mo at aabangan namin yung mga design mo." Ani mama.
Hearing my mama calling Forth as anak makes my heart beats fast.
"Salamat po, tita. Si mama nga po ay kinakamusta kayo at alam niyo po bang may mga ipapadala siya sa iyo. Pagdating naman po sa trabaho mas kailangang pagsumikapan." Ani Forth.
"Si ate mukhang inspiradong magturo sa mga bata at siguradong nahahawaan niya yung mga estudyante niya ng kabaliwan niya." Sambit ni Shine.
"Share mo lang. Yung mga estudyante ko gandang-ganda sila sa teacher nila at alam niyo bang instant nanay ako kapag nasa school, anak ko kaya yung mga yun." Confident kong sinabi.
Miss ko na tuloy yung mga estudyante ko.Humalakhak si Shine. "Mga anak pala ah, hmm kung nanay ka nila plakadong alam na kung sino yung tatay." Tumango-tango siya at nakatingin kay Forth.
"Yan na naman siya. Purket anak ko sila kailangan may tatay sila, ganun na ba yun?"
"Parang ganun na nga." Sumimsim siya ng tubig. "Pinay sobrang fine🎶 Ganda niya'y undefined, just wanna hold you tight 🎶" Napakanta pa siya, loka-loka rin talaga.
Crdts: Yung kanta niya'y si Kyle Zagado ang singer entitled Pinay na Sobrang Fine.
"Cyst, 'wag ka ng mahiya. Kuya Forth, welcome to the family." Hirit pa niya.
Napalingon sa akin si Forth. Napalunok lang ako at nilakihan ng mata si Shine.
"Buang ka, Shine." Napayuko ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Forth anak, feel free na tawagin akong tita pero kung gusto mo na mama, ayos lang." Ani mama.
Napaangat ako ng tingin kay mama.
"Ma naman." Napailing na lang ako. Nakakahiya na 'to.
"So ito nga, ang ate palaging nakatulala sa bahay at kusang tumatawa. Alyas baliw kuno! Isang araw nakita ko siyang tinititigan yung dp niyo po kuya Forth at kulang na lang tumulo ang laway. Daig pa nga ako mag-imagine eh, parang siya pa yung teenager." Pagbubuking ni Shine at bakit alam na alam niya yun.
You're crazy, Shine!
Nilingon ako ni Forth. "Totoo ba yun, Kim?"
Umiling lang ako.
"Deny pa more. Ma, sabihin mo nga kung anong nakita mo sa lagayan ng mga important documents natin."
Napapikit ako at napakagat sa ilalim ng labi.
"Sorry anak, pero nakita ko yung mga ginupit na pictures niyo ni Forth at nabasa ko rin yung diary mo."
Napakamot ako sa ulo. Gusto kong maglaho agad at makawala sa kahihiyan. Yung pinakatatagong sekreto ko, kahihiyan.