Kim's POV
Ilang Linggo na rin yung nakalipas. Hindi na ako sa bahay ni Forth tumutuloy. Pagkatapos ng nakakahiya kong ginawa, hindi na ko nagpakita sa kanya. Shocks! Nakakainis naman kasi. Bakit kailangang kong gawin yun? Nakakahiya yun dahil babae ako! Bakit ko naman kasi naisipang gawin yun? Bakit may kuryente? Shemay! Nahihiya ako para sa sarili ko. So annoying!
Hindi ko na alam yung nararamdaman ko para sa kanya. Napaka-unfaithful ko kay Clark. Siya yung boyfriend ko pero mas iba yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Forth. Gusto kong maging faithful sa boyfriend ko at dapat lang talaga.
Ngayon niya ako official na ipapakilala sa mga kaibigan niya. At sa halos dalawang Linggo naming in a relationship palagi niya akong pinapasaya. May mga elements of surprise, punong puno na rin ng flowers yung vase namin nabulok na lang yung iba.
Pero sa loob-loob ko nakakaramdam ako ng kakulangan. Hindi ako sanay na walang Forth, walang bugok na pugo sa buhay ko at walang nang-aasar sa'kin. Feeling ko nakaturn-off chat siya, nakikita ko namang nag-re-react s'ya sa mga post ng iba hindi lang talaga ako chi-na-chat.
"Forth naman, bakit na-mimiss kita?" Nag-pouty lips na lang ako at nakipagtitigan sa profile picture niya. "Ba't ganyan ka makatingin sa'kin? Yung dimple mo itago mo yan. Wag kang ngingiti, naku!" Para kong tanga na kinakausap kahit yung picture niya na lang.
.
.
*Knock! Knock!"Pasok." Madali kong bi-nack yung phone ko at nilipat sa picture ni Clark.
"Cyst, napansin ko na kanina ka pa tahimik. May problema ba?" Tinabihan ako ni Shine at ikiniling niya yung ulo niya sa balikat ko.
"Wala naman. Hindi lang masyadong maganda yung pakiramdam ko." Arte ko.
"Okay. Magkapatid naman tayo kaya pwede mong sabihan, nandito lang ako para sa'yo, sisters tayo. Tungkol ba yan kay kuya Clark or kay Kuya Forth."
Sinabi ko sa kanila ni mama lahat tungkol sa'min ni Clark. Sang-ayon naman sila sa relationship namin ni Clark, gusto na nga ni mama na mag-asawa na raw ako. Haha! Support!
"Both." Humugot ako ng malalim na hininga at pinakawalan ito. "Kasalanan ko lahat. Shine, feeling ko hindi ako nagiging tapat kay Clark. Sinasaktan ko siya. Pero hindi dapat. Shine, nalilito ako. Kapag kasama ko siya si Forth yung tumatakbo sa isip ko, inaalala ko kung kumain na ba siya, nagpapahinga ba siya. Masaya ako kay Clark pero, argh! Sampalin mo nga ako Shine, para matauhan ako." Hinarap ko sa kanya yung mukha ko.
"Sisteret, hindi kita sasampalin. Alam mo gagawin ko sa'yo? Ipapakuha kita sa mga aliens at ihuhulog kita sa crater ng bulkan. Hahaha!"
Tinarayan ko siya at hinampas ko yung noo niya.
"Bwiset ka talaga! Wala kang kakwenta-kwentang kausap."
"Sharing pa more. Haha! Pero ang masasabi ko lang, sundin mo yung laman ng puso mo. Basta kasalanan mo talaga yan! Pokaru ka kasi!"
"Lumayas ka!" Tinulak ko siya at itinaboy palabas.
"Ito na seryoso na koooo! Hiwalayan mo na si kuya Clark, hindi siya yung para sa'yo. My vote is for kuya Forthhhhhh!" Pinagsarhan ko siya ng pinto. "Ate Kimmm for kuya Forthhhhhh! Maaaa! Si ateeee! Crush si kuya Forthhhhhh!" Rinig kong sigaw niya sa labas.
Badtrip na kapatid yan, akala ko papayuhan ako ng magandang bagay. Kasiraulohan talaga!
Mga isang oras pa bago ako nag-asikaso. Ano bang dapat kong maramdaman ngayon? Dati-rati pinagdarasal ko lang na sana magka-jowa ako, pero bakit hindi ako ganun kasaya?
"Kim, wag kang baliw!" Bulalas ko sa sarili ko. "Be faithful!" Kinuha ko na yung cellphone ko at lumabas na ng kwarto.
Mag-co-commute ako papunta sa studio ng isang reality show ng tv network na pinapasukan ni Clark. May guesting daw siya at gusto niya live akong manunuod at after daw nun saka niya ko ipapakilala sa mga kaibigan niya back stage.