Kim's POV
"Forth, I'm sorry. Hindi ko naman sinasadyang sigawan ka kagabi." Hinahawakan ko siya sa kamay parang baliw kasi nagtatampo kanina pa ko hindi pinapansin. "Sorry na please." Ngumuso pa ko at nagpa-awa look.
Tumingin na siya sa'kin. Inantay ko siyang magsalita. Ang tagal. "Pfft! Di ako galit, baliw." Siraulo talaga ginulo pa yung buhok ko.
"Hindi talaga? Weh? Baka nagpapanggap ka lang."
"Hindi nga, ba't naman ako magagalit sa'yo. Kalimutan na natin yung nangyari kahapon. Tsaka nga pala, aalis ka ba ngayon?"
"Oo. Pero mamaya pa namang gabi. niyaya ako ni Clark ng Dinner sa kanina kasama yung parents niya. Bakit may pupuntahan ka ba?"
"Ganun ba? Balak ko sanang pumunta sa bahay nila Heart. Susunduin ko si Ford, lagpas na siya sa napag-usapan."
"Tama yun Forth, gusto mo samahan kita?" Baka gusto niyang may kasama mamaya pa naman ako aalis eh.
"Hindi na Kim. Dito ka na lang, magpahinga ka aalis ka pa mamaya. Mag beauty rest ka, ayy rest lang pala."
"So sinasabi mong wala akong beauty, ganun?" Nag-cross arm ako at tinaasan ko siya ng kilay. Pasmado bibig nito ah.
Tumayo siya. "Haha! Wala akong sinabi. Narinig mo bang sinabi kong di ka maganda?"
Tumayo rin ako at tinulak ko siya kaya napaupo ulit siya sa sofa. Ang weak! Sinuntok ko yung palad ko at tinalunan yung lap niya para makaharap ko siya. Imagine niyo yung posisyon naming dalawa, nakaupo siya sa sofa at nakapatong ako sa lap niya. Sinakal ko siya.
"Kasasabi mo pa lang. Papatayin kita! Umamin ka na kasi nahuhumaling kana rin sa ganda koooo!" Hinigpitan ko yung pagsakal sa kanya.
Hinawakan niya yung kamay ko at pinipigilan ako. Mukhang hindi naman siya nasasaktan kasi nagagawa pang ngumiti.
"Ito na yun?"
Ang dali niyang napalitan yung pwesto naming dalawa. Ngayo'y nakahiga ako at hawak niya yung mga kamay ko sa magkabilang gilid.
"Maganda ka lang pero mas malakas ako sa'yo." Ngumisi siya at tinitigan ako sa mata.
Bakit ganito na naman yung pakiramdam ko? Hindi naman ganito yung nararamdaman ko kapag kasama ko si Clark. Mas malakas ngayon yung tibok ng puso ko, parang gustong lumabas.
"Forth." Mahina kong pagkakabanggit ng pangalan niya.
"Close your eyes." Banayad niyang sinabi sa'kin.
Pumikit ako katulad ng inutos niya. Sobrang bilis lang ng tibok ng puso ko. Bakit ganito?
Naramdaman ko yung mainit niyang labi na dumampi sa noo ko. That was a sweetest forehead kiss. Sobrang sarap sa pakiramdam, ewan ko pero yung halik na yun pinakalma yung puso ko.
Umupo ako at inayos yung buhok ko. Ayaw kong ngumiti baka makita niya, sign daw kasi yun na kinikilig ka. Kinikilig ka Kim? Gusto mo yung halik sa'yo ni Forth 'no? You want more from him. Ayieee! Baklang twuuu!
Pero hindi ko talaga mapigilan yung sarili ko. Bigla akong natawa, pambasag sa katahimikan naming dalawa."Pfft! So-ho-rry." Nag-peace sign ako at tinakpan yung pisngi ko.
"Baaaaaakiiiiiiiit?" Napatitig ako sa labi ni Forth habang sinasabi niya yan. Parang ang bagal ng pagkakasabi niya.
Umiling lang ako at tumalikod. Shocks! Kinikilig ba talaga ako? Iba kasi yung nararamdaman ko eh. Mas doble kapag kasama ko si Clark. Anong ibig sabihin nun?